Pages

Friday, July 29, 2011

Ngayon lang ulit ako nagmahal ng ganito.

Yung tipo na pagkagising mo sa umaga, ngingiti ka kasi naalala mo yung mukha nya at iniisip mong dadating yung araw na pagkagising mo sa umaga, siya na ang katabi mo. Yung tipo na tatawa ka ng mag-isa kahit katext at kausap mo lang siya. Yung tipo na hindi mo siya hinahanap-hanap masyado kahit wala siya kasi alam mong nasa puso mo lang siya. Yung tipo na hindi ka na magiging selosa tulad ng dati kasi malaki tiwala mo sa kanya. Yung tipo na naiimagine mo ang kinabukasan mo sa kanya. Yung aayusan mo siya ng necktie bago siya pumasok sa trabaho. Yung tinititigan mo yung pader tapos maiimagine mo yung family picture nyo na nakasabit sa pader na yun after 10 years.

Diba ang saya?
Kahit sabihin nating di kayo laging magkasama, pero hawak nyo yung puso ng isa’t isa. :”>

Yung pakiramdam na umiiyak yung lalake sa harap mo?


Sa mga oras na yun, hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Pero ang alam ko, umiiyak siya ng dahil sa akin. Sa mga oras na nag-aaway kami, ramdam ko ang pagmamahal nya para sa akin. Ramdam ko ang mga bagay na matagal na nyang sinasabi sa akin. Ramdam kong totoo ang salitang “I love you” at “Hindi kita kayang iwan.”.

For the record, ngayon lang ako nakaranas ng ganito. Ang iyakan ka mismo sa harap mo ng taong mahal mo. Oo, naiyakan na ako sa harap ko minsan, pero galing sa taong di ko naman gusto. Iba pala talaga ang feeling kung taong mahal mo na. Masakit, masaya, masarap sa pakiramdam, nakaka-guilty at nakakaiyak. Mixed emotions kumbaga.

sa bawat pagpatak ng luha nya, pupunasan mo kasabay din ng pagpatak ng luha mo. Iniintindi ang bawat salita nya. Iniintindi ang bawat hinaing nya. Iniintindi lahat ng nararamdaman nya. Masakit isipin kasi napaiyak mo siya. Masaya kasi iniiyakan ka nya. Masarap sa pakiramdam kasi ramdam mo na totoo siya. Nakaka-guilty kasi ikaw ang dahilan at nakakaiyak kasi mahal mo yung tao at ramdam mo ang sakit na nararamdaman nya.
Minsan ka lang magkakaroon ng lalakeng iiyak sa harap mo. Minsan ka lang makakakita ng lalakeng hindi mataas ang pride at hinding hindi ka iiwan. Kumbaga, limited edition na yung mga ganyang tipo. Kaya kung nandyan na mismo sa’yo. Bibitawan mo pa ba? Kung alam mo ng sa piling nya, dun ka lang makakaramdam ng tunay na saya?

Tuesday, July 26, 2011

BAKA SAKALING TUMAMA AKO!

