Pages

Friday, July 15, 2011

Mga dapat tandaan sa isang relasyon:

1. Maging open sa isa’t isa. Hindi aasenso ang relasyon niyo kapag parehas kayo masyadong secretive ng partner mo. Magkwentuhan kayong dalawa, wag lang tungkol sayo, maging interesado ka rin sa buhay niya.

2. Kapag may problema, pag-usapan niyo agad. Wag niyo na patagalin pa. Wag niyo itago sa isa’t isa. Kung may gumugulo sa isipan, sabihin agad. Ang komunikasyon ay isa sa pinaka-mahalagang bagay na dapat i-maintain sa isang relasyon.

3. Tiwala. Tiwala. Tiwala. Kadalasan, ito ang sanhi ng away.
“Sino yan katext mo? Bakit ngayon ka lang? Siguro may iba ka pang tinawagan!”
Alisin niyo yan sa relasyon niyo. Hindi yan maganda. Mahahalata mo naman kung nagloloko ang kasintahan mo. Pakiramdaman mo. Wag yung sasalubungin mo agad siya ng mga maling akala.

4. Komunikasyon. Mas ipaliwanag pa natin ang aspetong ito. Walang mangyayari sa isang relasyon kapag wala ito. Paano kayo magkakaintindihan? Paano ninyo masasabi sakanya kung gaano mo siya kamahal kung wala nito? Ang nararapat gawin ay padalasin ang pag-uusap ninyong dalawa. Kung baga, para maka-“catch up” sa mga pangyayari sa buhay-buhay. Sa pamamagitan nito, lalakas pa ang bonding ninyo.

5. Oras. Bigyang pansin ninyo ang aspetong ito. Bigyan niyo ng oras ang mahal niyo. Masyado ka kasing busy sa ibang bagay, hindi mo napapansing nababalewala mo na siya. Time management. Hindi ko sinasabing lahat ng oras eh ibibigay mo na sakanya. Sobra na yun, at hindi maganda ang “sobra”. Kung hindi mo siya makakasama, o hindi ka makakatext kasi may gagawin ka, ipaliwanag mo yan sakanya. Wag yung mga salitang paasa tulad ng “Saglit lang ako.” “Basta may gagawin lang ako.” Kasi ano ba ang maiisip niya kapag sinabi mo yan?
“Saglit lang pala siya, pero bakit umabot ng ilang oras ang paghihintay ko?”
“Basta…? Anong ibig sabihin non? kung ano-ano na papasok sa isip
Dito papasok yung sub-aspect nito: Pagiging Paranoid
Natural lang na maging paranoid MINSAN sa isang relasyon. Wag lang yung sobra. Hindi sa wala kang tiwala sa mahal mo. Pero hindi pa rin maiiwasan yung mag-isip ng ibang bagay kapag hindi nagpaparamdam yung isa, hindi ba? Wag maging OA. KEEP CALM, kung baga. Wag yung susugod ka nalang bigla at sisigaw-sigawan siya na may kalokohan siyang ginagawa.
6. Iparamdam mo sakanyang totoo ang nararamdaman mo. Wag ka puro salita lang. Umaksyon ka! Kahit ilang beses mo siya sabihan ng “Mahal kita”, kung wala ka namang napapatunayan, walang silbi pa rin. Gumawa ka ng paraan para maramdaman niya.

7. Kapag nasa kalagitnaan ng away, wag kayo magsigawan. Wag kayong agresibo. Kumalma kayo. Wag kayong magpataasan ng pride. Matuto kayong magpakumbaba. Nagmamahalan kayo, hindi kayo nasa contest. Magbigayan kayo. Intindihin niyo ang isa’t isa. Kayo lang naman ang masasaktan kapag hindi niyo inayos yan.

8. Hindi ka nag-iisa. Simula ng naging kayo, ang mga problema mo, problema niya na rin. Ang kasiyahan mo, kasiyahan niya na rin. Kaya magtulungan kayo.

9. Maging tapat sakanya. Isa lang ang puso mo, iisa lang din ang mamahalin mo. Kelangan ko pa bang ipaliwanag ito?