Pages

Sunday, September 25, 2011

10 QUESTIONS FOR A NURSE


As some people say, “Nursing is a privilege.” For Lorenzo Quitalig, a nurse of a government-owned hospital, serving other people with a happy disposition is essential for an unquestionable passion for work.
QUESTION 1: Paano po naiiba ang nursing sa ibang profession? (How does nursing differ from other professions.)
LORENZO: Sa nursing kasi, halo-halo yan, sa ibang profession, nagfofocus ka lang sa isang bagay. Sa nursing, maraming kailangan. Dapat may patience, hardworking ka, and higit sa lahat hospitable. (You deal with a lot of things in nursing unlike with other professions, which focus on a single thing. To be a nurse, you have to be patient, hardworking and hospitable.)
QUESTION 2: Ano po ang paraan ninyo sa pag-alaga sa pasyente? (How do you take care of your patients?)
LORENZO: Itinatrato ko sila bilang pamilya. (I treat them like they are family members.)
QUESTION 3: Ano ang nakikita ninyong disadvantage sa pagiging nurse?(What are the disadvantages of becoming a nurse?)
LORENZO: Bilang isang nurse, palagi akong nasa loob ng ospital. Naeexpose ako sa mga sakit. (Being a nurse, I am always inside the hospital. I get exposed to a lot of diseases.)
QUESTION 4: Masaya po ba kayo kahit napapaligiran kayo ng mga tao na may sakit? (Are you happy even though you are surrounded by people who are sick?)
LORENZO: Ah, syempre naman. Gusto ko kasi nag-aalaga ng mga tao. (Yes. I love to take care of people.)
QUESTION 5: Ano po ang kahalagahan ng self sacrifice sa nursing? (What is the importance of self sacrifice in your profession?)
LORENZO: Sa sobrang pagod, dapat masaya ka pa din at dapat nagagawa mo pa din ang lahat para sa mga pasyente mo. Kapag walang self sacrifice, hindi mo nagagawa ng husto ang mga gawain ng isang nurse. (Even though you are tired, you must still be happy and you are still able to cater to the needs of your patients. When self sacrifice is absent, the tasks of being a nurse are not done.)
QUESTION 6: Ano po ang naitulong ng nursing sa buhay ninyo? (What are the things that nursing aided in your personal life?)
LORENZO: Ah, kunwari, nagkasakit ang kapatid ko o kaya family members. Alam ko na agad kung ano ang dapat gawin. Nakakapagbigay ako ng advice.(For example, my sibling or one of my family members got sick. I already know what proper action will be done. I can also give advice.)
QUESTION 7: May balak ka ba na magpatuloy sa pagiging isang doctor? (Do you have plans of becoming a doctor?)
LORENZO: Oo. Kapag nakapagipon na ako para makapagaral. Tutulungan naman din ako ng mga magulang ko. (Yes. As soon as I raise money that will suffice my tuition. My parents will be helping me with the expenses, too.)
QUESTION 8: Paano po nakatulong ang nursing sa pagbabago ng iyong pagkatao? (How did nursing help you in becoming a better person?)
LORENZO: Mas nagiging aware ako sa science. (I am more aware about science.)
QUESTION 9: Ano po ang nagiging motivation ninyo sa pagpapatuloy bilang isang nurse? (What serves as your inspiration in continuing your legacy as a nurse?)
LORENZO: Ang mga pasyente. Narealize ko na, maraming tao ang nangangailangan ng tulong namin. (The patients made me realize that there are a lot of people out there who need help from us.)
QUESTION 10: Ano po ang maibibigay ninyong payo sa mga nag-aaral o mag-aaral pa lamang ng nursing? (What advice can you give to people who are studying or will be studying nursing?)
LORENZO: Mag-aral ng mabuti at itrato ang pasyente bilang pamilya. (Study hard and treat your patients like family members.)

Saturday, September 24, 2011

10 QUESTIONS FOR A TAXI DRIVER



Metro Manila, to say the least, is enormous. There are many places that you can go to, including those must-see historical landmarks. What makes Manila different to other cities is the pace. Everything that is going within this metropolis goes on with an intensity that can be an overwhelming experience for a first time visitor.
What better way to be not confused travelling around Manila than taking a taxi ride? One taxi driver that I got to meet was MANG EDUARDO. A taxi driver for more than 10 years now.
QUESTION 1: Paano po ba kayo nagsimula bilang isang taxi driver? (How did you start as a taxi driver?)
MANG ED: Marami na kasi kaming nasubukan na business ng asawa ko pero nalugi naman. Kaya nagtrabaho na lang ako bilang taxi driver. (My wife and I have invested on several businesses but each one of them wasn’t entitled to any success. That is why I decided to work as a taxi driver.)
QUESTION 2: Kabisado niyo po ba ang halos lahat ng pasikot-sikot dito sa Maynila? (Do you know every street and avenue here at Manila?)
MANG ED: Sa tagal ko nang nagtratrabaho bilang isang taxi driver, nakibisado ko na halos lahat pero ung iba, hindi pa. Ung mga madalang puntahan. (Since I am working as a taxi driver for a long time now, I have knowledge on where most of the streets and avenues are located.)
QUESTION 3: Paano po kapag hindi ninyo alam ung pupuntahan nung sasakay sa taxi? (What do you do whenever you don’t know where is the exact location of a customer’s destination?)
MANG ED: Minsan tinatanong naman nila kung alam ko, tapos sinasagot ko kung oo o hindi. Kapag hindi ko talaga alam, itatanong ko sa customer kung saan malapit ang tinutukoy nila para naman may guide ako. Tapos, minsan sila na ang magsasabi kung liliko man o hindi. (Sometimes, customers ask me if I know where exactly their destination is, then I answer with a yes or no. If I don’t know the exact place, I ask the customer about landmarks that are near the destination so that I’ll have a guide. When we are near the destination, sometimes, they direct me where the exact location is.)
QUESTION 4: Masaya po ba kayo sa pagiging isang taxi driver? (Are you happy with your occupation as a taxi driver?)
MANG ED: Oo naman. (Of course.)
QUESTION 5: Nagkakasya po ba ang kinikita ninyo para sa pangangailangan ng pamilya ninyo? (Does your salary fit to the needs of your family?)
MANG ED: Pinagkakasya namin. Sa awa ng Diyos nakakaraos. (We try to meet our needs.)
QUESTION 6: Mahirap po ba maging isang taxi driver? (Is it difficult to be a taxi driver?)
MANG ED: Hindi naman. (Not really.)
QUESTION 7: Mapanganib po ba ang trabaho ninyo? (Is your job dangerous?)
MANG ED: Hindi naman pero minsan lalo na sa gabi. May mga lasing kasi na nagmamaneho pa tapos mababangga ka nila. (Not really but sometimes it is especially during the night. There are drunk drivers that come irresponsible when it comes to driving and suddenly hits you unexpectedly.)
QUESTION 8: Paano po kayo nagsisimula ng isang araw bilang isang taxi driver? (How do you start the day as a taxi driver?)
MANG ED: Magdadasal muna ako na sana mailigtas ako sa kapahamakan. (I will pray first for me to be sparred from danger.)
QUESTION 9: Nakikita niyo pa po ba ang sarili ninyo bilang isang taxi driver sa hinaharap? (Do you still see yourself as a taxi driver in the near future?)
MANG ED: Hindi na. Nagiipon kaming magasawa para magtayo ulit ng negosyo. Susubukan namin muli. (Not anymore. My wife and I are saving our money in order to invest in another business. We will try it again.)
QUESTION 10: Ano po ang mga pangarap ninyo sa hinaharap? (What are your dreams?)
MANG ED: Makapagtapos ang anak ko at maging matagumpay na sa negosyo. (My child to finish school and to become a successful entrepreneur.)

Friday, September 23, 2011

Kayo kasing mga lalake…

Kayo kasing mga lalake…

Blah blah blah.. Blah blah blah.. (Repeat until fades)..

Nalulungkot ako kapag may naririnig akong ganito. Kapag minsan may problema ang isang babae at lahat na ng lalake sa mundo eh dinadamay niya. Minsan kasi napapadalas ang pag gamit natin ng maling salita. Alam niyo ba na sobrang methapor ang paninisi sa lahat ng mga lalake? Na pare-pareho ang mga lalake? Tapos kapag sinabihan naman kayo na Kayo kasing mga babae eh blah blah blah.. akala mo kung sino naming sobrang sama. Hindi bat pareho lang naman ng nararamdaman ang parehong partido? Mapa babae, mapa lalake eh masasaktan kapag pinag bintangan ka ng mga bagay na hindi mo naman talaga ginagawa.