Madalas na sinabi ng mga pinoy sa tuwing tataya sa mga instant yaman promo. Kahit sa simpleng raffle ay gusto nilang manalo (sino nga namang ayaw?). Kaya siguro may mga ganitong ugali ang mga pinoy dahil gusto nila ng ginhawa, sa tagal ba naman ng Pilipinas na nakakaranas ng hirap, sino ba namang ayaw makaranas ng ginhawa?
Mga libangan na nakikita ng mga pinoy bilang simbolo ng pag-unlad at pag-ahon sa hirap…
  • Lotto - pinakasikat na sugal na maituturing. Ito ang pinakapatok na sugal sa Pilipinas. May iba’t ibang section ito, 6/35, 6/40, 6/45, 6/49, 6/55. Nakapagtataka pa ba na marami ang pumipila at naghahantay dito ng pagkatagal-tagal kung ang premyo ay higit pa sa yaman ng isang presidente? Siguro nga isang instant kaswertehan dapat ang makuha mo bago mo makuha ang isang instant premyo. Kapag nanalo ka naman dito ay instant delikado rin ang buhay mo dahil tyak hahantingin ka ng mga masasamang loob. Pati mga kamag-anak mo, hahantingin ka din. 
  • Jueteng - kinahuhumalingan noong panahon ni pangulang ERAP. Ito ang sugal na ilegal sa bansa natin. Hindi ito pinapayagan, di ko alam kung bakit. Hanggang ngayon ay hindi pa rin namamatay ang kultura ng Jueteng. Maliit lang kase ang presyo ng itatatya mo pero kapag nanalo ka e ang laki ng mapapanalunan mo. At alam mo ba kung bakit hindi matigil-tigil ito? Anak ng Jueteng kase ‘yang sila Juan, gusto umunlad ng biglaan.
  • Sweepstakes - ‘di tulad sa lotto, makikita mo na agad ang resulta nito. Bibili ka ng card (sweepstakes card) sa halagang 20-100 piso tapos kailangan may extra piso ka pa para mag-scratch. Parang tanga ka lang dun nagi-scratch tapos di ka naman mananalo dahil mahirap manalo dito. Sa lahat naman mahirap e. Swertihan lang din ang pagkapanalo dito.
  • Karera ng Kabayo - mula sa paghahanda, hanggang sa katapusan. Nakatutok ang mga dilat na mata ng isang mananaya sa karera ng kabayo. Hindi maiiwasan ang tensyon dahil malakihan ang taya dito at kapag tumama ka e solid boy! Minsan ay bigla nalang sisigaw ‘yung nakataya na “P*tngina! Bilisan mo, matatalo ‘yung pangbigas ko!”. 
  • Sabong - mula sa pagkokondisyon ng manok hanggang sa paglaban, nakatutok ang amo at ang mga fans nito. Malakihang tayaan din ang nangyayari sa sugal na ito. Paglalabanin ang dalawang manok hanggang sa may tumakbo o may mamatay na isa. 1,000-80,000 piso ang tayaan dito (pinagsama-sama na ang lahat ng taya). 
Sa kulturang ibinigay at ipinamana sa atin ng mga espanyol ay naiwan ang kaugaliang pagsusugal. At hanggang ngayon ay hindi pa rin ito natatanggal. Hindi naman masama magbaka sakali na bigla kang yumaman pero lagi mo lang tandaan na “Lahat ng bagay ay pinaghihirapan”.

Monday, July 25, 2011

Grabe talaga ang kontribusyon ng malamig na panahon sa katamaran

  • Ang hirap gumising at bumangon sa kama,
  • Nakakatamad maligo,
  • Nakakatamad pumasok o magtrabaho,
  • Halos sa lahat ng bagay tinatamad ka na,
Ngunit andami ring bagay ang masarap gawin tuwing malamig ang panahon.
  • Uminom ng mainit na kape, o tsokolate,
  • Magyakapan
  • Minsan nakakagawa pa ito ng “sweet moments” (Halimbawa yung mga napapanood mo sa pelikula, na dalawang tao sumilong sa ilalim ng puno dahil inabutan ng ulan, etc.)

Friday, July 22, 2011

Palamigin muna ang ulo.

Sa isang relasyon, hindi maiiwasan ang away. Merong nagpapataasan ng pride, meron ding nagpaparaya. Kapag hindi na makayanan ang hidwaan, huwag niyong idaan sa santong paspasan. May iba kasing gusto na oramismo makuha ang gusto nila kaya madalas, umiinit ang ulo ng dalawa. At kapag parehas na mainit ang ulo ng dalawang nag-aaway, naku, mahirap itong ayusin. Pataasan ng pride, ng boses. Pababaan ng pasensya, lahat ng bagay, big deal na.

Kaya mas nararapat nang pakalmahin niyo muna ang inyong sarili. Kung pwede, wala munang magsasalita, wag niyo munang kausapin ang isa’t isa, hanggang may isa sainyong naglakas-loob na lunukin ang pride niya at handang mamansin. Kapag nagawa niyo ito, mas malaki na ang pagkakataon na maayos niyo ang problema. Tandaan niyong sa isang matinong usapan lamang magkakalinawan ang dalawang taong nagkakalabuan.

Minsan, bigyan niyo naman ng “space” ang isa’t isa para makapag-isip. Kapag nag-aaway kasi, kung ano ano nalang ang nasasabi, madalas, hindi na nakakapag-isip ng maayos. Basta may masabi lang, basta may maidepensa lang, basta maipagtanggol lang ang pride. Kaya dapat, huminahon muna kayo. Pag-isipan niyo, hindi ba’t mahal niyo ang isa’t isa? Kaya imbis na magsumbatan kayo, bakit hindi nalang solusyon ang isipin niyo? Kayo lang naman ang mahihirapan. Kayo lang ang masasaktan. dahil na simula ng minahal mo ung taong yan hindi ka na nag iisa my kadamay ka sa bawast oras. aalagaan niyo ang isat isa.

