Pages

Monday, May 28, 2012

Para sa College Freshmen

‘Yung mga ganitong tanong, dapat ‘di tinatanong sa’kin dahil kahit ako mismo, ‘di mabuting estudyante. Pero since uso iainanong , ‘di ka makakaexpect sa’kin ng magandang sagot. mga paraan ng pagiging freshman o pagiging college student dahil pwede ‘to i-apply sa lahat ng level. O pati siguro sa mga highschool students. So parang tip nalang ‘to sa pagaaral.
  • Kung ayaw mong ma-late, ‘wag kang pumasok. ’Yung tipong sobrang late ka na’t alam mong wala ka nang aabutan… Kahit magmadali ka, late ka parin 
  • Maging waterbender. Sanayin ang sarili ‘pag tag-ulan. Ngayong college student ka na, kahit magka-bagyo o ikamamatay mo, papapasukin ka parin. Lahat naman tayo mamamatay. 
  • Bakit gano’n, lahat daw tayo may papel sa mundo? Tuwing exam lang nawawalan… Dapat laging may papel ka sa bag mo dahil mahilig mangsurprise ‘yung mga depugang prof na ‘yan. Kahit first week palang. Depende. Pero dapat handa ka na.
  • Go Team! Kaya ka may kaklase para may makakatulong sa’yo. Pwede kang magpaturo sa kanila tapos, bawian mo sila. Kung may project ka, bayaran mo sila. Pero kapag may exam, kumopya ka. [Bahala ka sa buhay mo] Wala pa naman atang nag graduate na hindi pa nangongopya sa buong buhay niya. Hindi niyo kasalanan kung nasabihan kayo ng pare-parehas ‘yung sagot niyo. Pare-parehas din naman mga tanong. Diskarte nalang.
  • Magpasalamat sa “Buti nalang”. Ok lang kahit hindi ikaw ‘yung may pinakamataas na grade. Hindi naman kailangang ikaw ‘yung magna o suma. Pero kung gusto mo, why not? Pero ok na ‘yung tipong 80 ka or 90 o kahit pasang awa lang na basta, pasado. Ang importante, wala kang bagsak para ‘di ka mahuli o irreg. Hindi naman din grades ang batayan ng pagiging matalino sa tunay na buhay. Pero kung may bagsak ka, edi next time. Gawin mo nalang ‘yung mga ginawa mo “sana” sa susunod.
  • Mag-aral ng mabuti. Ito actually ang pinakaimportante sa lahat. Self explanatory. ‘Di mo na kailangang mangopya. Wala ka nang po-problemahin. Hindi mo naman kailangang mag-club gabi gabi o maghanap ng madaming kaibigan. Kaya ka nga nagcollege, para gumraduate. Para mapadali na ‘yung paghanap mo ng trabaho. Tulungan mo nalang sarili mo.