Pages

Saturday, November 26, 2011

Para sa kanya..

Ano kaya ang mangyayari sa akin sa mga susunod na taon? Kailangan ko lang namang maging Engineer. After non? Gusto ko muna mag work sa isang company or firm tapos mag masters din ako. Gusto ko din pag sabayin ang pagtuturo at pagtatrabaho (weh? gusto ko lang try mag turo) hahaha.. Ang dami ko kasing balak na mangyari sa buhay ko. Gusto ko pumunta sa iba’t ibang lugar. Gusto ko libutin at magbakasyon kasama si Phiwee.

Sabi ko pa sa kanya, aanhin mo lahat ng magiging success sa buhay kung wala naman ako sayo para uwian mo? Isa din ‘yun sa mga na realize ko nung nag aaral ako. ‘Wag na ‘wag ko daw isasara ang puso ko sa pagma-mahal kahit nagaaral pa lang ako. Madalas kasi sabihin ng mga matatanda sa atin na unahin muna ang pag-aaral bago ang pag ibig. Tama nga naman sila doon pero wala naman akong nakikitang masama kung pagsasabayin mo ‘yung dalawa, siyempre dapat marunong ka mag balanse. Meron kasing mga tao na career first before anything.

‘Yung mga tipong ayaw ma in love hanggat di pa sila nagiging successful. ‘Di naman sa hinuhusgahan ko ‘yung desisyon nila. Buhay nila ‘yun at wala ako sa lugar para sabihin ko sa kanila kung ano ang dapat nilang gawin o hindi. Pero na realize ko lang na aanhin ko nga ang success kung wala naman akong taong pagaalayan ng lahat ng ‘to? Sige, given na para nga sa pamilya natin ang lahat ng ginagawa natin pero naisip mo ba na kailangan ding dumating sa point na may sarili ka ng pamilyang uuwian?

Siyempre ‘yung iba sasabihin “MAY TAMANG ORAS PARA DIYAN”. Oo meron nga, pero paano kung nasanay ka na mag isa? Ang lungkot lang noon. Sabi ko nga sa sarili ko, kahit ma delay pa ‘yung success ko sa buhay basta kasama ko si Phiwee. ‘Di ko kailangan ng sobrang achievement sa buhay. Baliwala din naman kasi lahat ng ‘yun kung hindi ko kasama ang taong mahal ko. Gusto ko kasi si Phiwee na talaga, ayoko na sa iba. Hindi ko na nga nakikita ‘yung sarili ko na magkakaroon pa ako ng ibang karelasyon. Okay na ako. Kuntento na ako sa kanya, wala na din naman akong hahanapin pa.

Sana lang talaga matupad ko lahat ng pangarap ko hindi lang para sa sarili at pamilya ko kung hindi para na din sa amin ni Phiwee. Kahit ano mang mangyari sa akin sa mga susunod na taon; mahirap man o masaya, basta alam kong kasama ko si Phiwee at nandun pa din ‘yung pagmamahal namin sa isa’t isa, hindi ako susuko.

Thursday, November 24, 2011

Maraming tanong na hindi malaman laman ang sagot.

  • Eh yung salitang AALIS na AKO. Kelan ka aalis? Kapag late ka na? Kapag andun na mga kasama mo? Gusto mo ba yung hinihintay ka nila? Tapos pinag uusapan ka nila na pa importante ka? Huwag ganun.
  • Eh yung salitang PATAWAD? Hanggang kailan ka maniniwala? Eh kung paulit ulit naman niyang ginagawa? Kapag sobrang naging tanga ka na sa kanya? Tska mo malalaman na pinagtritripan at niloloko ka na pala.
  • Eh ano ibig sabihin ng HINDI NA UULITIN tapos INULIT ULI? Hindi ba paulit-ulit ka lang na ginagago ng taong mahal mo? Kelan ka matututo? Kelan mo aalisin ang pagka martyr? Hirap sayo, sinaktan ka na eh sige ka pa.
  • Eh yung salitang Mahal kita? Kelan mo masasabi sa taong gusto mo yun? Kapag meron na bagong nanliligaw sa kanya? Sa tagal mong binakuran yan eh hahayaan mo lang mapikot ng iba?
  • Yung salitang move on kaya? Hanggang kelan? Saan ka titigil? Kapag masaya ka na? O kapag nagkaroon na siya ng iba? O kapag natanggap mo na wala na kayo talaga?
  • Eh yung salitang BALANG ARAW? Kailan kaya yung araw na yun kapag sinabi yun? Bukas? Sa isang buwan? Taon? Dekada? Susunod na pagkabuhay kung kelan naging ipis ka na? Maraming pwedeng paglagyan ng salitang balang araw.
  • Eh yung salitang Bahala na? Sino na naman ang gagawa niyan? Si Batman na lang na laging tinatapunan ng bahala? Siguro nagtatampo ngayon si Batman, dahil sa hindi man lang naipaglaban ng tao yung ipinaglalaban niya at iniwan na lang ang problema na ito sa kanya.