Diba mas maganda kung ang sasabihin na lang natin na ( insert pangalan ng nanloko, nanamantala, nanakit, nantrip na lalake/babae dito) eh manloloko, hayop naman nga talaga yun oh!”

Oh diba? Mas ok pa? Ligtas ang pagkatao ng taong kinakausap mo, nailabas mo pa ng maayos ang problema mo. Hindi yung isisi natin lahat sa mga lalake.

Kawawa naman ang mga lalake na ginagawa ang lahat para sa girlfriend nila, mga lalake na ginagawa lahat para sa mga babaeng nililigawan nila. Huwag mo isisi sa lahat ng lalake ang panloloko na ginawa sayo ng taong inakala mong magmamahal sayo, taong inakala mo na gagawa ng mga bagay na nakikita mo sa pelikula, sa commercial, o kaya kahit na anong magagandang bagay na ginagawa ng lalake na nakikita mo sa TV.

Tunay na buhay to teh, daig pa ang Reality Shows na scripted din naman. Wala na nga atang tunay na nangyayari kapag usapang telebisyon na.

Basta, huwag sisihin ang lahat ng kalalakihan. May kanya kanyang diskarte yan, at kung hindi ka na magmamahal dahil sa PARE PAREHO ang tingin mo sa mga lalake. Aba mag isip ka, mahirap mag isa.

The Persistence of a Filipino

Filipinos tend to boast about their varied array of traits that is common in every true blooded Pinoy. Pinoys are hospitable, family-oriented, God-fearing, they have playful personalities, they are crafty and etc. But there is one particular trait I would like to instill in every Filipino, especially given the current situation of our nation: Persistence.

There are numerous problems that continually plague our country. Our economy is on a rapid decline, our government continues to reek of corruption and the worst part is, not too many people seem to be doing something about it. I am not implying that the modern Filipino is lazy, but rather, I believe that Filipinos today lack the drive and motivation to uplift themselves from their toxic environment. Filipinos have adapted the “learned helplessness” mentality and have accepted the notion that there is nothing they can do to actualize social change. Worse than that, we have settled into this culture of convenience wherein we no longer see the relevance of societal issues in our lives and refuse to help society. This in turn creates a culture of unnecessary dependence wherein we rely on others to do work that we are fully capable of doing. These cultures and mentalities continue to aid in the decline of ouronce glorious nation. And as we delve deeper into these lethal mindsets, we end up relying heavily on our government to do all the work for us. We develop this culture of illogical acceptance and blind conformity wherein we no longer think for ourselves or seek to question the given. Do not forget that it was this mentality that fuelled Hitler’s campaign in the 1930’s. A country of democracy that no longer seeks to question its government might as well be a dictatorship.

So many issues plague our country and you, as Filipinos, must realize that you have a role to play. Let your voice be heard on issues like the RH Bill, Automation of Elections, Corruption in the Government, Declining Educational Standards. The country must eliminate cultures of PASSIVITY and transform them into cultures of ACTIVISM. The Filipino citizens must not just watch from the sidelines. Channel the spirits of our forefathers when they questioned and rebelled Spanish Rule and fought for our democracy. We as modern day Filipinos must fight the very same fight. We must take ownership of our environment. Let us fight for Equality, Justice and Freedom. For these are more than just words, they are rights. Let us be persistent in our fight for a better Philippines for the future Filipino. Don’t give in to cultures of convenience or blind conformity. Use your minds, God blessed you with one. Do NOT lose it. I know it’s so easy to talk about hope and idealism, but sometimes, that’s all we need to do. Because talking about issues that matter, talking about ideas, talking about hopes and dreams is what can start this revolution that we need. So I pray that if you read this, TALK to other people about it. And encourage them to TALK to more people. Let us build this revolution with our minds and our voices. There is nothing wrong with being idealistic. Idealism, contrary to popular belief, is not blind optimism. Idealism doesn’t mean you are oblivious of reality. Idealism is seeing reality but refusing to accept it. Idealism and Persistence are the foundations of this nation. Let’s not break our foundation.

God bless the Filipino

Wednesday, September 21, 2011

Ganitong klase ng tao ka ba?

1. Ikaw ba ay isang tao na mahilig manita ng mali ng iba?

KUNG OO. Isipin mo munang mabuti kung wala kang nagagawang mali, kasi nga baka akala mo palagi kang tama yun pala puro palpak naman ang gawain mo.
Isipin mo rin kung ano-ano na nga ba ang mga nagawa mong mabuti o maganda kasi baka nga wala kang maling nagawa pero wala ka rin naman palang nagagawa pang tama.
Kung mahigpit ka sa sarili mo, huwag ka namang mangdamay at manghigpit din ng iba.
Kung malungkot ka sa sarili mo, huwag ka ng manghawa pa ng iba.
Kung palagi kang naninita, baka hindi mo na nakikita yung mga magagandang bagay sa tao na yun.
Kung palagi kang nang-nenegative ng iba, baka hindi mo na ma-appreciate yung mga positive things sa paligid mo.


2. Ikaw ba ay mahilig mang-indian ng mga meetings na pinagkasunduan na?

KUNG OO. Isipin mo na hindi lang ikaw ang may kailangang tapusin at gawin na mahahalagang bagay.
TANDAAN MO na yung mga kasamahan mo na pumunta sa meeting mayroon din silang dapat tapusin na mga responsibilidad pero nagsakripisyo sila ng oras, pera at pagod para magawa yung dapat na gagawin niyo.
Wag ka ng gumawa pa ng kung ano-anong palusot kung bakit ka hindi sumipot sa usapan, kasi ang puno’t dulo hindi ka sumipot sa usapan at kahit anong palusot mo eh hindi rason sa pang-i-indian mo.
HUWAG KANG MANGLALAMANG NG KAPWA MO.
MAKISAMA KA NAMAN. Respeto naman sa mga kasamahan mo!!! Kahit na sobrang bait sa’yo ng mga tao sa paligid mo kung ganyan ka ng ganyan baka magsawa sila sa’yo at iwan ka na nila.


3. Ikaw ba ay isang tao na ang tingin mo sa sarili mo ay sobrang galing o sobrang perpekto?

KUNG OO. Gising gising baka nananaginip ka baka matuloy yan sa banungot.
Matutuo ka namang magpakumbaba. kapag may mali ka tanggapin mo sa sarili mo na mali ka, at higit sa lahat mag-sorry ka!!!
Huwag ka nang mag-isip ng dahilan para maisisi sa iba yung kapalpakan mo.
Hindi ka sobrang galing at perpekto, isa kang tao na takot malaman at harapin yung mga kamalian at kahinaan mo. Do not project na super strong ka, kasi ang totoo duwag ka!!!
Mas ma-a-appreciate ka ng mga tao kung totoo ka sa sarili mo.
Nobody is Perfect dude.


4. Ikaw ba ay isang tao na walang pakialam sa emosyon at pakiramdam ng mga tao sa paligid mo?

KUNG OO. Naku mahirap yan baka mamaya nasaksak ka na hindi mo pa ramdam dahil sa sobrang manhid o tuod mo.
Huwag ka masyadong dedma sa paligid mo, kasi mamaya yung mga taong dapat eh tumutulong pa sa’yo eh isa-isa ng iwan ka dahil nainis, nasuka, o mas malala namatay na sila dahil sa sama ng loob nila sa’yo.
Itrato mo namang tao at kapantay yung mga kasama mo.


5. Ikaw ba ay isang tao na mahilig mangcontrol ng mga tao na feeling mo tau-tauhan mo sila?

KUNG OO. Paalala lang po, hindi ikaw ang may hawak ng buhay nila, hindi rin ikaw ang nagpapakain sa kanila. Higit sa lahat hindi ka si “BRO” na gumawa ng buhay nila. Kung gusto mong mangkontrol ng tao gumawa ka ng reality show mo at ikulong mo sila sa bahay mo at magpatawag kang “BRO” at least kahit papaano BRO ang tawag sa’yo kahit hindi ka si Lord.
Isipin mo muna kung ano ka lang ba sa buhay nila.


6. Ikaw ba ay isang tao na lahat ng gusto mo ay palaging masusunod?

KUNG OO. Siguro kaya parati mong gusto na ikaw ang masunod kasi bossy ka, at ayaw mong ikaw ang inuutusan kasi ayaw mong malaman ng mga tao sa paligid mo na mahina ka. Palagi kang dumedepensa kahit sa katiting na bagay para lang ikaw ang masunod. Ayaw mong manliit ang tingin ng tao sa’yo kaya ayaw mong ikaw ang sumusunod at bagkus ikaw ang nanguutos para hindi nila makita ang iyong kahinaan. In short, kaya ka DOMINANTE kasi gusto mong pagtakpan ang pagigigng WEAK mo.


