Pages

Friday, August 31, 2012

“Happy __ monthsary!”

Nasa dictionary na ba ang term na to?

Actually, masarap yung feeling na, “Uy! 5 months na kami!”, “Uy! 8 months na kami!”. Masaya yuung feeling na tumatagal kayo. And yes, it may call for a celebration, pero hindi dahil sa you’re looking forward to the next month, but because you’re staying stronger despite the length of time you spent together.

Hindi ako naniniwala sa monthsaries dahil:
  • Monthsaries are more like stepping stones to that one special day, and not the special day itself.
  • Parang pang-short time relationships lang kung sa monthsary ka magaanticipate.
  • Pag nakalimot ng monthsary, sanhi pa ng away.
  • Mas solid padin ang anniversaries. Yun bang, mas pinatatag ng panahon.Kung anniversary buwan-buwan, napakagastos nun. Nakakaubos ng pera at idea ‘pag anniversary na. Nakoow! Sa panahon ngayon, dapat praktikal na.
Sapat na siguro yung simpleng, “Happy __ monthsary!” mula sa kasintahan mo, o yung simpleng inaalala nyo kung paano kayo nagsimula, at kung ano pa yung gusto nyong i-achieve bilang ‘kayo’. Sa katunayan, ang mahalaga din naman kasi kung ano ang pinagdaanan at kung ano pa ang willing ninyong pagdaanang dalawa bilang magsing-irog. Hindi para i-flaunt na ‘ganito na kami katagal.’

Thursday, August 30, 2012

Take a Chance

May mga bagay talaga na minsan lang dumadaan sa buhay natin. Mga bagay na kung minsan, nilalagay tayo sa alanganin. Mga bagay na nagbibigay takot sa kapag may pagkakataon tayong pinapalampas. Mga bagay na nakakatakot pagsisihan sa huli.

Minsan kasi, konting lakas ng loob lang ang kailangan natin. Yang takot na yan, di mo naman yan kailangan unless makakatulong syang i-motivate ka na gumawa ng isang bagay na maaring makabuti sa’yo. Oo, di naman natin kailangan matakot kasi hawak ng Diyos ang buhay mo, at hindi ka naman nya ililigaw o papabayaan sa mga magiging desisyon mo sa buhay, basta magdasal ka lang.

TANDAAN


"Hindi nman mahirap amining hindi mo alam ang isang bagay, wag magmarunong. Hindi ka Google."

TANDAAN

"Hindi ka naman mag-aaksaya ng oras sa mga bagay na walang halaga. ang oras ay isang bagay na di mo na kailanman mababawi. Isiping mabuti ang dahilan at paglalaanan nito."

Monday, August 27, 2012

Paano mo malalaman na mahalaga ka sa isang tao?

Simple lang. Kapag handa siyang lumabas sa comfort zone nya para lang mapasaya ka, damayan ka, o sa kung ano pa mang pamamaraan para maipadama nya sayo na nandyan lang siya palagi, kahit anong mangyari. Kapag nakakayanan niyang gumawa ng mga bagay na hindi niya kadalasan o kayang gawin para sa’yo. Kapag handa ka nyang gawing top priority sa mga bagay na dapat din na mas bigyan ng halaga. Kapag pinahahalagahan din nya yung mga bagay na mahalaga sayo. At Kapag binibigyan ka nya ng respeto.

Kapag may taong nagpapahalaga sayo, pangalagaan mo. Wag mo samantalahin. Kasi ang taong marunong magpahalaga ay tao padin. Marunong mapagod. Swerte mo, kasi kapag MAHALaga ka sa kanya, matic na yun. MAHAL ka din nya.

Thursday, August 23, 2012

TANDAAN

"Wag ninyong hahayaan na lumipas ang isang araw na hindi mo man lang nasabi o naipadama sa kanya kung gano mo siya kamahal at kung gano siya kaimportante sa buhay ninyo"

I’VE NEVER BEEN HAPPIER.

You are the best thing that has ever happened to me. Everyday that goes by it seems like I discover something new about you to love. It’s incredible to me how one person can make such a big difference in my life. You have given me so many reasons to smile.

Have you seen my heart? It’s very delicate. I worry a little that something might happen to it, maybe I dropped it when I dropped all my defenses and they went bouncing away like a million ping-pong balls. Well, have you seen it? I was going to give it to you, but I think you might have stolen it away already

Monday, August 20, 2012

We don't realize what we have until it's gone.

Bakit nga ba naghahanap ng iba ang karelasyon mo?
  • hindi mo siya naappreciate.
  • binabalewala mo siya.
  • nasasaktan na siya ng sobra.
  • pakiramdam niya hindi mo na siya mahal.
  • self centered ka, wala kang ibang inisip kundi ang sarili mo.
  • hindi ka sweet.
  • wala kang effort.
  • wala kang oras saknya.
  • dahil sa ugali mo.
  • nasasakal mo na siya.
  • kse mas may better pa sayo.
Pero kahit na ano pang rason yan, kung ayaw mo na sa isang tao, at lolokohin mo lang siya, makipaghiwalay ka agad. Mas masakit kse kapag niloko mo siya at pinagmukhang tanga, nakakamatay yung pakiramdam na yun. Kung d mo na siya mahal, iwan mo. Kesa naman nagmumukha lang siyang tanga at umaasang mahal mo pa rin siya.

"We don't realize what we have until it's gone."
  • Madalas hindi natin narerealize kung anong meron tayo hanggang sa mawala sila sa buhay natin. 
  • Madalas hindi natin sinasabi na “Sorry, mali ako”. 
  • Madalas, nasasaktan natin ung mga taong malalapit sa puso natin. 
Wag mong hintayin ung pagkakataon na kung kelan huli na ang lahat saka mo gustong ayusin ang lahat. Wag mong hayaang lamunin ka ng pride mo. Wag mong hayaan na lagi mong nasasaktan ung taong mahal mo.

Sunday, August 19, 2012

Hindi ka nakikipagrelasyon para lang...

Hindi ka nakikipagrelasyon para lang makipaglaro, para lang sa FUN, sa pakikipagrelasyon, lagi mong isipin na pangforever na yan. Dahil ano? Makikipagrelasyon ka lang para sa maikling panahon? Bakit pa? Kung pwede naman maging panghabang buhay na dba?

  • Nag-away lang.
  • Nagkatampuhan.
  • Nagkaselosan.
  • Nagkapikunan.
Hiwalay agad?

  • Hindi ba pwedeng ayusin muna? 
  • Hindi ba pwedeng pagusapan ng mahinahon kayo pareho? 
  • Hindi ba pwedeng magpakumbaba kayo pareho para maging okay na ang lahat?
Tandaan mo, hindi ka nakikipagrelasyon para lang makipaglaro, para lang sa FUN, sa pakikipagrelasyon, lagi mong isipin na pangforever na yan. Dahil ano? Makikipagrelasyon ka lang para sa maikling panahon? Bakit pa? Kung pwede naman maging panghabang buhay na dba?

Wag ka agad basta sumuko. Isipin mo, paano na lang kapag nag’asawa ka na? Kapag nasaktan ka, hiwalay agad? Kapag nagselos ka, hiwalay agad? Hindi yon dba?

Sa pakikipagrelasyon pa nga lang sinusubok na kayo kung hanggang saan kayo, sa boyfriend/girlfriend relationship napakadami na agad pagsubok, paano na lang kapag magasawa na kayo, hindi lang yan ung kakaharapin nio.