Saturday, November 19, 2011

Kasintahan

Ang pag tingin ko sa iyo'y wagas
Kahit saan ika'y ililigtas
Aplas sa'kin ng 'yong mga kamay
Kasing lambot ng ulap na kumakaway
Nagkakawat sa aking isipan
Busilak na iyong katauhan
Hindi ko maiwasang tumingin
Sa'yong matang may tulis ng bituin

Hinihiling ko sa may kapal
Na ika'y maging kasintahan
Kahit saan ika'y aking papakasalan

Sa'yo lang ako, saksi ang mundo
Sana'y mabatid na ito'y totoo
Huwag kang mangamba aking sinta
Lahat nang ito'y para sating dalawa

Sa t'wing naka ngiti ang 'yong labi
Damdamin ko'y nawawala ang hapdi
Ang kutis mong liwanag sa gabi
Animo'y perlas ng bahag-hari

Sa'yo lang ako, saksi ang mundo
Sana'y mabatid na ito'y totoo
Huwag kang mangamba aking sinta
Lahat nang ito'y para sating dalawa

Wednesday, November 16, 2011

Panlabas na anyo lang 'yan

Para sa akin hindi importrante kung hindi ganong kagandahan o kagwapuhan ang isang tao. Kung baga sabi nga nila aanhin mo naman ‘yun kung wala kang magandang ugali di ba? Aanhin mo ang magandang hitsura kung wala ka namang pinagaralan umasta o sabihin nanating low-IQ. 

Useless lahat ng ‘yan, kung baga eh pang front ka lang hanggang pa pogi o nag mamaganda lang. Napansin ko lang kasi sa ibang tao na hindi sila satisfied sa mga hitsura nila. Lagi nilang sinasabi na sana maganda / gwapo din ako, para naman may magkagusto sa akin o kaya naman para hindi ako nahihiyang humarap sa tao. Ang baba ng tingin nila sa sarili nila. Eh ano naman kung di ka nga kagandahan o kagwapuhan? Kung meron ka namang magandang puso, at matalino ka, sapat na ‘yun para maging proud ka sa sarili mo.

Isa pa, basta ba magaling ka manamit or kahit di ka ganong kagaling at least malinis ka manamit, mabango ka at kaaya-aya sa paningin. Presentable ka, at sa kahit na sinong tao ka ipakilala, taas noo kang haharap sa kanila. 

Hindi naman kasi importante na dapat maputi ka maganda ka o gwapo ka, basta kaya mong iharap ang sarili mo sa ibang tao sapat na ‘yun. Kaya wag kang mahihiya, ipagmalaki mo kung sino ka, dahil wala kang katulad. Hanggat wala kang ginagawang masama o natatapakang ibang tao, wala ka dapat ikahiya maging ano man ang hitsura mo

Sunday, November 13, 2011

Buhay na puno ng Eksperimento

Ang buhay ay maaring madaan sa isang simpleng eksplanasyon na hindi na kailangan pang pahabain upang lubos na maintindihan. Isang simpleng parirala o pangungusap na madaling maintindihan. Para sa akin, ang buhay ay isang eksperimento. Saan? Sa ating sariling pagkatao. Eksperimento upang maunawaan natin kung ano ang mga bagay na kailangan nating pahalagahan at kung ano ang kailangang bitiwan gamit ang ating sariling utak at desisyon. Sa mundong ito, masasabi natin na lahat ay mahalaga. Pero, ano nga ba talaga ang buhay ng isang tao, ordinaryo man o hindi, mayaman man o mahirap.

Sa buhay ng tao, marami ang nararanasang problema, mga unos na dapat nating paglabanan. Ang mga pagsubok na ibinigay sa atin ng Diyos, na kailangan nating lampasan, na siya din namang nagpapalakas sa katatagan at pagkatao ng isang nilalang.