7. Ikaw ba ay isang tao na bingi sa suggestions ng iba dahil sa tingin mo ay lagi kang tama?

KUNG OO. Wow, congratulations, napakahusay mo naman po pala. Mag-ingat ka, kasi hindi kaya ng tao mag-survive ng mag-isa. Learn to entertain others’ opinion, para naman malaman mo yung ibang perspectives. Kasi kung puro opinyon mo lang ang sinusunod mo baka mamaya may mga bagay na na-overlook mo o hindi mo naisip o napansin eh di sino ngayon ang kawawa, IKAW.
Eh pano kung nasa grupo ka at desisyon mo lang ang gusto mong masunod tapos pumalpak ka, eh di nang damay ka pa ng iba, sinong masisisi eh di ikaw lang. Nangdamay ka pa ng iba sa kamalian mo, kawawa naman silang mga kagrupo mo dahil tinanggalan mo sila ng karapatan na maiwasan nila ang kapalpakan na dulot mo. Okay lang na masunod ka sa mga gusto mo pero kung may madadamay ng iba, hingin mo naman ang mga suggestions nila. Okay lang kung ikaw lang ang pumalpak, wag ka na lang mangdadamay.


8. Ikaw ba ay isang tao na sa palagay mo ay marami na sa iyong naiinis at hindi mo alam ang dahilan?

Kung OO. Naku malamang lahat ng questions 1 to 7 ang sagot mo ay OO. At least ngayon alam mo na kung bakit feeling mo maraming inis at galit sa’yo.

Kung HINDI naman ang sagot mo sa questions 1 to 7 at sa question 8 ka lang sumagot ng OO. Naku po, mas mahirap ang kalagayan mo kasi hindi mo alam na may pangit kang pag-uugali. Check mo uli baka may sagot kang OO sa questions 1 to 7. Kapag wala pa rin i-check mo ulit. Kung wala ka talagang sagot na OO sa questions 1 to 7, baka mabaho ka naman at kailangan mo na pong magsipilyo at maligo.

Kung HINDI naman ang sagot mo sa lahat ng questions, congratulations. Siguro nga sobrang bait ka ng tao. Pero paalala mas mahirap magsinungalin sa sarili.

Yes, pasaringnan naman natin kami.

Yes, pasaringnan naman natin ang mga girls kami ba?. Sa mga nagpapayong lalaki na maraming “isda” sa dagat, totoo yun. Marami kasing klase ng babae. Ilan sa kanila, mahirap hulihin. Mahirap basahin. Mahirap pasagutin. Pero ang hindi mo alam, “the feeling has always been mutual.”

Eto ang ilan sa kanila:

1. Pa-conyo. Sila yung super vain na kala mo everyday is “foundation day.” Magaling mag-ingles, hindi umiinom ng house water sa fastfood at kung magbihis e kala mo parating may party. Sila rin yung aakitin ka, pero hindi bibigay agad. Kailangan ng matinding humor kung talagang trip na trip mo siya iuwi.

2. Top-of-the-line sosyalera. Sila yung mga pinanganak na may gintong kutsara sa bibig. Lumaki sa aircon, straight English kung magsalita pero mahilig din silang magmarunong na magaling silang mag-Tagalog pero ang sama talaga pakinggan. Di nakakarelate sa mga kanto jokes, nagtatawanan na ang mga tao di pa din nila nagegets yung joke. Lumaki raw sila sa kalye playing street games. Pero alam nyo kung ano yun? Street hockey, soccer, baseball, etc. Batang kalye nga. Mahirap abutin. Pero kung masusungkit, pwede rin!

3. Feeling or Illusionaries, mga mahilig mag-ilusyon na magaganda sila at may sinasabi sa buhay. Pinsan si ganito, kilala si ganyan, may lupain sa hibok-hibok para ma-impress lang ang kausap. Sila ata ang tinutukoy ng Parokya sa kanta nilang, “Silvertoes.” Madaling kausap at minsan, isang sabi lang, gora na yan. Walang paliguy-ligoy pa. 10/11 ang drama, sa sampung sinabi labing-isa mali. Dagdag-bawas magkwento kaya ingat lang .

4. One-of-the-boys. Sila yung “ideal bestfriend.” Cowboy ba. Pwedeng biru-biruin, masarap kasama sa inuman, naiintindihan ang kalokohan at kaberdehan ng kalalakihan, madalas gumamit ng “tsong” at “pare” pag kausap mo. Pero sila rin yung hindi nagsasalita sa totoong nararamdaman nila. Ingat din ang mga boys sa mga ganitong girls- lalo na pag nahuhulog na pala sa inyo. Kawawa sila pag nasaktan. Hmm.

5. Girlfriend-material. Sila yung sa unang tingin pa lang ng boys, abot-langit na ang respeto. Sila yung mga simpleng babaeng matipid ngumiti, makikipag-kwentuhan pero hindi may mystique pa rin. Na-c-curious ang mga lalaki kung anong meron sa kanila that they keep on looking for more of that person. Minsan ang hirap kausap dahil pabago bago ng isip. Usually, sila ang naliligawan, sinusuyo hanggang mapa oo

6. Man-hater. Sa una, mapagkakamalan mo silang tibo dahil sobra silang “boyish.” Defense mechanism nila yun dahil galit sila sa past experience nila with an EX. Takot na daw sila masaktan. Mahirap din silang getlakin dahil matatakot ka sa kasungitan nila. Ang hindi mo alam, kulit lang ang katapat. Bibigay din yan. Pero syempre, sa mga lalaki, dapat armed ka with sympathy, timing and humor. Kahit hindi ka masyadong pogi, basta meron ka nito- malaki na ang chance mo.

7. Pa-Girl. OA sa pagka girl, mayat-maya ang retouch inaabot ng 30mins sa CR kahit nasa mall kayo suklay ng suklay ng buhok, mayat maya nananalamin. Super freak-out sa kaarteyhan. Malakas mag react ng “yuck!! Or eewwww” kapag nakakarinig ng mga maseselang usapin. Di nila gets o maapreciate ang ibang mga bagay bagay. Di mo alam kung makitid lang talaga utak nila o talagang slow sila makagets.. Basta ang hirap nila ispelengin!!! Ang masama eh kung 30 yrs old na pagirl pa din.

8. Super Friendly. By the word itself, friendly siya sa lahat. Napakabait, Napakadaling i-aproach napakalawak ng pang-unawa on things. Masarap hingan ng payo. Pero minsan namimisinterpret ng iba. Aakalain ng guy na may gusto sa kanya si super friendly. Lalo na sa pagmimisinterpret sa kanila ng girls dahil pinagchichismisan sya ng masama, siguro kinaiinggitan kasi. Ang hirap din minsan ng masyadong mabait.

9. Doble-Kara. Eto yung matino or mataray pag normal, pero pag nakainom eh bigla na lang sasayaw sa ibabaw ng mesa, or iiyak ng walang malinaw na dahilan, or magiging robot na hindi na alam ang nangyayari, gumagalaw lang pero di nagrerespond sa kapwa, meron ding biglang nang aaway pa. Nakakatakot sila painumin kasi nakakahiya sila kasama pag nalasing.

10. Ms. Know-it-All. Gusto nilang i-impress ang lahat ng tao- especially ang mga kalalakihan, thinking na ma-g-getsung nila ito. They think na mas matalino sila sa guy at kaya nila itong paikutin. Pero wag ka. A good guy can recognize a smart girl. Boys, ingat sa mga tulad nila dahil yung pagka-Know-it-all ay pwedeng mauwi sa paninira sa ibang tao.

11. Problematic. Sila yung mga girls na kala mo kailangan lagi ng karamay o mag-aalaga sa kanila. Pa-emo minsan.. Hanap lagi yung instant Knight-in-Shining-Armour. Dapat mag-ingat ang mga girls na ganito dahil pag problemado sila, mas madaling nakaka-score ang mga kalalakihan lalo na yung magagaling mambola.

12. Babaeng-Bakla. Isa sa pinakagusto kong personality ng babae. Tipong laughtrip lagi pag kasama mo. Hindi maarte, bulgar kung bulgar magsalita pero nasa timing. Punong puno ng humor. At minsan kung pikon ka maiinis ka sa pang-ookray niya pero ok lang yun lambing lang niya iyon.

13. Cam-adiks. Wala naman kinalaman to about sa pagkarir, share ko lang.. Sila yung kahit saan mapunta eh magpipicture ng sarili niya maya’t maya. Kahit di na sa kanya yung celfone puro mukha na nia ang laman. Iba-ibang anggulo pa pero magulo naman karamihan ng kuha. Pipiliting iphotoshop pero lalo lang sumasama. Tapos yung karamihang kuha naman eh nakaside lang yung mukha. Nakakapeke kasi ang ganung posing, nakakapagpaganda. Tapos di pa makukuntento may mga kuha ding nasa taas yung cam and nakaside pa din. Kasi nakakapayat yun, diba? Uuuyyy gagawin na nila yan lagi. Daming picture sa fs, fb or multiply na puro mukha lang naman na naka-side.

