- Yung mga “I love you” na biglaan niya nalang sinasabi sayo, wala na.
- Yung mga simpleng yakap, simpleng halik sa noo, wala na.
- Kung dati sobrang sweet niya sayo, at sobrang mag-alala kapag hindi ka nagpaparamdam, pero ngayon, parang wala na…
- Yung bigla mong naramdaman na ikaw na lang ang nag-eeffort…
- Na ikaw nalang pala ang nagmamahal sainyong dalawa…
Paano mo ba haharapin ang ganitong sitwasyon? O dapat bang hayaan mong dumating pa sa puntong ito? Ngayon pa lang, dapat gawin mo ang lahat para hindi mawala lahat ng pinagsamahan niyo. Kumbaga, protektahan niyo yung “spark” ng relasyon niyo, dahil kapag nawala na ito, mahirap nang ibalik pa…
Friday, September 2, 2011
Paano kung dumating ang panahon na parang nagbago na ang lahat?
Labels:
Usapang Puso