Marami nang kakaiba sa mundo ngayon. Maraming wirdo. Maraming mahirap intindihin. maraming mga taliwas sa nakikita at sa hindi. Maraming mga bagay na iba-iba ngunit kapag ating sinuri ay pareho lamang pala. Maraming akala mo ay totoo. Maraming totoo na mukha namang hindi. Marami kang makikitang hindi kapanipaniwala.

Oo, ang mundo, kung ating titingnan ay magulo, pero kung nanamnamin natin, tatanggapin, masaya naman talaga. Marami ang nagpapasaya sa iyo. Marami kang nakikitang nagugustuhan mo. Hindi man natin maintindihan ang ibang bagay alam mong ang mundo’y sadyang puno ng kulay.

Tulad ko, na minsan nang dumaan sa panahong gulong-gulo. Ayoko na, pero ginagawa ko. Masaya pero lumuluha. Nasasaktan pero laging nariyan. Matamlay pero laging nakaagapay. Ayaw maniwala pero sumusuporta. Malungkot pero nakangiti. Kontento pero kulang. Buhay pero tila walang bukas.

Natural siguro sa isang tao na dumaan sa buhay na naguguluhan ka sa katotohanan. Pagdaraanan at pagdaraanan ang kakaibang hanap sa tunay na pagkatao. Totoo ngang mahirap ang mga oras na ganito ngunit ang mahalaga matatag ang iyong paniniwala at alam mo ang lugar mo sa mundo. Hindi ka man maintindihan ng nakakarami ngunit alam mong may isang hindi ka iiwan, malimutan mo man minsan ang iyong sarili, babalik ka rin sa iyong pinanggalingan. Bagay na minsan ay labag sa iyong kalooban ngunit yan ang katotohanang na dapat isa loob mo dahil minsan bukod kay Bro, sarili mo lang ang tanging magiging kakampi at tagapagtanggol mo. At iyan ang buhay na puno ng eksperimento

Saturday, November 12, 2011

How to have a Relationship that Lasts:

wala sa mga ididiscuss ko ang mga tips, do’s and dont’s na gagawin ng mag nobyo’t mag nobya dahil kung irerely mo ang strength mo through human nature, trust me it’s never gonna work out.

First and the most important key that i wanna mention here is, building a relationship that is Godly centered. it might sound boring but really it doesn’t take 2 for a relationship to last it takes three. and thats between you, your partner and God.

I’ts important to trust one another it’s the greatest proof of love. hindi mo pwedeng sabihing may tiwala ka sa tao pero you would bombard his/her emails, text messages, facebook etc. cause really kung mahal ka ng partner mo he/she wouldn’t do bad things on you that’s why it’s important to be a God fearing person cause he/she will be mature enough to deal with things. and yes, privacy is important.

Healthy relationships have miscommunications, of course! package yun kumabaga you can’t love with happiness alone kasama dyan ang trials and problems but it all depends kung paano nyo ito idedeal.

how? in Bibles James 1:19 says Everyone should be quick to listen, slow to speak and slow to become angry. exactly, when arguments came, yung moment na talagang gusto mo ng sumigaw at pagbuhatan ng kamay yung partner mo come to think of this verse, calm down.

Ayan! na share ko na ang insight ko, i think this is the mature way to have a relationship that lasts at hindi yung mga nangaling lang sa knowledge ng mga tao. again, we should always put God in it.

Salamat,

Amanda

Friday, November 11, 2011

Takot mag Pasko mag-isa.

Maraming tao na naman ang namromroblema dahil darating na naman daw ang pasko na malamig sa kanila, pagkatapos nilang tirikan ng kandila noong nobyembre a uno eh ito namang pasko eh gusto atang tarakan ng Christmas lights ang kanilang mga puso para naman daw magka-ilaw ito.

Bakit nga kaya naging tradisyon ng ibang tao ang maghabol ng relasyon kapag mga ganitong araw? Dahil ba ito eh pagbibigay ng pagmamahalan? O kaya naman gustong i celebrate ang pasko na mas special? O mang huthot ng regalo sa nobyo? Pwede pwede diba?

Syempre mag babagong taon, bagong taon ng bagong buhay, bagong taon ng bagong ligaya, bagong taon na puno ng pangako, tapos darating ang araw na manlalamig na ulit sa isat-isa tapos mawawalan ulit ng nobyo tapos maaring magkabalikan ulit sa araw ng mga puso.