Boys, nahanap niyo na ba ang tipo niyo sa babae?

Mga giliw na mambabasa, gusto ko lang kayo bigyan ng aliw. Hindi po ito para sa kasiraan ng ibang tao pero nais ko lang kayo bigyan ng mas malaking perspective sa buhay, tao o pangyayari. at subukin ang angkat ng kalidad ng pagsusulat sa ibat ibang tema.

Be thankful for every heartbreak


Nag hahalungkat ako ng notes ko sa facebook at nakita ko ito.. una blog entry ko na ginawa ko sa salin ng wika ingles. sinulat ko ito dahil sa kaibigan ko. nag hiwalay sila ng taong mahal niya tapos to the rescue naman ako. eto basahin mo kung anu gusto ko iparamdam sa kanya nung nag hiwalay sila.. 
=========================================================================

Be thankful for every heartbreak, for they were planned. They come into your life just to reveal another layer of yourself to you, and then leave. Their purpose is to shake you up, tear apart your ego a little bit, show you your obstacles and addictions, break your heart open so new light can get in, make you so desperate and out of control that you have to transform your life. And you do.

We enjoy warmth because we have been cold. We appreciate light because we have been in darkness. By the same token, we can experience joy because we have known sadness. this letter are made to inspired you and to heal your broken heart.

"Here’s what I’m going to do. I’m going to stop dwelling. I’m going to stop watching the phone. I’m going to stop looking for you. I’m going to move on. I’m going to meet people. I’m going to live. I’m going to forget all the nights I spent wishing you were here. I’m going to forget the times that it was just us. I’m going to forget the things that shouldn’t have happened. I’m going to forget all the times I opened myself up to let you in, to only get hurt in return. I’m going to forget how I felt about you. Instead, I’m going to subconsciously wait. If you really want me, if you miss me, if you can’t breathe without me, you’ll know. You’ll ring. You’ll text. You’ll visit. And if you drift, if you don’t call, if there’s no texts,

if there’s no visits. I’ll know. I’ll know it was never meant to be. And I will continue moving on. And I’m going to walk tall. But in between everything I will forget, "I won’t forget the lesson I’ve learned". I won’t forget the feeling of loving someone. I won’t forget the feeling of thinking I’m loved. And I will certainly not forget the hell I was put through to learn all this, to become a better person"

Whenever you feel like life is tearing you down, and nothing’s looking up, remember all of your accomplishments. Remember all of the positive and wonderful things about you. Remember all of the people who get you through the day, and the little things that make life better. Never give up hope, and have confidence in everything you do. i hope i cheer you heart. dont forget to smile.

Monday, September 19, 2011

Kung walang facebook ano kaya ang mangyayari?


  • Matututo kaya gumamit ang mga magulang natin ng internet?
  • May maghohold on kaya sa LDR? (Long Distance Relationship)
  • Lagi ba natin hawak ang ating cellphone dahil ito na lang ulit ang tulay sa komunikasyon?
  • Magkakaroon kaya ng paligsahan na like contest?
  • Magkaka grade ka siguro ng hindi pinapalike ang project mo sa school?
  • O kaya naman manalo sa isang paligsahan na hindi kailangan ng like ng ibang tao.
  • Mauuso kaya yung mga tag na yan na nagiging dahilan ng pag-aaway ng mag jowa?
  • Ano na nga kaya ang perception ng tao sa LIKE na salita? Ito ba ang sapilitang paglike ng isang entry dahil kaibigan mo ang nagsabi sayo?
  • Nauso kaya ang pag angkin ng Lupa sa Farmville at pagbenta ng kaibigan sa Friends For Sale, at magkaroon ng magandang bahay sa Sims Social?
  • Ano nga kaya tunay na buhay kapag walang Facebook?
  • Siguro masaya ang friendster.
  • Malalaman mo kaya talaga ang birthday ng kaibigan mo?
  • Magiging espesyal kaya ang kaarawan mo dahil wala namang babati dahil nga wala itong si facebook? Pero mas na appreciate mo yung bumati sa cellphone dahil naalala talaga nila ang birthday mo

Sunday, September 18, 2011

Subdivision People

Marahil marami sa atin dito ang nakatira sa mga subdivisions or villages. Yung iba naman pwedeng sa condo unit. Kung meron mang sa less-fortunate-place-to-live-in (ang panget kasi kung squatters) nakatira o kaya naman ay sa hindi kagandahang lugar eh kaunti lang. So bilang isang subdivision peeps napansin ko lang mayroong iba’t ibang klase ng mga nakatira dito
  • POLITICIAN. Siyempre sa kahit saang lugar naman meron at merong mga politikong tao. Sila yung mga taong namumuno ng isang subdivision. Sila din yung mga corrupt sa mga monthly dues na binabayad natin.
  • NEWSPAPERS. Mga taong malakas magkalat ng chismis sa isang subdivision. Madalas tong mag mula sa isang street hanggat makarating na sa kabila. Napansin ko din na mga kasambahay ang mga kadalasang newspaper ng isang subdivision.
  • TALK SHOW HOST. Sila naman sila Aling Ester at Aling Baby na nasa kanto palagi. Sila yung mga dakilang chismosa na wala ng ginawa kung hindi umupo sa kanto pag sapit ng hapon at magdaldalan. Sila din yung mga taong laging tumitingin sa mga bagong muka sa loob ng subdivision.
  • HARDCORE DRINKERS. Mga walang kamatayang manginginom. Laging nakatambay sa tindahan nila Aling Amy at may hawak na Red Horse o San Mig light. Madalas sila din yung mga malalakas mag vidoke at maiingay pag lasing na.
  • ALIENS. Sila naman yung mga kapitbahay na hindi madalas or never lumabas ng bahay nila unless aalis sila. Sila yung mga taong magtataka na may kapitbahay ka palang ganon. Kadalasan din sila yung may mga sikreto na itinatago kaya di nakikipag-kaibigan sa ibang kapitbahay.
Marami pang ibang klaseng mga tao sa isang subdivision. Maging sino man sila kailangan mo pa din silang pakisamahan. Iba’t ibang uri ng tao, merong professionals meron ding hindi. Parang sa buhay, iba’t ibang klaseng tao lahat kailangan mo pakisamahan para lang maki-agos sa daloy ng panahon

Friday, September 16, 2011

TYPICAL BALIKBAYAN SCENES. FILIPINO STYLE

Marahil marami sa atin dito ang mga kamag anak eh nagta-trabaho sa abroad. Pwedeng si tatay, si nanay, si ate o kuya. Nandiyan din naman sila tito at tita at ang ating mga pinsan. Pansinin mo to tuwing pupunta ka sa Airport, na-obserbahan ko kasi kung paano natin salubungin ang mga kamag anak natin galing ibang bansa. Kapag balikbayan:

  • MAS MARAMI PA YUNG BOX KAYSA SA BAGAHE. Mga naglalakihang box ang makikita mo dala-dala ng mga trolley nila. Ang laman? Sangkatutak na pasalubong. Nandiyan yung mga pabango, toiletries, damit, mga gamit sa bahay, at kung ano anong pang display.
  • NAKA-PORMA. Lalo na pag seaman ang tatay o tito mo. Alam na alam ko mga get up ng seaman dahil seaman ang tatay ko. Mga long hair yan, usually naka-polo o kaya nakasumbrero. Tapos mapuputi sila, lalo na kung sa Europe galing. Kung di naman seaman, mahahalata mo naman ang mga suot nila dahil naka-jacket at naka-shades sila.
  • FANSIGNS. Placards. Para naman to sa mga taong susundo. Kanya kanyang paraphernalia ang dala para lang i-welcome yung bagong dating. Lalo na kung sobrang tagal na nilang di nakita ang isang kamag anak! Tapos andiyan na yung mga yakapan epek.
  • ISANG TROPA. Applicable to sa mga kamag anak ng mga taong nasa probinsya. Kung hindi ako nagkakamali mga sampu ang minimum na bilang ng mga ito. Dahil kung hindi sa jeep nakasakay eh sa isang malaking van kasama ang buong pamilya, yung iba pati kapit bahay kasama. Tapos magkakainan sila habang nag aantay ng paglapag ng eroplano ng kamag anak nila.
  • DUTY FREE. Pinaka-masayang parte ito ng pag sundo. Siyempre makakabili na kayo ng mga paborito mong tsokolate at chichiria. Andiyan din yung mga makukulit na crew nila at pipilitin kang bilhin yung mga paninda nila. Merong mga alak, laruan, damit at pabango. Pinakagusto ko? Yung grocery! (SPAM)

Lahat tayo may kanya kanyang estilo ng pag sundo sa ating mga kamag anak galing abroad. Ang sarap lang talaga sa pakiramdam pag pupunta ka ng airport kasi susundo ka. Hindi yung pupunta ka doon para mag hatid at alam mong matagal na panahon nanaman ang bibilangin mo para lang magkasama ulit kayo

Ang Pag-big ay parang pag pila sa mga Rides

Nasubukan mo na bang pumila ng sobrang haba para lang makasakay sa isang ride? Kung nakapunta ka na sa Enchanted Kingdom oh kaya naman ay sa Star City alam mo kung gaano kahaba yung tinutukoy kong PIIIIIILLLLLLLAAAAAAAAAAAAAA.