Buhay sa Loob at Labas ng Internet

Marami satin ang sineseryoso kung ano ang nakikita dito sa internet. Lalo na kung blogger ka ng maraming bagay, kunwari ang pagkakaalam ng tao dito sayo eh seryoso ka dahil sa mga seryoso mong mga posts. Pero hindi mo alam na sa personal pala eh kalog na kalog pala ang taong iyon

Minsan nahuhusgahan tayo dito dahil sa mga nasasabi natin, sa mga opinyon na ibinibigay natin na mali sa mata ng iba. Sa oras na mali ang opinyon natin sa mata ng iba mag uumpisa na silang humusga.
Masyado kasi nilang siniseryoso ang mga nakikita nila ng hindi man lang kinikilala yung mga taong nasa likod nito. Minsan nga yung taong masama pa sa internet yung mababait pa sa personal e.
Napakadaling mag sabi ng kasinungalingan sa internet.

Kaya hindi alam ng tao ang tunay na personalidad mo dito sa loob ng internet, hindi kasi nila nakikita yung itsura mo. Walang emosyon, hindi ka nila mahuhulaan kung anong itsura ng mukha mo habang sinasabi yun. Puro sulat lang naman yung nandito e. Hindi ba?

Are TV game shows making Filipino viewers indolent and dumb? Why or why not?

Para sa akin depende ito.
May mga taong patuloy na aasa sa swerte. Tulad ng mga palaro sa mga variety shows. Lalo na sa palabas na Willing Willie. Dito pinapakita sa show na ito kung paano niya pamukha ang pera sa mga tao. Kung gaano niya pinagmumukhang mahirap ang bawat Pilipino.

Maganda ang mga game shows na tulad ng Who wants to be a Millionaire?, Game K N B, The Weakest Link at basta lahat ng Game Shows na may Trivia.

Dahil ito ang mga game shows na may mapupulot kang aral, hindi umaasa sa swerte, mga taong makakatulong sa atin malaman ang mga bagay na hindi natin alam. Hindi tulad sa mga variety game shows. Papahirapan pa ang mga taong mahihirap, patuloy na ipapamukha kung gaano kahalaga ang pera sa kanila.
Hindi na lang nila bigyan ng aral na magsikap para sa susunod hindi na sila pipila ng mahaba, hindi na aasa sa swerte at sila na mismo ang gagawa ng sarili nilang pera.

Wednesday, July 20, 2011

Yung first name ang tawagan niyo ng mahal mo

Minsan, may pagka-sweet din ang ganito. Hindi panay “Baby”, o “Hon”, o “Babe” nalang palagi. Minsan, dito mo rin mararamdaman ang pagka-sincere niya sayo, depende sa tono ng pagsabi niya nito. At depende na rin ito sa pagkakaintindi mo. Kung binanggit niya ang pangalan mo, at sinundan ng “Mahal kita”, ibig sabihin, seryoso nga talaga siya sayo. At bigla ka na lamang kikiligin ng hindi mo maintindihan. Hindi ko alam kung bakit ganyan, pero isa ito sa masayang bagay na makukuha natin sa larangan ng pag-ibig.

Foodtrip tayo:Street Foods

Top 5 Favorite Street Foods:
  • Isaw
  • Kwek kwek
  • Chicken Balls
  • Isaw ng Baboy
  • Barbeque
 Wala pala ako na post my my kinalaman sa pagkain. dahil hindi ako marunong magluto mag foodtrip tayo eto ang top 5 Favorite Street food para sa akin. Solve na solve na sa’kin kapag yan nilibre mo sa akin lalo na ang isaw at kwek-kwek , kahit hindi mo’ko dalhin sa magarang restaurant basta ba bilhan mo lang ako ng ganito hanggang sa mag-sawa ako ayos na ayos lang sa akin. Masarap silang i-ulam lahat

Masarap ma inlove.

Kaya nga yung ibang tao naiiyak na dahil hindi pa rin nila makuha ito diba? May mga taong nasa relasyon nga pero umiiyak pa rin sila. Bakit? Dahil mahal nila ang isat-isa. Hindi sila sanay na nag aaway sila, hindi sila sanay na ganun ang taong mahal nila.

Paano pa kaya yung taong umiiyak dahil wala pang nagmamahal sa kanila? O ito ba yung mga taong masyadong mapili at pilit na kinukuha yung taong meron ng iba? Hindi bat nakakalungkot na kwento nga naman ng buhay yun?

Swerte ka kapag nasa relasyon ka, kasi pagtapos ng iyak mo sigurado kang may taong lalambing sayo, pagtapos mong umiyak may taong pupunas nito. May taong yayakap sayo. Kahit na malayo o malapit, mararamdaman mo ito.

