Pages

Monday, September 24, 2012

If you really love the person, you are willing to take all the risks, pain and sufferings.


Mahirap talaga malayo sa taong mahal mo. Hindi mo alam kung saan at paano ka magsisimula. Hindi mo alam kung paano ka magaadjust lalo na nasanay kang laging andyan sa tabi mo ung taong mahal mo, tapos sa isang iglap, aalis siya. Napakasakit. Napakahirap. Kahit umiyak ka pa ng dugo, hindi siya makakabalik agad, kahit umiyak ka magdamag, walang mangyayari.

Kelangan tulungan mo ang sarili mo. Wag mo ikulong ang sarili mo sa lungkot, hirap at sakit, Oo darating talaga sa point na mamimis mo siya. Pero lagi mong tatandaan na wala namang relasyon ang hindi dumaraan sa matitinding pagsubok. Walang relasyon ang hindi nakakaranas ng sakit, hirap.

Lagi mo lang tatandaan na pagtapos ng lahat ng pagsasakripisyo niyo, darating din yung panahon na makaksama mo siya in God's perfect time. May purpose lahat ng nangyayare sa relasyon niyo. At the end of all those suffering and pains, saka mo marerealize na lahat ng pinagdaanan niyo worth it.