Pages

Wednesday, July 20, 2011

Masarap ma inlove.

Kaya nga yung ibang tao naiiyak na dahil hindi pa rin nila makuha ito diba? May mga taong nasa relasyon nga pero umiiyak pa rin sila. Bakit? Dahil mahal nila ang isat-isa. Hindi sila sanay na nag aaway sila, hindi sila sanay na ganun ang taong mahal nila.

Paano pa kaya yung taong umiiyak dahil wala pang nagmamahal sa kanila? O ito ba yung mga taong masyadong mapili at pilit na kinukuha yung taong meron ng iba? Hindi bat nakakalungkot na kwento nga naman ng buhay yun?

Swerte ka kapag nasa relasyon ka, kasi pagtapos ng iyak mo sigurado kang may taong lalambing sayo, pagtapos mong umiyak may taong pupunas nito. May taong yayakap sayo. Kahit na malayo o malapit, mararamdaman mo ito.

Huwag na huwag mong sasabihing nakakasawang magmahal. Dahil mas maganda pang sabihin na nakakasawa yung tao at hindi yung pagmamahal. Lagi mong tatandaan na walang kasalanan ang pag-ibig dito.
Ang pag-ibig at pagmamahal ay isang napakasarap na pakiramdam na mararamdaman ng isang tao. Hindi bat nabubuhay tayo sa mundo para magmahal? Sa huli dito lahat tayo hahantong, hanggang pagtanda natin ito ang hahanapin natin.. Sa magiging asawa natin, sa magiging anak, at sa mga magiging apo natin.