1. Ikaw ba ay isang tao na mahilig manita ng mali ng iba?
KUNG OO. Isipin mo munang mabuti kung wala kang nagagawang mali, kasi nga baka akala mo palagi kang tama yun pala puro palpak naman ang gawain mo.
Isipin mo rin kung ano-ano na nga ba ang mga nagawa mong mabuti o maganda kasi baka nga wala kang maling nagawa pero wala ka rin naman palang nagagawa pang tama.
Kung mahigpit ka sa sarili mo, huwag ka namang mangdamay at manghigpit din ng iba.
Kung malungkot ka sa sarili mo, huwag ka ng manghawa pa ng iba.
Kung palagi kang naninita, baka hindi mo na nakikita yung mga magagandang bagay sa tao na yun.
Kung palagi kang nang-nenegative ng iba, baka hindi mo na ma-appreciate yung mga positive things sa paligid mo.
2. Ikaw ba ay mahilig mang-indian ng mga meetings na pinagkasunduan na?
KUNG OO. Isipin mo na hindi lang ikaw ang may kailangang tapusin at gawin na mahahalagang bagay.
TANDAAN MO na yung mga kasamahan mo na pumunta sa meeting mayroon din silang dapat tapusin na mga responsibilidad pero nagsakripisyo sila ng oras, pera at pagod para magawa yung dapat na gagawin niyo.
Wag ka ng gumawa pa ng kung ano-anong palusot kung bakit ka hindi sumipot sa usapan, kasi ang puno’t dulo hindi ka sumipot sa usapan at kahit anong palusot mo eh hindi rason sa pang-i-indian mo.
HUWAG KANG MANGLALAMANG NG KAPWA MO.
MAKISAMA KA NAMAN. Respeto naman sa mga kasamahan mo!!! Kahit na sobrang bait sa’yo ng mga tao sa paligid mo kung ganyan ka ng ganyan baka magsawa sila sa’yo at iwan ka na nila.
3. Ikaw ba ay isang tao na ang tingin mo sa sarili mo ay sobrang galing o sobrang perpekto?
KUNG OO. Gising gising baka nananaginip ka baka matuloy yan sa banungot.
Matutuo ka namang magpakumbaba. kapag may mali ka tanggapin mo sa sarili mo na mali ka, at higit sa lahat mag-sorry ka!!!
Huwag ka nang mag-isip ng dahilan para maisisi sa iba yung kapalpakan mo.
Hindi ka sobrang galing at perpekto, isa kang tao na takot malaman at harapin yung mga kamalian at kahinaan mo. Do not project na super strong ka, kasi ang totoo duwag ka!!!
Mas ma-a-appreciate ka ng mga tao kung totoo ka sa sarili mo.
Nobody is Perfect dude.
4. Ikaw ba ay isang tao na walang pakialam sa emosyon at pakiramdam ng mga tao sa paligid mo?
KUNG OO. Naku mahirap yan baka mamaya nasaksak ka na hindi mo pa ramdam dahil sa sobrang manhid o tuod mo.
Huwag ka masyadong dedma sa paligid mo, kasi mamaya yung mga taong dapat eh tumutulong pa sa’yo eh isa-isa ng iwan ka dahil nainis, nasuka, o mas malala namatay na sila dahil sa sama ng loob nila sa’yo.
Itrato mo namang tao at kapantay yung mga kasama mo.
5. Ikaw ba ay isang tao na mahilig mangcontrol ng mga tao na feeling mo tau-tauhan mo sila?
KUNG OO. Paalala lang po, hindi ikaw ang may hawak ng buhay nila, hindi rin ikaw ang nagpapakain sa kanila. Higit sa lahat hindi ka si “BRO” na gumawa ng buhay nila. Kung gusto mong mangkontrol ng tao gumawa ka ng reality show mo at ikulong mo sila sa bahay mo at magpatawag kang “BRO” at least kahit papaano BRO ang tawag sa’yo kahit hindi ka si Lord.
Isipin mo muna kung ano ka lang ba sa buhay nila.
6. Ikaw ba ay isang tao na lahat ng gusto mo ay palaging masusunod?
KUNG OO. Siguro kaya parati mong gusto na ikaw ang masunod kasi bossy ka, at ayaw mong ikaw ang inuutusan kasi ayaw mong malaman ng mga tao sa paligid mo na mahina ka. Palagi kang dumedepensa kahit sa katiting na bagay para lang ikaw ang masunod. Ayaw mong manliit ang tingin ng tao sa’yo kaya ayaw mong ikaw ang sumusunod at bagkus ikaw ang nanguutos para hindi nila makita ang iyong kahinaan. In short, kaya ka DOMINANTE kasi gusto mong pagtakpan ang pagigigng WEAK mo.
7. Ikaw ba ay isang tao na bingi sa suggestions ng iba dahil sa tingin mo ay lagi kang tama?
KUNG OO. Wow, congratulations, napakahusay mo naman po pala. Mag-ingat ka, kasi hindi kaya ng tao mag-survive ng mag-isa. Learn to entertain others’ opinion, para naman malaman mo yung ibang perspectives. Kasi kung puro opinyon mo lang ang sinusunod mo baka mamaya may mga bagay na na-overlook mo o hindi mo naisip o napansin eh di sino ngayon ang kawawa, IKAW.
Eh pano kung nasa grupo ka at desisyon mo lang ang gusto mong masunod tapos pumalpak ka, eh di nang damay ka pa ng iba, sinong masisisi eh di ikaw lang. Nangdamay ka pa ng iba sa kamalian mo, kawawa naman silang mga kagrupo mo dahil tinanggalan mo sila ng karapatan na maiwasan nila ang kapalpakan na dulot mo. Okay lang na masunod ka sa mga gusto mo pero kung may madadamay ng iba, hingin mo naman ang mga suggestions nila. Okay lang kung ikaw lang ang pumalpak, wag ka na lang mangdadamay.
8. Ikaw ba ay isang tao na sa palagay mo ay marami na sa iyong naiinis at hindi mo alam ang dahilan?
Kung OO. Naku malamang lahat ng questions 1 to 7 ang sagot mo ay OO. At least ngayon alam mo na kung bakit feeling mo maraming inis at galit sa’yo.
Kung HINDI naman ang sagot mo sa questions 1 to 7 at sa question 8 ka lang sumagot ng OO. Naku po, mas mahirap ang kalagayan mo kasi hindi mo alam na may pangit kang pag-uugali. Check mo uli baka may sagot kang OO sa questions 1 to 7. Kapag wala pa rin i-check mo ulit. Kung wala ka talagang sagot na OO sa questions 1 to 7, baka mabaho ka naman at kailangan mo na pong magsipilyo at maligo.
Kung HINDI naman ang sagot mo sa lahat ng questions, congratulations. Siguro nga sobrang bait ka ng tao. Pero paalala mas mahirap magsinungalin sa sarili.