Huwag na huwag mong sasabihing nakakasawang magmahal. Dahil mas maganda pang sabihin na nakakasawa yung tao at hindi yung pagmamahal. Lagi mong tatandaan na walang kasalanan ang pag-ibig dito.
Ang pag-ibig at pagmamahal ay isang napakasarap na pakiramdam na mararamdaman ng isang tao. Hindi bat nabubuhay tayo sa mundo para magmahal? Sa huli dito lahat tayo hahantong, hanggang pagtanda natin ito ang hahanapin natin.. Sa magiging asawa natin, sa magiging anak, at sa mga magiging apo natin.

Tuesday, July 19, 2011

Mga uri ng kunwaring nakikinig na Estudyante

Tungo ng Tungo - Kapag nakatingin ang titser, tutungo ito ng tutungo, kunwari nakikinig. Akala mo iskolar kung makatungo, kahit naman walang dapat itungo eh tutungo talaga ng tutungo. Napaghahalataan na walang naiintindihan.

Time Machine - Eh paano tingin ng tingin sa oras, gusto ata gumamit ng time machine, gustong i advance ng 1 oras yung oras para matapos na yung kinakatamaran na subject niya. O kaya naman baka gusto niyang i advance na ng 6 na oras para uwian na agad? Ito yung mga taong sobrang naboboring dahil nakakatamad mag turo ang guro.

Take Down Notes - Aba iskolar epek ang kaklase mo! Talagang lahat ng matatalinhagang salitang binitawan ng iyong guro eh sinusulat niya, minsan ang masama dito hindi naman niya binabasa, enjoy lang siya talaga mag sulat siguro para hindi antukin. Pero at least nga naman may ginagawa at hindi nag mamalinis.

Tungo + Hawak Cellphone - Aba matindi, naka abante para natatakpan ng kaklase niya ang kamay niya para hindi mahalata ng guro na nag tetext lang pala siya. Tapos kapag nakapareply na siya tutungo siya para kunwari nakikinig.

Patanong tanong effect - Yung mga taong hindi nakikinig, minsan magtatanong kung ano yung huling napakinggan para kunwari nakikinig at talagang kaklaruhin pa nila kung ano yung sinabi para kunwari daw na gusto nilang matutunan.

Lilipat sa unahan - Kunwari hindi napapakinggan ang guro, yun pala makikipag chikahan lang. Sa mga lalake magtatanong kung ano ang magandang item kay Sven sa Dota, Kung dapat ba lagyan ng Dagger si Earthshaker at marami pang iba. Sa mga babae naman syempre ang walang katapusang Lovelife 101. Tipong hinatid pa daw siya ng crush niya sa fishbolan at nilibre ng kikiam. O diba ang sweet?

Grow old with you..


  • Let’s grow old together… beginning with today. 
  • Let’s work slowly with each other and build a relationship that we can both enjoy being a part of. 
  • Let’s share love and understand that neither of us is perfect; we are both subject to human frailties. 
  • Let’s hold each other close and whisper though the night—pledging our love, honoring our commitment. 
  • Let’s encourage each other to pursue our dreams, even when we’re weary from trying. 
  • Let’s expect the best that we both have to give and still love when we fall short of our expectations. 
  • Let’s be friends and respect each other’s individual personality and give one another room to grow. 
  • Let’s be candid with each other and point out strengths and weaknesses. 
  • Let’s understand each other’s personal philosophy, even if we don’t agree. 
  • Let’s lie awake long into the night sharing our innermost secrets. 
  • Let’s be friends as well as lovers. 
  • Let’s laugh at time and plan with each other and wonder how we ever got along without this love we’ve found. 
  • Let’s never take for granted these moments that we’ve shared, but always be reminded of how intensely we have learned to live, how completely we have learned to love. 
  • Let’s grow old together… and look back on life and smile.
”When people hurt you over and over, think of them like a sand paper. They may scratch and hurt you a bit but in the end, you end up polished and they end up useless.” - Chris Colfer
Life is not fair, but life is not fair for everyone...which actually makes it fair
People travel to wonder at the height of the mountains, at the huge waves of the seas, at the long course of the rivers, at the vast compass of the ocean, at the circular motion of the stars, and yet they pass by themselves without wondering."
Saint Augustine

Long Distance Relationship.

Kung andito ka ngayon, lagi mong tatandaan ang salitang “Tiwala” at “Komunikasyon”.

Kung balak mo pa lang pumasok, isipin mo ang mga bagay na dapat mong isakripisyo balang-araw, at mga bagay na maaaring maging hadlang sainyo ng mahal mo.

