Pages

Friday, August 31, 2012

“Happy __ monthsary!”

Nasa dictionary na ba ang term na to?

Actually, masarap yung feeling na, “Uy! 5 months na kami!”, “Uy! 8 months na kami!”. Masaya yuung feeling na tumatagal kayo. And yes, it may call for a celebration, pero hindi dahil sa you’re looking forward to the next month, but because you’re staying stronger despite the length of time you spent together.

Hindi ako naniniwala sa monthsaries dahil:
  • Monthsaries are more like stepping stones to that one special day, and not the special day itself.
  • Parang pang-short time relationships lang kung sa monthsary ka magaanticipate.
  • Pag nakalimot ng monthsary, sanhi pa ng away.
  • Mas solid padin ang anniversaries. Yun bang, mas pinatatag ng panahon.Kung anniversary buwan-buwan, napakagastos nun. Nakakaubos ng pera at idea ‘pag anniversary na. Nakoow! Sa panahon ngayon, dapat praktikal na.
Sapat na siguro yung simpleng, “Happy __ monthsary!” mula sa kasintahan mo, o yung simpleng inaalala nyo kung paano kayo nagsimula, at kung ano pa yung gusto nyong i-achieve bilang ‘kayo’. Sa katunayan, ang mahalaga din naman kasi kung ano ang pinagdaanan at kung ano pa ang willing ninyong pagdaanang dalawa bilang magsing-irog. Hindi para i-flaunt na ‘ganito na kami katagal.’