Ganyan yan eh, ganun kalupet, ganun katindi ang mga kabataan ngayon. Ano nga ba naman magagawa mo? Kesa iputok mo ng butsi yung kakulitan na ginagawa nila, eh bakit hindi ka nga rin naman maghanap tulad nila diba? At least sila na eenjoy ang buhay na maraming minamahal, kung kaya naman nilang sumaya ulit pagkatapos ng matinding problema, anong masama dun hindi ba?

Wednesday, November 9, 2011

This is an entry about love and I wrote it all by myself.

Commercial muna (wala ma isap na pamagat, dahil pinapa tulog na ako ng mahal ko inay,my pasok pa daw ako)
tara game simulan na natin!

Bakit maraming hindi naayos na on-the-rocks na relasyon? ‘Yung tipong natutuluyan nang matapos.

Dahil ‘yan sa kakulangan niyo ng lakas umamin sa isa’t-isa. Kagaya na lang ng mga babaeng ang hilig gawing puzzled ang mga lalaki at mga lalaking ayaw ma-puzzle at nasasaktan din kaya hindi nagagawang ma-trace ang nais ipahiwatig na paglalambing ng mga babae.

Bukod sa gasgas na pagbibitiw ng desisyon sa isang temporary na damdamin eh isa pa sigurong dahilan ang masyadong pag-hangad ng idealistic na relasyon. Kung gusto mo ng ganun, isipin mo ng maiigi.. ni hindi mo nga alam kung anong nangyayari sa mga Happily ever after mong fancy, ‘di ba? Kung mga artista ngang akala mo perfect for each other na naghihiwalay pa eh.

Kung gusto mong magtagal, ipaglaban mo. Kung ayaw na nung isa, bitawan mo pansamantala. Kung napagtanto mong walang patutunguhan, pansamatagalan mong bitawan. If there’s a will, there’s a way!

Ang mga noypi pagdating sa concerts

Basta kung ano lang ang sikat na kanta, 'yun ang siguradong kayang sabayan ng mga Pinoy pagdating sa concerts. Kung ano 'yung pumasok sa charts, kung ano 'yung napatugtog sa radyo at napalabas sa Myx, kung ano 'yung nauso at naging hit. Hindi tayo kagaya ng ibang lahi na pagka may nag-concert na foreign o mapa-lokal man, kabisado talaga nila MOST of the songs at hindi 'yung na-mainstream at over-played lang. Napapansin ko lang din kasi sa mga DVD ng concert ng ganto-ganyang banda na nag-to-tour around the world eh kabisado talaga ng mga audience 'yung kanta nung pinuntahan nilang artist. Nakakatuwa.

Hindi ko naman nilalahat ang mga Pinoy, alam kong meron pa ring faithful sa pagbili ng mga album/pag-download ng mga kanta at nagkakaron ng time para pakinggan ang bawat kanta nito, i-kritiko o i-appreciate at hindi basta i-skip lang ng i-skip kasi hindi nila alam at hindi sila interesado kasi hindi ito famous.

Ang isa pang nakakalungkot eh nakakabisado lang ng mga tao ang mga kanta pagka disbanded na o wala na o retired na ang mga artist/s. Ano pa kayang silbi nun? Well, siguro dun papasok 'yung better late than never. Kaya siguro pumupunta na lang dito karamihan ng mga musicians kapag marami na silang baong hits o kundiman pagka may mga edad na sila. Ang awkward lang din naman kasi, isa lang 'yung hit mo pagtapos 'yun lang din ang alam sabayan ng audience race mo. Mas nakakatuwang bumalik kung talagang inembrace nila ang music mo 'di ba? 'Yan ang hirap 'pagka nagsesettle na lang tayo sa medisina ng mainstream

Jokebox songs.

Temang baduy, makaluma, napaglipasan at masyadong madrama. Maraming negatibong impresyon ang kabataan sa mga kanta nina Claire Dela Fuente, Imelda Papin, Freddie Aguilar, ‘Yung kumanta ng “Napakasakit Kuya Eddie” tapos ‘yung “Bawal na gamot” at marami pang iba. Madalas ipang-joke time ‘tong mga ‘to at palit-palitan ang lyrics.

