Kayo kasing mga lalake…
Blah blah blah.. Blah blah blah.. (Repeat until fades)..
Nalulungkot ako kapag may naririnig akong ganito. Kapag minsan may problema ang isang babae at lahat na ng lalake sa mundo eh dinadamay niya. Minsan kasi napapadalas ang pag gamit natin ng maling salita. Alam niyo ba na sobrang methapor ang paninisi sa lahat ng mga lalake? Na pare-pareho ang mga lalake? Tapos kapag sinabihan naman kayo na Kayo kasing mga babae eh blah blah blah.. akala mo kung sino naming sobrang sama. Hindi bat pareho lang naman ng nararamdaman ang parehong partido? Mapa babae, mapa lalake eh masasaktan kapag pinag bintangan ka ng mga bagay na hindi mo naman talaga ginagawa.
Diba mas maganda kung ang sasabihin na lang natin na ( insert pangalan ng nanloko, nanamantala, nanakit, nantrip na lalake/babae dito) eh manloloko, hayop naman nga talaga yun oh!”
Oh diba? Mas ok pa? Ligtas ang pagkatao ng taong kinakausap mo, nailabas mo pa ng maayos ang problema mo. Hindi yung isisi natin lahat sa mga lalake.
Kawawa naman ang mga lalake na ginagawa ang lahat para sa girlfriend nila, mga lalake na ginagawa lahat para sa mga babaeng nililigawan nila. Huwag mo isisi sa lahat ng lalake ang panloloko na ginawa sayo ng taong inakala mong magmamahal sayo, taong inakala mo na gagawa ng mga bagay na nakikita mo sa pelikula, sa commercial, o kaya kahit na anong magagandang bagay na ginagawa ng lalake na nakikita mo sa TV.
Tunay na buhay to teh, daig pa ang Reality Shows na scripted din naman. Wala na nga atang tunay na nangyayari kapag usapang telebisyon na.
Basta, huwag sisihin ang lahat ng kalalakihan. May kanya kanyang diskarte yan, at kung hindi ka na magmamahal dahil sa PARE PAREHO ang tingin mo sa mga lalake. Aba mag isip ka, mahirap mag isa.