Kung hindi ka pa nakakaranas nito, try mo. hehe.

Kung galing ka na dito at pangit ang naging resulta, wag mong sabihin na lahat ng LDR ay paparehas din sa kinahantungan ng nakaraan mong relasyon. Iba-iba pa rin. Ang taong nasa loob nito ang may hawak ng kanilang kapalaran at hindi ikaw. Diskarte na nila yan.

Kung andito ka pa rin at matagal na kayo ng mahal mo, CONGRATS. Alam niyo na kung paano hawakan ang ganito kahirap na relasyon. Kilala niyo na ang isa’t isa. Punong-puno kayo ng tiwala. Mawala man ang komunikasyon sainyo, buo parin ang loob niyo na hindi sainyo mawawala ang mahal niyo. Ipagpatuloy niyo lamang yan at panatilihin ang “spark” ng inyong pagmamahalan. :)

Walang imposible pagdating sa pagmamahal. Kahit gaano pa kayo kalayo sa isa’t isa, basta alam niyo kung pano ito dalhin, makakaya niyo pa rin. :)

Ung feeling na..

ung feeling na meron ka mababasa na. sayo lang sinasabi ng mahahalagang tao sa buhay mo. tapos mababasa mo sa iba ganun na ganun ung pag kakasabi.. hindi ko alam ano dapat ko isipin at maramdaman.. gusto ko lang matulog at hindi na magising. sarcastic pero. ilagay mo ang sarili mo sakin ano una mo gagawin at mararamdaman? masakit diba..

Kung magmamahal ka ng tao.

Siguraduhin mo unang una eh handa kang masaktan. Dahil hindi puro sarap ang iyong pinuntahan. Para kang pumasok sa giyera. Na ipaglalaban mo kung ano ang nararamdaman mo. Kayo ang magkakampi dito. Minsan sa gerang ito, hindi niyo maiiwasang mag away. Dahil ang problema ang inyong kaaway. Dahil hindi kayo magkaintindihan. Kayo ay mag sisigawan. At dahil dito napagtataasan ka na niya ng boses.

"Kung magmamahal ka siguraduhin mong mahal mo talaga. Yung tipong wala na talagang iba. Kung baga siya na lang at wala ng iba. Ang panget naman kung mahal mo siya tapos may iba ka. Ano yun lokohan? Ano yun? Dalawa puso mo? Bakit hindi mo i transplant o i donate yang isa. Nakatulong ka pa sa taong nangangailangan."

Handa kang magpatawad. Ito dapat ang laging iniisip ng taong nag aaway. Hindi naman wrestling ang relasyon na kailangan na lang lagi mag away. Dapat lagi kayo magkabati. Kapag may kasalanan ang iba. Eh kung hanggat maaring mapatawad mo ay gawin mo. Nag sosorry na nga e. Alam mo naman siguro kung concern na siya ngayon. Kapag hindi mo napatawad ang isang tao. Dito siya magsisimulang manglamig. At baka maghanap ng iba to.

Handa ka sa pwendeng mangyari. Hindi porket mahal niyo ang isat isa ngayon eh hindi na kayo mawawala sa bawat isa. Tandaan mong nasa relasyon palang kayo. Yung mga taong nagsumpaan nga nag kakahiwalay pa. Kayo pa kayang nasa relasyon pa lang? Maging matapang para sabihing sapat na ang ipinakita ko para mahalin ka. Para kapag iniwan ka. Hindi ikaw ang may kawalan kundi siya.

Galit at Tampo.

Dalawang salitang halos magkapareho diba? Pero kung susuriin mo, ibang iba ng ibig sabihin ang dalawang salitang ito.

Galit: Ito yung maaaring bunga ng paggawa ng masama ng isang tao sa’yo. Yung tipong nangyayari kapag naaabot nya ang hangganan ng pasensya mo. Ang galit ay maaari mong iparamdam sa kahit na sino. Halimbawa na lang ay sa kaaway mo.

Tampo: Halos parehas din sa galit, pero may isang espesyal na ibig sabihin ito. Maaaring dulot ito ng pagsira ng isang tao sa expectations mo. Isa na lamang sa mga dahilan kung bakit nagtatampo ang isang tao ay dahil sa pagkasira ng pangako nya sa’yo. Ang tampo ay ibinibigay mo lamang sa mga taong malalapit sa puso mo. Nagtatampo ka sa kanila pero at the back of your mind hindi mo kayang magalit sa kanila.

