Pages

Tuesday, April 24, 2012

Hindi sa lahat ng panahon, TAYONG MGA BABAE.

Hindi sa lahat ng panahon, tayo yung dapat na iniintindi. Hindi tayo bata para laging magpasuyo sa mga lalaki. Hindi sa lahat ng panahon, tayo ang niloloko. Wow naman, sa panahon ngayon, marami na ring mga babae ang madalas nagloloko. Kaya nga hindi ko masisisi yung iba (hindi ko nilalahat) kung bakit paminsan, puro negative ang mga nagiging comments sa ating mga babae. Madalas kasi, kahit alam natin na taken na yung lalaki, lalapit at lalapit ka pa rin dahil mahal mo siya. Ang lumalabas, hinahayan mong maging miserable ang buhay ng isang kapwa mo babae dahil lang sa miserable ang buhay mo. Dahil lang sa hindi ikaw ang mahal ng taong mahal mo.

Hindi sa lahat ng panahon, babae ang mas nagmamahal. At hindi rin naman laging babae ang MAS nasasaktan. Kung tutuusin, mas makahulugan para sa akin ang malamang nasasaktan ang isang lalaki. Bakit? Kasi parang bago sa pandinig ko. Usually kasi, babae ang madalas umiyak at masaktan. Pero ang lalaki? Siguro nga magaling silang magpanggap, dahil kilala natin sila bilang matatag. Pero naisip mo rin ba na hindi sa lahat ng oras e wala silang pakialam? Marunong din silang masaktan.. Sadyang hindi lang nila ito ipinangangalandakan.

Saturday, April 21, 2012

4 Questions for a Food Bus Vendor



FOOD BUS VENDOR : Sila ung mga umaakyat sa bus para mag benta para my ma chi-cha ka sa byahe sa habang trapik., oo ung mga nakakatakam na mani at casuy na bubuksan sa harap mo at hahalimuyak na lang. 

habang pa uwi na ako kanina. one bus food vendor of that i meet was  MANG FRANCISCO. 63 years old from Muñoz (Quezon City), an Otap vendor. He was seating beside me. and i noticed that there's something about him that caught my attention.,  bumili ako ng paninda niya pero sabi ko ok lang po idagdag niyo na lang po and he just gave me a "Priceless Smile"...  =)


QUESTION 1: Kumain na po kayo ng lunch?
MANG FRANCISCO : Oo kanina pa 11:00 AM.


QUESTION  2: Paano po kayo nag simula bilang isang bus vendor? 
MANG FRANCISCO : Ginagawa ko to para sa mga bata sa church nmen.eto mga paninda ko galing sa parish namin ( sabay bigay sken ng pamplet ng church nila.) 


QUESTION  3: Iyan po mga tinda niyo mga otap na nakakamag kano po kayo sa isang araw?
MANG FRANCISCO: Ang malakas 30 pieces ang mahina 15 pieces. simula 9am nag ttinda na ako hanganga gabi kelangan ma ubos ko to., Monday to Friday nag titinda ako.


QUESTION  4: Ung mga anak niyo po hindi po ba nag aalala? kasi ang init po ng panahon ngaun tapos gabi na kayo na uwi.
MANG FRANCISCOMy anak ako babae isa mga kasing edad mo ngaun un.. kaso namatay sila ng misis ko pag ka panganak sabay sila.. 

Ang mapapayo ko sayo., "Mahalin mo ang mga magulang mo tulad ng pag mamahal natin sa Diyos, ma-swerte ka andyan ang mga magulang mo. Pahalagahan mo ang bawat oras na nakakasama mo sila., at wag mo din kalimutan tumulong sa kapwa mo, kasi dun ka pag papalain ng Panginoon."


Saturday, April 14, 2012

Mula sa puso

Mula sa puso ko nag papasalamat ako sa DefinitelyFilipino.com sa pag publish ng entry ko.. pinasaya niyo ako.. nung una lima tao lang nag babasa ng sinusulat ko.. ayun salamat sa mga nag comment.nag share.like at nag tweet. Eto po ung entry ko samalama ulit :  Mga Aral sa Caloocan Overpass