Pages

Saturday, March 10, 2012

Yung taong naging dahilan ng pagngiti mo pagkagising sa umaga, ay naging dahilan rin ng pag-iyak mo sa gabi.

Kapag tayo ay nahulog sa isang tao ng sobra-sobra, tila para tayong lumulutang sa mga ulap. Pero kapag nawala naman ito satin, para ka ring bumagsak sa lupa mula sa ulap na iyon. Hindi nga naman perpekto ang lahat ng bagay sa mundo, hindi nga naman natin pwedeng makuha ang lahat ng ating ginugusto. Pero hindi ibig sabihin, na hindi na tayo sasaya dahil dito. Dahil kung nawala man satin ang taong minahal natin, siguro, hindi sila para satin. Siguro, hindi pa ngayon. O kaya naman, siguro, may ibang taong nakalaan talaga para satin. Walang nakakaalam kung sino, o kung kelan, o kung nasaan sila. Darating nalang bigla ng hindi natin namamalayan.

Kaya kung ngayon ay iniisip mo na sinayang mo ang lahat ng luhang iniyak mo ng ilang gabi, nagkakamali ka. Bawat luha, binigyan mo ng halaga. Bawat luha, may kapalit na mga ngiti. Hindi mo man makita pa ngayon ang taong para sayo, darating at darating yan. Matuto ka lang maghintay