Pages

Saturday, June 2, 2012

We've got 1 life to live kaya ITODO mo na!

Our life is the greatest gift from God.

Lahat tayo blessed kse nagkaron tayo ng opportunity na mabuhay sa mundong to. We are so blessed :)
  • Gawin mo na ung mga bagay na nagpapasaya sayo.
  • Humingi ka ng tawad sa mga nasaktan mo.
  • Forgive.
  • Kung may oras ka, magbonding kayo ng mga kaibigan mo.
  • Tell your loved ones that you love them.
  • Kainin mo lahat ng pagkain na gusto mo.
  • Kung mahal mo ang isang tao, ipakita mo, iparamdam mo, pahalagahan mo.
  • Wag laging magdahilan kapag may lakad ang mga kaibigan. Gumawa ng paraan.
  • Kung ano ung mga bagay na magpapasaya sayo. Go!
  • Kung kaya mo pang itama lahat ng pagkakamali mo, gawin mo.
Isa sa mga principle ko sa buhay ay maikli lang ang buhay eh, hindi ko hawak ung buhay ko, malay mo bukas, o mamaya, mawala na lang ako, mahirap kse ung magsisi sa bandang huli eh.
Lagi kong tinatatak sa utak ko, na kelangan ienjoy ko na ung buhay na meron ako, gagawin ko na lahat, papahalagahan ko na ang dapat pahalagahan, mamahalin ko na ung dapat kong mahalin, i always thank God paggising ko palang sa umaga. Masarap mabuhay.
Hindi tayo tulad ng pusa na may 9 na buhay tulad ng sinasabi ng iba. May isang buhay lang tayo, kaya ITODO NA NATIN =))

Bago ka mkipaghiwalay..

Kumuha ka ng papel.

Isulat mo ung mga positibo at negatibo tungkol sa partner mo. Yung mga good times and bad times na kasama mo ang partner mo. Kung mas marami ang good times, and positive sides, HOLD ON. Pero kung marami ang negative sides and bad times, LET GO.

Girls, wag masyado padala sa emosyon.

Alam ko at ramdam ko kayo na masyado kayong emotional, pero ayun hinay hinay lang talaga sa mga pagpopost ng status sa fb,
  • ung tipong galit kayo, ipopost nio na,
  • kapag nagaway kayo ng bf mo, ipopost mo na. 
Madalas kseng nakikita ko sa news feed yung mga babaeng paparinggan ung bf nila, tapos aaway awayin sa status, tapos ioopen pa problema nila.  

Ayaw na ayaw ng lalaki ung ganyan. Kse syempre ang lalabas na kaawa awa ay yung babae, tapos kontrabida si lalake. Karamihan sa lalake gusto ng privacy.

Kung may problema kayo, magusap kayo in private not in facebook =)
"Hindi mo masasabi kung kelan siya mawawala sayo, mahalin mo siya na parang huling hininga na ng buhay mo."

Bilib ako sa mga taong pumapasok sa Long Distance Relationship.

  • Ung kahit na nahihirapan at nasasaktan na sila ng sobra, patuloy pa rin silang naghihintay at lumalaban.
  • Yung kahit na may choice sila na iwan na yung taong yun kse malayo ung taong mahal nila, hindi pa rin nila ginagawa kse mahal niya at mas masasaktan siya kapag nawala ung taong yun.
  • Yung naappreciate na nila ung malililiit na bagay para sa ibang tao pero napakalaking bagay na para saknila katulad na lang na makita lang nila sa webcam masaya na sila, buo na araw nila, ung makausap lang nila, masaya na sila.
  • Yung kahit na maraming taong nakapalibot sknila, na mas better pa sa taong napalayo sknila, but still, hindi pa rin nila magawang lokohin ung mga karelasyon nila.
  • Yung halos mabaliw na sila dahil sa sobrang pagkamiss, iiyak lang sila tapos lalaban ulit.
  • Yung mga taong handang maghintay kahit gaano katagal.
  • Yung mga taong pinipilit na ipaglaban ung relasyon sa kabila ng distansya.
  • Yung mga taong pinipilit maging matatag sa kabila ng hirap at sakit.
  • Yung natitiis nila na kahit walang physical contact, walang yakap, walang lambing, basta malambing na sa webcam okay na sila.
  • Yung nagtitiwala pa rin sila kse hindi nila nakakasama. Hindi biro ang ganitong relasyon. Yung mga taong involve sa isang LDR, sila ung mga taong naniniwala na magwowork sa kabila ng milya milyang distansya.Alam ko kung gaano kahirap at gaano kasakit. Kaya bilib ako sa mga taong sumusugal sa ganitong relasyon