Sunday, July 17, 2011



No matter what, once in your life, someone will hurt you. That someone will take all that you are, and rip it into pieces and they won’t even watch where the pieces land. But through the breakdown, you’ll learn something about yourself. You’ll learn that you’re strong. And no matter how hard they destroy you, that you can conquer anyone.

"masyado maganda ang buhay para malungkot".

goodnight sa mga matutulog na at goodmorning sa mga gising pa.. well bago ako matulog gusto ko sana mag post ng bagay na masaya. ung tipong gagaan ung loob ng makakabasa.. gusto ko iparating sayo na gaano kalungkot ang gabi mo ngaun panigurado bukas ng umaga my ngiti sa labi mo. dahil binigyan tayo ng Diyos ng panibagong araw para makita pa ang masasayang bagay sa mundo.. alam ko mahirap ngumiti pag sobra lungkot ramdam ko yan. kaso hindi ka pwede sumuko. my mga taong nag mamahal sayo. my mga taong gusto ka makita masaya. wag mo sayangin ang buhay mo sa mga taong hindi mag dudulot ng maganda sa buhay mo. "masyado maganda ang buhay para malungkot" isipin mo langam lang ang problema mo kumpara sa mga batang lumalaban sa cancer ngaun..
First they ignore you, then they laugh at you, then they fight you, then you win.” ---Mahatma Gandhi

Do you ever get that feeling where you don’t want to talk to anybody? You don’t want to smile and you don’t want to fake being happy. But at the same time you don’t know exactly what’s wrong either. There isn’t a way to explain it to someone who doesn’t already understand. If you could want anything in the world it would be to be alone. People have stopped being comforting and being alone never was. At least when you’re alone no one will constantly ask you what is wrong and there isn’t anyone who won’t take ‘I don’t know’ for an answer. You feel the way you do just because. You hope the feeling will pass soon and that you will be able to be yourself again, but until then all you can do is wait.

Deactivated ang account ko sa facebook.

sa mga dahilan na my mababasa ka ng nakakasakit ng damdamin. marahil siguro sa kanila hindi. my mga bagay talaga na mas gugustohin mo na lng mawala para hindi mo maramdaman ung sakit. alam ko mahirap intindihin ang punto ng dahilan ko. malungkot ako ngaun ayon lang ang gusto ko iparating.. matutulog na ako. my interview at exam pa ako bukas.. goodnight!

Friday, July 15, 2011

Mga dapat tandaan sa isang relasyon:

1. Maging open sa isa’t isa. Hindi aasenso ang relasyon niyo kapag parehas kayo masyadong secretive ng partner mo. Magkwentuhan kayong dalawa, wag lang tungkol sayo, maging interesado ka rin sa buhay niya.

2. Kapag may problema, pag-usapan niyo agad. Wag niyo na patagalin pa. Wag niyo itago sa isa’t isa. Kung may gumugulo sa isipan, sabihin agad. Ang komunikasyon ay isa sa pinaka-mahalagang bagay na dapat i-maintain sa isang relasyon.

3. Tiwala. Tiwala. Tiwala. Kadalasan, ito ang sanhi ng away.
“Sino yan katext mo? Bakit ngayon ka lang? Siguro may iba ka pang tinawagan!”
Alisin niyo yan sa relasyon niyo. Hindi yan maganda. Mahahalata mo naman kung nagloloko ang kasintahan mo. Pakiramdaman mo. Wag yung sasalubungin mo agad siya ng mga maling akala.

4. Komunikasyon. Mas ipaliwanag pa natin ang aspetong ito. Walang mangyayari sa isang relasyon kapag wala ito. Paano kayo magkakaintindihan? Paano ninyo masasabi sakanya kung gaano mo siya kamahal kung wala nito? Ang nararapat gawin ay padalasin ang pag-uusap ninyong dalawa. Kung baga, para maka-“catch up” sa mga pangyayari sa buhay-buhay. Sa pamamagitan nito, lalakas pa ang bonding ninyo.

