skip to main |
skip to sidebar
Nung umalis siya para akong napilayan
- paano ako magsisimula ng wala siya sa tabi ko?
- paano na ko?
- paano ako mag'aadjust?
- paano na kami?
- anong gagawin ko?
Simula nung naging kami, hindi na siya umalis sa tabi ko. Lagi siyang andyan. Laging nakaalalay. Lagi akong inaalagaan. Hatid sundo. Ksma sa lahat ng oras. Tapos sa isang iglap, wala na siya...
Wala pa isang lingo na wala siya sa tabi ko. lechugas! Kung nakamatay ang iyak, matagal na ako namatay. Oo, iyak ako ng iyak, Buong araw akong umiiyak. Magdamag. Walang humpay. Walang tigil. Laging maga mata ko. Hindi ako makatulog. Para ako bata iniwanan. Gusto gusto ko na siya pauwiin. Hirap na hirap ako. DEPRESS ako. hindi ko alam anong gagawin ko. Kase ba naman! Nasanay akong lagi siyang andyan! :/ Hays.
Mahirap magadjust kung masyado na talaga kayong attached sa isa't isa. Idenepende ko na kse ang buhay ko sa kanya, siya nag dedesisyon para sakin. He's my everything. My bestfriend. all in one na kumbaga. Package na =]
Wala nman akong iba nilapitan nung mga panahon na nalulumbay ako, si God lang. Walang ibang makakacomfort skin, kundi si God lang. Walang ibang makakatulong sakin, Kundi si God lang, i know deep in my heart, na may purpose siya,. Hindi naman kse puro sarap at saya lang. Darating din ung panahon na ssubukin niya kami, at eto na nga yon. Matinding pagsubok para sa relasyon namin. I know after these sufferings my magandang futute na naghihintay para saming dalawa.
Mahirap talaga malayo sa taong mahal mo. Hindi mo alam kung saan at paano ka magsisimula. Hindi mo alam kung paano ka magaadjust lalo na nasanay kang laging andyan sa tabi mo ung taong mahal mo, tapos sa isang iglap, aalis siya. Napakasakit. Napakahirap. Kahit umiyak ka pa ng dugo, hindi siya makakabalik agad, kahit umiyak ka magdamag, walang mangyayari.
Kelangan tulungan mo ang sarili mo. Wag mo ikulong ang sarili mo sa lungkot, hirap at sakit, Oo darating talaga sa point na mamimis mo siya. Pero lagi mong tatandaan na wala namang relasyon ang hindi dumaraan sa matitinding pagsubok. Walang relasyon ang hindi nakakaranas ng sakit, hirap.
Lagi mo lang tatandaan na pagtapos ng lahat ng pagsasakripisyo niyo, darating din yung panahon na makaksama mo siya in God's perfect time. May purpose lahat ng nangyayare sa relasyon niyo. At the end of all those suffering and pains, saka mo marerealize na lahat ng pinagdaanan niyo worth it.
- kapag namimiss mo, itext mo, tawagan mo. o kaya naman puntahan mo.
- kapag nagkaron ka ng kasalanan, suyuin mo ng todo, ligawan mo ulit.
- kapag wala na siyang tiwala syo, gumawa ka ng mga bagay para bumalik ulit un.
- kung ayaw na niya, at alam mong may pagasa pang maayos, mageffort ka na maayos ulit un.
- kung may problema ka, may solusyon yan.
Napakaraming paraan kung gugustuhin mo talaga, napakaraming idea kang maiisip kung gugustuhin mo talaga. Pero kapag ayaw talaga, jusko, for sure napakarami mong dahilan at rason, di ka mauubusan ng irarason mo kapag tinatamad ka o ayaw mo talaga." Wag mo issuko ang isang bagay, na alam mo kaya mo gawin habang buhay."
It takes a lot of sacrifice para mahanap ang taong mag mamahal sa atin, kaya mag effort ka na parang huling araw mo na sa mundo. Kung sakali dumating ang araw na wala kana, massabi mo "Masaya ako, dahil may nagawa ako espesyal sa kanya." :)