Ano ba ang kailangan mo para lang matiis tong sobrang habang pila na to? PATIENCE. Kung wala ka nito, hindi mo mararamdaman yung saya na pwede mong maramdaman sa rides. Ganon din sa pag ibig, kung wala kang patience para mag antay para sa taong para sayo, hindi mo mararamadaman yung “SAYA” na yung tunay mong pag-ibig lang ang makakapag bigay.

Sabi nga ng ilan, kapag gusto mo talaga ang isang bagay pagti-tiyagaan mo ito, mapa-material things o hindi. Ilang oras ba ang dapat mong antayin sa pag pila ng rides? Di ba isang oras mahigit? Magti-tiyaga kang pumila ng isang oras para lamang makasakay sa 2-5 minutes na ride. Bakit ka nagti-tiis? Kasi gusto mo, kahit na alam mong sa hinabahaba ng paghi-hintay mo sandaling panahon ka lang makakaramdam ng saya. Pero ayos lang sayo yun basta maramdaman mo yung experience.



Kung hindi ka willing mag hintay WALANG MANGYAYARI SAYO.


Thursday, September 15, 2011

ONLY GOD KNOWS.

Siya lang naman kasi ang makakapagsabi kung hanggang kailan lang tayo mabubuhay dito sa mundo. Life on Earth is very short. Sabi nga nila live our life to the fullest, so that when your time comes to death, you’ll have a happy feeling that you haven’t wasted your time, instead you have done your best. Mabuhay tayo ng tama, hanggat may pagkakataon tayo para makagawa ng magandang bagay para sa kapwa natin. Hanggat may pagkakataon pang tumulong gawin na natin. Hindi natin masasabi kung hanggang saan lang tayo. Wag natin sayangin yung magandang pagkakataong binigay sa atin ni God.

Nakakalungkot lang talaga pero darating talaga yung mga pagkakataong may mawawala na mahal natin sa buhay. Isa sa mga pinakamasakit na pagkakataon na sa ating buhay na hindi natin kayang pigilan. .

Kaya ano dapat nating gawin? Make the most of every moment. Live happy. Para kahit na nawala ka na agad alam mo sa sarili mo na masaya kang nabuhay dito sa mundo. Hindi mo kasi masasabi ang panahon. Malay mo ito na din pala yung huling pagkakataon na mababasa mo yung text post na gawa ko. Wag naman sana

Wednesday, September 14, 2011

Sa Pamantasang Walang Pantas

Patalino nang patalino ang sangkatauhan, sangkabataan, sanlipunan ngayon. Nauubusan na tayo ng mga taong walang opinyon—lahat may masasabi, lahat may boses. Lahat inaakalang ang pagiging opinyonado ay pagiging matalino. Masyado na tayong matalino na nakakalimutan na natin ang kahulugan at kahalagahan ng pagiging mangmang.

Masyado tayong hinuhubog ng popular na kultura at alam nating lason ito sa atin. Lason sa lipunan ang popular na kultura at pinapanatili tayong timik, walang-unlad. At sa’n tayo dinadala nito? Pumasok man tayo sa isang pamantasan, hindi natin magaganap ang salik ng pamantasan na pagpapantas. Na ang talino natin ay talinong akala nating sapat. Mga opinyon na walang basehan, opinyong suhetibo, opinyong hindi sinusuri nang maigi.
Sa pamantasang pinapasukan ko ngayon, naubos na ang pantas. Maging ang mga tinitingala ay nawawalan na ng kapantasan at napupuno ng kapintasan. Sa pamantasang pinapasukan mo ngayon, hindi talino ngunit estado social na lang ang iniintindi at nauubos na ang pagtanaw ng kahalagahan ng estado ng intelektwal na pag-unlad. Mga sanaysay na nauubusan ng intelektwal na batayan, mga school of thought na nawawalan ng thought, mga propesor na walang propesyon, mga estudyante ng pamantasan na hindi napapantas.

Sa bawat paghangad ng pagtaas ng kalidad ng edukasyon, lalong bumababa. Estado ma’y pinapabayaan na ang edukasyon. Ang kabataan nga daw ang pag-asa ng bayan.

HAPPINESS IS A CHOICE.

Isa to sa mga overrated statements na lagi nating naririnig. Para sa akin eh magulo tong statement na to. Pwede ko ding sabihing bull crap. Bakit? Sino ba naman kasi ang gusto malungkot di ba? Lahat naman tayo ay gusto maging masaya sa mga kanya kanya nating buhay. Oo nga sabihin nating pinipili ang maging masaya pero minsan kailangan mo ding makaramdam ng kalungkutan. Hindi mo naman kasi masasabi na masaya ka sa isang bagay kung hindi ka nakaramdam ng kalungkutan.
Minsan kasi kahit na anong pilit ang gawin mo sa sarili mo para sumaya ay hindi talaga pwede. Kahit na ipakita mo sa lahat ng tao na masaya ka kahit na alam mo sa sarili mo na hindi naman sino ba sa tingin mo ang niloloko mo? Di ba ang sarili mo din naman?
Hindi naman kasi masama maging malungkot eh, talagang darating to sa mga buhay natin. Hindi mo din pwede paniwalain ang sarili mo sa isang bagay na alam mong hindi naman totoo. Dahil kapag ganyan ang lagi mong ginagawa, sinasanay mo ang sarili mong mabuhay sa isang malaking kasinungalingan.Higit sa lahat kailangan mong maging malungkot para malaman mong SUMAYA ka pala.

TIPS NA DAPAT GAWIN SA ISANG PILA.


Di naman bago sa ating mga Pilipino ang sumabak sa iba’t ibang klaseng pila lalo na at alam naman natin na may pagka-bulok ang sistema ng ating bansa kaya tayo ay napipilitang sumabak sa matinding hassle na ito. Narito ang ilang tips na pwede mong gawin para matanggal ang iyong pagkainip sa pila.

  • MAKE FRIENDS - Minsan kailangan mong kapalan na ang muka mo, lalo na kung sobrang haba ng pila at sa tingin mong bukas ka pa matatapos. Lapitan mo na yung mga type mong chicks oh kaya naman ay mga papable. Dumiskarte ka ng malupit para magkaron ka ng kaibigan. (effective pag mag isa ka lang)

  • Mag dala ng mga gadgets - Pag loner ka eh at alam mong isang buong araw ka pipila nun kailangan mo nito. Bukod sa pampalipas oras eh magagawa mong maaliw ang sarili mo kahit papano kaysa naman tumanganga ka.

  • Mag lista ng NOISY - Eto effective lang kapag wala kang dalang gadgets, wala kang kaibigan, try mong mag lista ng noisy sa cellphone mo oh kaya naman lista mo yung mga dumadaan at mga singit sa pila at mag sumbong sa guard.

  • Mag dala ka ng pagkain - Naku, kung PBB oh kaya naman pag kuha ng passport ang pipilahan mo eh sigurado gugutumin ka. Kaya dapat laging handa at laging puno ang tiyan.

  • Pag tripan ang mga bagay bagay na makikita sa paligid - Effective ulit kung mag isa ka lang, wala kang gadgets, at wala ka ulit kaibigan. Kapag may nakita kang nakakatuwang bagay mapa-bato man yan o kaya naman halaman eh pag tripan mo na ito, pero wag masyado pahalata baka kasi mapagkamalang baliw.

  • MAGSISIGAW KAPAG MALAPIT NA SA DULO - Ito yung pinakamasarap na pakiramdam sa isang pila, kapag malapit ka na sa dulo. Mararamdaman mong sobrang worth it yung pagod mo kapag nakuha mo na ang gusto mo.

PAGKALIMOT.