Siguro ‘yung tono o music lang ‘yung palya. Nag-iiba rin naman kasi ang taste ng bawat tao as time goes by, as it flies by. Kung dati, uso ‘yung mga ganun.. ngayon uso na ‘yung tsug-tsuku-pak na R&B tapos mga love songs na ni-revive lang naman nila nung 80’s at 90’s sa kapwa-OPM artist o sa forenjer na icon.

Actually, ‘yung lyrics nung mga kanta ng jukebox songs eh makatotohanan. In a sense na nagaganap talaga ‘yun sa totoong buhay, madaling makita lalo na sa henerasyon natin. Kagaya na lang nung Isang Linggong Pag-ibig na uso sa mga teenager na mapusok ngayon. ‘Yung bawal na gamot na halata mo namang pwedeng theme song ng mga Shabu addict, Chongke at Rugby Boys. ‘Yung kwento nung OFW sa napakasakit kuya Eddie.. ang daming ganun ngayon, mas dumami na rin kasi ang nagbabakasakali ng buhay sa ibang bansa pero ‘yung mga naiwan nila dito eh napapariwara. Ang pinaka-hindi nawala sa uso eh ‘yung Tukso dahil napakaraming nagkalat na polygamous ngayon.

Playlist ata ng kapit-bahay namin ‘tong mga nakasaad na kanta dito. Jukebox-an na!

Date a guy who.. Love a girl who.. Doctor who..

Sorry pero hindi ko talaga gaanong trip ‘yung mga ganyan. Feeling ko kasi dinidiktahan ako kahit hindi naman. Para bang saleslady na ino-offer ang isang magandang heels pero ang gusto ko talaga ay rubber shoes. Siguro ‘yung iba nakaka-relate dahil sila ay “A guy who../A girl who..” pero parang ang labo lang naman kasi noon.

Kahit pa anong biling ng utak mo, pag tinamaan ka ng magaling, hindi ka na titingin if “A guy..” or “A girl..” ‘Pag mahal mo, mahal mo. ‘Pagka gusto mong i-date, ide-date mo. Kahit pa si Piolo Pascual ‘yan kung ang trip mo naman eh ang mga gaya ni Ely Buendia hindi ka pa rin mabebentahan ng ideya.

Bawat tao ay may kanya-kanyang magugustuhan at mamahalin. Hindi dapat lagyan ng kategorya. Meron na ngang gwapo, maganda, matso, seksi, matalino, bobo, tanga, inutil dadagdagan niyo pa. Para lang ‘yang TUNAY NA LALAKE AT TUNAY NA BABAE. Lahat may say.

Sunday, November 6, 2011

Pwede mo akong palitan pero siguraduhin mong mas mahal mo siya sakin. Pwede mo akong iwan pero siguraduhin mong kaya mo. Kasi pag ako sobrang nasaktan, wala ka nang babalikan.
-MandaPanda 

Saturday, November 5, 2011

Umiiyak ang isang tao dahil

  • Kailangan niya ito - ang tinutukoy ko dito ay ang mga artista, umiiyak sila para kumita ng pera, kailangan nila umiyak para umarte at magustuhan ng tao sa mga telebisyon. 
  • Napamahal ang tao sa kanya - ito yung mga taong nagmahal at nasaktan, ito yung mga taong iniwan, pwede rin namang nangiwan. Basta kapag may taong nawala sa buhay nila. Namatayan, nawalan, at kahit ano pang dahilan ng pagkawala. 
  • Nasugatan ito - sa mga bata, kailangan ng pag-aaruga, kailangan ng kalinga, kaya nga kapag nadadapa ang bata tumatayo agad ito at tska lang iiyak hindi ba? Parang ganun din ang mga taong nasa edad natin ngayon, mga 16 to 20+ nagiging bata sila kapag nagmamahal, nasusugatan sila, hindi man ang kanilang tuhod,kamay,siko kundi ang puso nilang sinugatan. 
  • Takot - takot na mawala ang isang tao, takot baka bumagsak ang grade, takot dahil may kasalanan, takot dahil nagsinungaling. Kapag naghalo-halo ang problema biglang babagsak ang mga luha. 
  • Masaya - hindi porket umiyak ang isang tao eh malungkot na ito, minsan sa sobrang saya nito o kaya naman sa sobrang natanggap na sorpresa eh hindi sapat ang mga ngiti kaya napaiyak ang mga ito. Tears of Joy Ika nga, minsan lang mangyari sa buhay ng tao ito. Kaya ito yung mga luha na hindi makakalimutan.