Dalawang salitang halos magkapareho diba? Pero kung susuriin mo, ibang iba ng ibig sabihin ang dalawang salitang ito.
Galit: Ito yung maaaring bunga ng paggawa ng masama ng isang tao sa’yo. Yung tipong nangyayari kapag naaabot nya ang hangganan ng pasensya mo. Ang galit ay maaari mong iparamdam sa kahit na sino. Halimbawa na lang ay sa kaaway mo.
Tampo: Halos parehas din sa galit, pero may isang espesyal na ibig sabihin ito. Maaaring dulot ito ng pagsira ng isang tao sa expectations mo. Isa na lamang sa mga dahilan kung bakit nagtatampo ang isang tao ay dahil sa pagkasira ng pangako nya sa’yo. Ang tampo ay ibinibigay mo lamang sa mga taong malalapit sa puso mo. Nagtatampo ka sa kanila pero at the back of your mind hindi mo kayang magalit sa kanila.