Lahat naman tayo ay nakakalimot. Nakakalimot sa mga nararamdaman natin, sa mga birthdays ng mga importanteng tao sa atin, mga meetings na hindi napupuntahan, mga gawaing bahay, mga assignment sa school at iba pa. Ang pinakamasakit lang ay yung makalimot tayo sa mga taong mahahalaga sa atin. Tipong kaibigan man natin o karelasyon. Siguro lahat naman tayo minsan nawawala na sa loob natin ang ating mga kaibigan. Madaming pwedeng maging reasons, maaaring busy tayo sa school o kaya naman sa work, pwede din namang may mabigat na problema tayong pinagdadaanan. Oh kaya talagang walang dahilan at sadyang nakalimot lang tayo. 

Minsan magtatampo ang mga ito sa atin, masisisi mo ba sila? Lalo na kung alam mo sa sarili mo na nakalimot ka na nga? Well siguro may mga nag bago nga sa inyo lalo na kapag matagal na kayong hindi nagkikita. Maraming bago sa inyong dalawa. Magsisimula kayong magkapaan. Pero hindi naman porque nakalimot kayo sa isa’t isa eh hindi na kayo magkaibigan. Yung iba kasi tinatalikuran na yung pagiging magkakaibigan. Ang sakit lang ng ganon, kahit na madami namang nag bago sa inyo eh hindi naman yun dapat maging dahilan para hindi na kayo maging magkaibigan.
Pero siyempre kanya kanyang case naman yan. Kaya ano nga ba ang dapat gawin? Kahit papano eh dapat updated kayo sa isa’t isa. Kahit papano alam mo yung nangyayari sa kanya. Hindi naman kailangan na makausap mo siya araw araw. Basta ang importante magkaron ka ng idea kung ano ang nangyayari sa kanya. Mahirap kasi yung nagkakasira ang pagiging magkaibigan niyo dahil lang sa nawalan kayo ng communication o nakalimot lang talaga kayo

Sunday, September 11, 2011

Paghahambing


Buhay sa elementary
  • uso ang cleaners
  • uso ang mga coloring books, materials, at ibat-iba pang coloring activity.
  • uso ang flashcards ng multiplication.
  • Uso ang muse at escort.
  • Tuwang tuwa kapag may parada o sabihin na nating United Nation Day.
  • Takot kang malista sa noisy and standing.
  • Natutuwa ka dati sa pencil case na dragonball o kaya sailormoon. Kung elementary ka ngayon sigurado akong Ben10 o kaya naman Barbie ang pencil case mo.
Buhay Highschool
  • hindi na uso ang cleaners.
  • uso na mag drawing gamit ang bond paper para sa values education niyo.
  • uso na ang oral recitation ng multiplication.
  • matututo kang magmahal sa stage ng buhay mo na ito.
  • matututo kang masaktan dahil nagmahal ka.
  • hindi lang sarili ang problema mo dito, kundi ang ibang tao.
  • hindi ka na takot malagay sa noisy and standing.
  • Boss ka kapag president ka sa classroom.
  • gusto mo nang sumipsip sa teacher mo.
  • masaya ka kapag natapat ang bagyo o holiday kapag biyernes.
Buhay college
  • sabi ng iba petiks lang. akala lang nila yun, kaya patuloy silang bumabagsak e.
  • dadami ang barkada mo.
  • maeexplore mo pa ng malaki ang mundo.
  • aasa ka sa mga mababait na professors.
  • kaaway mo ang mga terror na professors.
  • pwede ka na gumamit ng calculator pero hirap ka pa rin i solve ang problems sa blackboard.
  • Dati unisilver ang kwintas mo, ngayon Flash drive na dahil sa dami ng files at pinapatypes ng professors niyo.
  • Kunwari may project ka at mag oovernight sa kaklase mo, yun pala may kasiyahan lang kayo.
  • Maaring gumala kapag mahaba ang oras ng vacant mo.
  • Hawak mo ang schedule mo depende kung paano ka nag enroll.

Thursday, September 8, 2011

What do you think is the role of the call center agents in our society?


Anonymous asked: pwede po magtanong? help sna. What do you think is the role of the call center agents in our society? im not that good at expressing my opinions kase, kaya hihingi sana kong help. sna ok lang po. Thank you po. Kahit na hindi nyo na ko ihelp, thank you pa din :)

Kung assignment ‘to, hindi ko alam kung makakatulong kasi kadalasan ng hinihingi sa mga write-ups sa school ay positive dapat. Katulad ng tanong: What is the role of the call center agents in our society? Pwede namang “is there a significant role played by the call center agents that affects our society?” which could be answered by yes or no, hindi ‘yung former question na obligado kang magsagot ng tungkol do’n kasi “what is” hindi “is there.”

Anyway, to answer your question (about my opinion), I think due to the popularity of the BPO workforce, masyado nating tinitignan na malaki ang naitutulong nito sa bansa, which is not true, as far as my calculations are concerned (prove me wrong). They serve foreign investors and not the country. Well, they pay large amounts of taxes to add to the government fund but that’s all they contribute to the economy. Katulad nga do’n sa sinabi ko sa isang nagtanong sa’kin, they are helping other countries, not ours. Also, due to the popularity of it, we are losing our almost-gone Pilipino culture which had been in danger for so long since we are an American dictated country, even our culture is in danger as well as our economy. The way most of our generation’s population dream a large amount of pay with the dreams coming true with being “call center agents,” we don’t seem to value the regular workplace, the regular professions. Just like what the other anonymous asker asked, we don’t seem to dream larger and the people who dream of being professionals, like teachers, clerks, secretaries, etc. have been minimal; it is, maybe, because the large portion of the population are preoccupied with the thought that at BPOs, the salaries are high with a regular job in which we think that is the only place we could get that amount of pay.

 In that, also, thinking that there are higher paying jobs, we don’t seem to care about lower-earning people and just dream of having higher pays than the others. We don’t seem to make a legitimate call for high salaries for the regular workers because we are eaten by the thought that everyone has an exit from low-paying jobs, which is the BPO workplace, and the regular workers—the factory laborers, secretaries, maintenance, assistants, the working class—are left with lower wages.


The people who work in it do not affect our society, it is the nature of work and the popularity of it is what’s affecting us: that we have to deal with the fact that we have to be slaves and nothing more. And the role of the call center agents? Tax payers.

Reklamador Nation


Ilang beses kong nabasa ngayon ang mga katagang “reklamo kayo nang reklamo, wala naman kayong ginagawa para umunlad” at “ang pagbabago ay nagsisimula sa sarili” sa iba’t ibang baryante at iba’t ibang pagkakamali sa paggamit ng balarila. Hindi ko alam kung kelan ko sinimulang alimurahin ang pag-iisip na ganito. Na kesyo naninisi ang iba kahit na walang ginagawa, kahit na mga tambay, nakikisisi sa mga kasamaang-palad na tinatamasa nila—na wala silang karapatang sisihin ang gubyerno dahil wala silang ginagawa para sa sarili nila. Kaunti pa lang ang nababanggit ko pero unti-unti ko nang gustong sabihin at ilabas ang sentimyento ko sa mga taong pilit na tinutunggali ang mga tumutunggali. Na ang mga taong walang magawa para sa sarili nila ay nagkukubli sa kanilang mga kawalang-silbi dahil sila rin ay natatakot tumunggali sa mga bagay na hindi nila kayang gawin para sa sarili nila.

Isang araw lang naman ang kinailangan ko para mabago ang pananaw ko sa mundo. Hindi ko naman talaga siya kinailangan dahil kusang lumapit ang liwanag na tumapat sa pikit kong mga mata. Hindi man siya tunay na liwanag dahil dilim lang ang nakita ko pagdilat dahil walang tanglaw ang ibinabanderang araw at bituin ng ating watawat. Ni walang puti ang puting nakapaligid dito. Ang asul ay nagmimistulang itim at ang pula sa ilalim ay pilit ding isinasama sa dilim ng estado ng bayang magiliw

Pero ano nga ba ang dapat na pamantayan para makapagreklamo ka? Dapat ba ay may naia-ambag ka sa bayan para makapagreklamo ka? Para ba itong Timezone na kailangan munang may credits ang iyong Reklamo Card para makapagreklamo ka sa bawat istasyong pagrereklamuhan? Kailangan bang may estado ka sa buhay at hindi ka mababang-uri bago makapagreklamo? Hindi ko alam kung ano ang batayan ng mga taong nagsasabing “gumawa ka muna sa sarili mo kung gusto mo ng pagbabago” para sabihin nila ‘yon sa mga mabababang-uri na walang kapasidad para umunlad dahil pinipigilan ito ng mga nakatataas na uri na kung susumahin ay kakarampot lamang dito sa ating bansa. Na ang mga naghaharing-uri ay halos iisang bahagdan lamang ng buong populasyon ng Pilipinas. Na ang mga gitnang-uri ay nagmamataas dahil alam nilang hindi sila kabilang sa nakararaming nakabababang uri kahit na tinatapakan pa rin sila ng iilan… Kaya ba ang tingin na lang nitong mga gitnang-uri sa mga babang-uri ay walang karapatan para magreklamo dahil pakiramdam nila ay malaki na ang naiaambag nila sa bansa? Hindi ba’t nakakatapak ito ng dangal ng malawak na bilang ng mga maralita nating kababayan? Na kailangan mo munang umunlad para magkaboses. Na kailangan, may yaman ka para maging mamamayang lumalaban. Na kailangan, hindi ka dukha para hindi ka kundenahin sa iyong pagkukundena