5. Oras. Bigyang pansin ninyo ang aspetong ito. Bigyan niyo ng oras ang mahal niyo. Masyado ka kasing busy sa ibang bagay, hindi mo napapansing nababalewala mo na siya. Time management. Hindi ko sinasabing lahat ng oras eh ibibigay mo na sakanya. Sobra na yun, at hindi maganda ang “sobra”. Kung hindi mo siya makakasama, o hindi ka makakatext kasi may gagawin ka, ipaliwanag mo yan sakanya. Wag yung mga salitang paasa tulad ng “Saglit lang ako.” “Basta may gagawin lang ako.” Kasi ano ba ang maiisip niya kapag sinabi mo yan?
“Saglit lang pala siya, pero bakit umabot ng ilang oras ang paghihintay ko?”
“Basta…? Anong ibig sabihin non? kung ano-ano na papasok sa isip
Dito papasok yung sub-aspect nito: Pagiging Paranoid
Natural lang na maging paranoid MINSAN sa isang relasyon. Wag lang yung sobra. Hindi sa wala kang tiwala sa mahal mo. Pero hindi pa rin maiiwasan yung mag-isip ng ibang bagay kapag hindi nagpaparamdam yung isa, hindi ba? Wag maging OA. KEEP CALM, kung baga. Wag yung susugod ka nalang bigla at sisigaw-sigawan siya na may kalokohan siyang ginagawa.
6. Iparamdam mo sakanyang totoo ang nararamdaman mo. Wag ka puro salita lang. Umaksyon ka! Kahit ilang beses mo siya sabihan ng “Mahal kita”, kung wala ka namang napapatunayan, walang silbi pa rin. Gumawa ka ng paraan para maramdaman niya.

7. Kapag nasa kalagitnaan ng away, wag kayo magsigawan. Wag kayong agresibo. Kumalma kayo. Wag kayong magpataasan ng pride. Matuto kayong magpakumbaba. Nagmamahalan kayo, hindi kayo nasa contest. Magbigayan kayo. Intindihin niyo ang isa’t isa. Kayo lang naman ang masasaktan kapag hindi niyo inayos yan.

8. Hindi ka nag-iisa. Simula ng naging kayo, ang mga problema mo, problema niya na rin. Ang kasiyahan mo, kasiyahan niya na rin. Kaya magtulungan kayo.

9. Maging tapat sakanya. Isa lang ang puso mo, iisa lang din ang mamahalin mo. Kelangan ko pa bang ipaliwanag ito?

Wednesday, July 13, 2011

Mga taong masayahin:

  • Mababaw ka ba at onting bagay lang eh natatawa ka na? Kahit corny?
  • Nagagawa mo bang magbiro kahit may problema?
  • Kahit gaano kahirap yung bagay, nagagawa mo bang ngumiti at magpatawa?
  • Hindi ka naman “pasaway”, gusto mo lang talaga mag-enjoy sa buhay
  • Kahit sa pag-ibig, nasasaktan ka na, pilit pa ring pinasasaya ang mga bagay
  • Isa ka sa mga “kalog”, kahit mga katropa mo, sobrang nakakarelate sayo kasi ganon din sila
Ngunit alam mo ba, na ang mga ganitong klaseng tao, ay yun pa ang mayroong pinakamabigat na problema? Oo, panay ngiti ang makikita mo sakanila, hindi mahahalata na mayroon silang pinagdadaanan. Hindi sa ayaw nilang magpatulong sa ibang tao, ang gusto lang nila, sila muna ang umayos ng mga problemang ito. Baka raw kasi konting “positive thoughts” ay maging okay ang lahat, kaya idaan sa ngiti, idaan lang sa tawa. Kaya masasabi ko, ang mga tulad nila ay matatawag na isa sa mga pinakamalakas na tao.
Ngayon, Isa ka ba sakanila?
    Sometimes you have to be strong, even when your whole world just fell apart.


I don’t mind when our conversations get a little boring. I don’t mind when we’re texting and we run out of things to say. When we’re hanging out together but not doing anything, well I don’t mind that either. It doesn’t matter to me because I finally realized that when you’re truly in love, every moment spent together doesn’t have to be breath-taking, that you’ll still feel like the luckiest person alive even through the most unexciting times, and you will feel completely comfortable together because you know that just having each other is more than enough.

Friday, July 1, 2011

The more you hide your feelings for someone, the more you actually fall for them.

The more you smile when you see them. The more you get goose bumps when you talk to them. The more your eyes glitter when they pass by. The more you want to look beautiful for them. The more you fall in love with a person who doesn’t have an idea that you go gaga over them.

You think their greetings are very special compared to the greetings of others. You think everything they do is beautiful. You think it’s cute. And whatever bad comments you hear from others, you will always say that they are wrong and the one you love is just misunderstood.

Thursday, June 30, 2011

Message from god

No glass ever became sand again; No bread ever became wheat; No ripened fruit ever became a flower. Welcome change, and choose what kind of glass you create, what kind of bread you bake, what kind of fruit you harvest.