Medyo matagal na panahon na, ilang taon na rin ang nakalipas nang magkaro’n ako ng matatag na pundasyon sa aking sariling pananaw at ang aking politikal na pag-anib sa ideyolohiya ng kaliwa. Medyo matagal na nung una kong dinilat ang mata at ininda ang aking estadong panlipunan dahil kung tutuusin, iisang malaking tumpok tayo ng populasyon na inaalipusta ng mga nakatataas at hindi natin kailangan ng mataas na estado ng pamumuhay para lang magkaro’n ng boses. Mali ang sistema at hindi ang mamamayan. Ang estado ang nagbunga ng kamalian ng sanlipunan sa Pilipinas at hindi ang mamamayan. May mali sa sistemang panlipunan at hindi mali ang mamamayan. Marahil ay hindi niyo matanggap na sa sarili niyo ay wala rin kayong magawa kaya hindi kayo makapagreklamo sa estado na hindi naman naglilingkod sa atin. Marahil ay hindi niyo makita na ang mga mamamayan, mga kapwa niyo, ay naghihirap dahil sa bulag niyong mga mata sa maluwag at masagana niyong pamumuhay—pero ayan sila, nagrereklamo at nananawagan para sa kanilang mga karapatang sibil. Marahil ay natanggap niyo na ang kasinungalingang walang magagawa ang mga panawagan para magbago ang lipunan. Marahil nagsawa ka na sa mga isyung naglilipana. Marahil, marami pang dahilan… Ngunit may mali sa lipunan at hindi mali ang mamamayan kaya ang mamamayan ay nananawagan at hindi basta nagrereklamo at naninisi. Nananawagan sa pagbabagong panlipunan na sasalba sa bawa’t isa. Na sa pagbabagong panlipunan lang, sa pagrereklamong inyong tinutukoy, magkakaro’n ng tunay na pag-unlad ang ating bansa.

Na nasa kolektiba at sama-samang pagkilos, at hindi sa hiwa-hiwalay at isa-isang pag-unlad, nakikita ang pagbabago.

Wednesday, September 7, 2011

Ibinigay mo ba ang isang daang porsyento mo?

Kapag iniwan ka ba ng isang tao totoo bang ibinigay mo ang lahat? Totoo bang 100% ang ibinigay mo? O sabi mo lang yun? Tanungin mo ang sarili mo, paano? Sa anong paraan? Sa tingin mo ba ayun na lang ba talaga ang dahilan kaya hindi mo ito napigilan? Totoo ba talagang ipinaglaban mo? Totoo bang minahal mo?Napakaraming tanong na dapat mong itanong sa sarili mo. Ano sa tingin mo ang kulang? Sa tingin ko ito ay ang komunikasyon. Masyado kang natakot, masyado mong hinayaang tumakas ang bakod na namamagitan sa inyong dalawa. Kaya sa huli napabayaan mo ito, sa huli nawala ito, napabayaan.

Yung isip mo natabunan na ng pananaw mo na wala ng pag-asa, dahil nagsawa na o kaya nagalit na. Hindi mo naipaglaban, hindi mo man lang napatunayan.

Parte ng buhay ang pagiging malungkot, pero gagawin mo dapat ang lahat ng makakaya mo para maiwasan ito. Napakasandali lang ng oras para lumigaya, tapos isisingit mo pa ang kalungkutan na nararamdaman mo. Saan ka na lang pupulutin niyan? Sino pa ang aasahan mong tutulong sayo? Yung taong piniling saktan ka at pabayaan?


Mas kilala mo ang sarili mo. Hindi naman niya nakikita na malungkot ka ngayon e, hindi bat para kang lugi sa ginagawa mo? Habang ikaw na malungkot , siya naman tong hindi ka napapansin at nagsasaya.

Tuesday, September 6, 2011


ISIPIN MO, KUNG NAGING MADALI LAHAT NG BAGAY SA MUNDO, SA TINGIN MO BA, MAAAPPRECIATE MO PA ANG KAGANDAHAN NITO?
MAIISIP MO PA BANG MAGSUMIKAP? HINDI NA DIBA?

Monday, September 5, 2011


Nawawala lang naman sayo ang isang tao kapag hindi mo ito naalagaan ng tama.

away kayo ng away. bakit hindi nalang magmahalan?

Lahat ng magkakasintahan ay dumadaan sa ganitong pagsubok. May punto talagang away lang ng away. Pataasan ng pride. Patigasan ng ulo. Paraasan ng boses pero bakit hindi subukan kahit isang beses lang. Kumbaga, I-testing lang natin. na Imbes na makiawat sa kanya. Bakit hindi mo na lang alalahain yung dahilan kung bakit mahal na mahal mo siya? bakit hindi mo na lang isipin yung mga masasayang alaala niyo?  hahayaan mo bang ma wala lahat ito dahil lang sa maliit ba problemang pilit niyong pinalalaki? tandaan niyong ang halaga ng relasyon niyo, ang isasakripisyo niyo. yung lahat ipunundar niyong saya. pag mamahal at pagmamalasakit mawawala kapag pinabayaan iyong mawasak lang ito ng isang away na wala namang saysay.

Kung kaya pang ayusin, ayusin niyo.

Friday, September 2, 2011

Paano kung dumating ang panahon na parang nagbago na ang lahat?


  • Yung mga “I love you” na biglaan niya nalang sinasabi sayo, wala na.
  • Yung mga simpleng yakap, simpleng halik sa noo, wala na.
  • Kung dati sobrang sweet niya sayo, at sobrang mag-alala kapag hindi ka nagpaparamdam, pero ngayon, parang wala na… 
  • Yung bigla mong naramdaman na ikaw na lang ang nag-eeffort…
  • Na ikaw nalang pala ang nagmamahal sainyong dalawa…

    Paano mo ba haharapin ang ganitong sitwasyon? O dapat bang hayaan mong dumating pa sa puntong ito? Ngayon pa lang, dapat gawin mo ang lahat para hindi mawala lahat ng pinagsamahan niyo. Kumbaga, protektahan niyo yung “spark” ng relasyon niyo, dahil kapag nawala na ito, mahirap nang ibalik pa…

Thursday, September 1, 2011

Kung ano man yung mga pagkakamali mo, huwag mong pagsisihan yun dahil hanggang sa huli tandaan mong naging desisyon mo yun. Parte yan ng pagkakamali na nararanasan ng karamihan. Kung simpleng pagkakamali lang naman eh wala dapat alalahanin. Marami pa namang susunod na pagkakataon. Pagkakataon na mas mapapabuti pa, pagkakataon na posibleng maging mas ayos pa sa iniisip mong kahihinatnan ng iyong gagawin.

Lagi mong tatandaan na desisyon mo yan. Ang desisyon na ginawa mo para sa sarili mo ay hindi pinagsisisihan

Wednesday, August 31, 2011

May mga bagay na kahit sa pagsusulat ay hindi mo pa rin maipaliwanag ang nararamdaman mo.

Ang hirap lang kasi hindi mo alam kung ano ang gagawin mo. Hindi mo alam kung saan ka lulugar. Ewan ko ba. Siguro, parte lang talaga ito ng buhay. May oras na sobrang guguluhin ka ng isip mo. Ngunit sa gitna ng kaguluhan na kasalukuyan mong hinaharap, pilit pa ring hinahanap ang saya at halaga ng pangyayaring ito. Ano nga bang saysay nito? Paano nga ba ito malalagpasan?

Bahala na si Batman.

Friday, August 26, 2011

PAHALAGAHAN MO ANG MGA BAGAY NA AYAW MONG MAWALA SAYO.


KAPAG BINALEWALA MO ITO, MAAARING MAKITA MO NALANG ITONG HAWAK NA NG IBA…AT HINDI MO NA PWEDENG BAWIIN PA.

Normal na ginagawa ng isang tao kapag umuulan.


Nag iinternet - Nagiinternet sila dahil ito na lang naman talaga ang pinakamagandang gawin ng isang  kabataan ngayon. Nandito ang buhay nila kapag nasa bahay sila. Tamang nakikipag chikahan kulitan sa mga kaibigan nila online.
Kumakanta - isang ritual para manatili ang bagyo eh sinasabayan nila ito ng pagkanta. Tipong kanta lang ng kanta, videoke lang ng videoke hanggang maging signal number 3 na ang ulan. Ewan ko ba bakit lumaki ang mga taong may paniniwalang kapag kumakanta ka eh umuulan.
Nag dodrowing - Ginagawa ng mahihilig sa arts. Tipong idinrowing na ang lahat. Muta, kulangot, buhok ng tao, isang tunay na tao, isang paboritong karakter at marami pang iba. Nakakainggit yung magaling gumuhit. Sarap magnakaw ng talent.
Tamang Text lang - GM dito, GM doon. Nilalamig daw siya at kailangan niya ng kayakap. Ayan kasi, binreak ang bf/gf eh hindi alam na may bagyong dadating ayan tuloy nanlalamig dahil sa sobrang hinanakit sa naging desisyon niya sa buhay niya.
Movie Marathon - Aba ito ang pinakamainam gawin. Manunuod ng mga pelikulang napanuod na, o kaya naman mag dodownload ng bagong pelikula sa internet. Swerte kapag malinaw ang kopya. Sabayan mo pa ng Order sa paborito mong Fastfood chain.
Kumain - Kailangan pa ba ng paliwanag dito?
Matulog - hindi nila nababasa ito ngayong blog ko. Dahil tulog sila ngayon. Ayan o tulo laway. Patuloy na nananaganip ng matiwasay.

Tuesday, August 16, 2011

Kagandahan sa panunuod ng pelikula.


Ang kagandahan kapag nanunuod ka ng pelikula eh yung values na matututunan mo dito. Depende sa pinanuod mong palabas.
  • Kapag gera ang pinanuod mo matututunan mo pano tumapang.
  • Kapag tungkol naman sa pag-ibig matututunan mo ang ibat-ibang problema sa relasyon pero sa huli nagkakabalikan rin ang mga ito.
  • Kapag tungkol naman sa fantasy ang pinanuod mo, matututunan mo ang ibat-ibang imahinasyon na meron ang bawat tao. Maari mang hindi totoo ang mga ito pero pede mo ito gawing inspirasyon.
  • Kapag naman pinanuod mo eh yung tungkol sa mga bampira na may glitters sa mukha. Matututunan mo na ang glitters pala eh pwede gawing make up.
  • At kapag inspirational movies naman, naku po dito ka tatamaan talaga. Tipong tapos na ang pelikula eh napapaisip ka pa. Ang tindi lang
Napakasarap manuod ng pelikula, lalo nat nandun ka para manuod talaga at hindi kumuha ng mga linya na magaganda. Kundi nanonood ka para intindihin ang istorya. Kaya naman nakakabilib talaga ang mga nagsusulat ng kwento at kung sino ang umaarte at nag didirek nito.

MASARAP AT MAHIRAP MA INLOVE.

Masarap ma inlove kasi ang sarap din ng feeling na may nag-aalaga sayo, may nag-aalala sayo, may natatakot na mawala ka sa buhay nila. Masarap ma inlove lalong-lalo na kapag mahal ka rin ng taong mahal mo. At kung ramdam mo talaga yung pagmamahal niya. Ang gaan ng feeling na may isang taong nagpapahalaga sayo ng sobra. Yung tipong magkakasakit ka lang, daig pa niya ang nurse sa pag-aalaga. Pinakagusto ko rin yung feeling pagkatapos ng away niyo na magkabati na kayo. Oo nga`t masakit kapag may bagay na hindi niyo napagkasunduan. Pero dahil sa nire-respeto niyo ang isa`t-isa at dala na rin ng sobrang pagmamahalan, nagagawa niyong humingi ng tawad at mapatawad ang isa`t-isa.


Mahirap ma inlove kasi may mga taong martyr at may mga taong manhid. May mga taong kahit sobrang nasasaktan na, patuloy pa rin sa pagmamahal sa isa kahit na minsan, eh harap-harapan na ang paggawa niya ng kasalanan. May mga tao rin kasing hindi makuntento sa isa. Masakit ma inlove lalong-lalo na kapag parang balewala ka naman sa taong mahal. Mas inuuna pa niya ang mga walang kwentang bagay kesa sayo. Masakit kapag di mo maramdaman na mahal ka nga niya. May mga taong nagpapakatanga sa pag-ibig lalo na kapag sobrang na-attach na siya dun sa isang tao. Magulo ang pag-ibig. Ang dapat mo lang alamin eh kung kelan ka lalaban at kung kelan ka susuko. Nakakatanga ang pag-ibig ika nga. Pero wala namang batas yun para panindigan mo ang pagiging tanga

Saturday, August 6, 2011

Hindi ba't ang sarap sa pakiramdam yung kampante ka sa taong mahal mo?

  • Yung walang halong kaba o pagdududa?
  • Yung masasabi mong “Akin na akin lang siya. Kahit may gustong umagaw sakanya, hindi niya hahayaang magpaagaw siya.”
  • Yung feeling na mahimbing ka makakatulog sa gabi na walang iniisip na baka mawala siya sayo bigla. 
  • Yung relaxed ka.
Hindi ba’t ang saya kapag ganon? Kapag ito na ang nararamdaman niyo ngayon, gawin niyo ang lahat upang hindi ito mawala. Dahil kapag kabaliktaran ang nangyari, sobrang hirap na. Halos hindi ka na makatulog sa gabi, iiyak ka na lang bigla sa sobrang takot.
Ang masasabi ko lang, hindi ito maganda sa isang relasyon. Kaya habang andito ka pa, wag mo na ito hayaang mawala pa.

Friday, August 5, 2011

Time Flies



Before you know it, today becomes yesterday and tomorrow is already knocking at your door. When last night and tonight seems like it’s one and the same, because it feels like there’s less and less daylight anymore.

I can’t lie and say that I never have those days where I feel like time has stopped, when I feel trapped in a moment for the longest time. It’s like the hands of time are holding me in place for no apparent reason. But for the most part, especially lately, I feel like there isn’t enough time altogether. Either there isn’t enough time, or maybe I’m just not making the most of what time I have.

I’m at the point where I’m realizing the value of time, and how I should appreciate it more. Because every second I don’t use is a second that I’ll never get back. Eventually, that unused time will accumulate and maybe even become days. Days that I wish I could have used to be with family, friends, or to go out and live it up.

Time doesn’t stop for anyone, or anything. I just feel like it’s up to me to determine whether it was a waste of time, or something more.

Bakit daw kailangan laging may nasasaktan sa isang relasyon?

Wala dapat nasasaktan sa isang relasyon. Sa pagmamahalan, wala dapat talagang masasaktan o nasasaktan o sinaktan. Hindi siya automatic na pagnagmahal ka, may masasaktan talaga. Pero maghanda ka nalang din.

Kaya lang naman may nasasaktan dahil sa selos, galit, atbp.

Imagine-in niyo nalang kunyari, na sa isang bahay nalang kayo. Okay naman ang pamumuhay niyo dalawa. Hindi ka nagseselos dahil wala kang pagseselosan. Hindi ka magagalit kung walang rason. Diba? Walang masasaktan. Kung buo naman tiwala mo sa kanya…at syempre, dapat nagsasabi din siya ng totoo, edi walang problema. Walang titibag sa isang relasyong solid.

Kaya kung magmamahal ka, dapat sure na. Hindi yung sasagot/sasagutin ka kaagad.

Wednesday, August 3, 2011

Hangga't hindi ka nasasaktan, hindi mo masasabing totoong nagmamahal ka.

Alam nating napaka-komplikado ng pag-ibig. Ang hirap ipaliwanag, ang hirap minsan ipadama, ang hirap minsan intindihin. Pero sa kabila ng mga paghihirap, dun mo mararanasan ang sarap nito. Inaamin kong hindi ako eksperto sa pag-ibig, pero dumaan na din ako sa tinatawag nating pagiging “heartbroken”, kaya nasasabi ko ang mga bagay na ito.

Ang pag-ibig ay parang pag-aaral ng skateboarding. Hindi ka matututo hangga’t hindi ka nagkakamali. Minsan nahuhulog ka sa skateboard, minsan nakakatama ka sa kung saan, minsan nagkakasugat. Ganyan din kapag nagmamahal ka, hindi ba?

Pero tuwing masasaktan ka, tandaan mo, na ang bawat pagkakamali at bawat sugat na matatamo ay siya ring magpapalakas sayo. Nasa sayo na yan kung anong klaseng lakas ang magiging epekto nito sayo. Pero maniwala ka man o hindi, pinapatatag ka nito bilang isang tao.

Oo, masasaktan ka kapag nagmamahal ka. Natural lang yan. Parte na yan ng buhay. Ang dapat mo na lang gawin ay lakasan ang iyong loob at harapin ang mga pagsubok nito. Wag kang sumuko, pilitin mong matuto.