Tuesday, June 28, 2011

Dear future husband



I promise to always be there for you. Happy, sad, good, bad.. I’ll be right by your side. I promise that you’ll be my best friend. I promise I won’t keep any secrets from you. I promise that I will look forward to coming home from work, just so that I can sit in your lap and ask you about your day. I love you

Monday, June 27, 2011



Sabi sa census may 11 milyon na tao sa Metro Manila. Paano mo malalaman na nahanap mo na yung taong para sa’yo? Maaring nakita mo na siya, pero yumuko ka para magsintas. Maaring nakatabi mo na siya, pero lumingon ka para tingnan ang traffic lights. Maaring nakasalubong mo na siya pero humarang yung pedicab. May mga maswerteng tao na nahanap na yung taong para sa kanila. May mga tanong patuloy na naghahanap at may iba na sumuko na. Pero yung pinakamasaklap, eh yung na sayo na pinakawalan mo pa.” — My Amnesia Gir


We’re bound to run into obstacles in life. We might trip, and we might fall. But don’t let these obstacles put you down, and keep your head from looking up. Because the best things in life comes to those who never allow obstacles to dampen their spirit. The best things in life comes to those who always keep their heads held high. Don’t miss your rainbow because of a tiny rock.


I think everyone has a certain part of their life where they truly wish they could freeze time, whether it was three years ago, today, or still to come, whether it was just a moment, a whole day, or a whole summer. Everyone has a time in their life where they wish everything would just stop, the world would stop turning and people would stop changing, because to them, at that time, everything was perfect.


I’ve learned that you can’t please everyone. So don’t even try it. It’s a waste of time trying to make everyone like you. Just be you. I’ve learned the hard way and in the end, some people are just so full of hate that no matter what you say or do, they’ll always have something to say. They’ll never like you. So forget them.


Do not bring people in your life who weigh you down. And trust your instincts … good relationships feel good. They feel right. They don’t hurt. They’re not painful. That’s not just with somebody you want to marry, but it’s with the friends that you choose. It’s with the people you surround yourselves with.
— Michelle Obama

So, nabigo ka lang, eh susuko ka na?

Karamihan satin, pagsuko agad ang unang option.
  • Bumagsak sa Licensure Exam, suko na.
  • Nabasted, hindi na daw siya manliligaw kahit kanino.
  • Nasaktan sa pag-ibig, hindi na daw siya magmamahal kahit kelan.
Marami pang sitwasyon. Ngunit iisa lamang ang problema. Pagsuko.
Bakit nga ba mas pinipili ng iba ang pagsuko? At least daw, sinubukan nila. Tapos na. Pero hindi eh. Paano kung yung future mo ang nakasalalay don? Wala na? Pababayaan mo na lang mawala yung pangarap mo?
Wala ka dapat panahon sa pagsuko. Subukan mo lang. Isipin mo kung bakit ka nabigo sa unang pagkakataon? Dahil ba may kulang? O nasobrahan? Dahil ba hindi pa ito ang tamang panahon? Dahil ba hindi ito ang para sa akin? Dahil ba kelangan ko pang galingan? Minsan, sa diskarte lang yan.

Kelan lang ba dapat sumuko?

Kapag nagawa mo na ang lahat. Kapag sa tingin mo, wala na talaga. Pero hindi ko sinasabi na pwede ito sa lahat ng bagay. May exceptions lang.

Kaya pag-isipan mo ng mabuti ang bawat bagay na gagawin mo. Sa ngayon, nabigo ka. Pero hindi ibig sabihin non, isusuko mo na ang lahat.

Minsan, masasabi talaga nating “Ang sarap mabuhay.”

Yun bang parang kumpletong kumpleto na. Wala nang hahanapin pa. Napaka-kumportable na ng kinalalagyan mo. Yung ipinagdadasal mong sana wag nang matapos o kaya sana bumagal ang oras. Minsan ba, naranasan mo na ito? Ang saya noh? Mga munting patikim sa atin ng buhay, mga panahon ng kasiyahan. Ngunit hindi lahat ganito, hindi lagi masaya ang mga pangyayari sa ating buhay. Ito ay para matuto din tayong mag-appreciate ng ibang bagay, yung hindi lang lahat saya. Matuto din tayong tumanggap ng pagkakamali, ng pagkasawi, at ng pagkalungkot.

Ito ang buhay ng tao. Napakaraming dapat matutunan.
Lagi mong sabihin sa sarili mong “Ang sarap mabuhay.” Dahil walang nakakaalam kung hanggang kelan lang ito. Kaya habang andiyan pa, pahalagahan mo na.

Kapag importante siya sa iyo

  • Natututo kang mag-effort. Kahit minsan pakiramdam mo luging-lugi ka na, ginagawa mo pa rin dahil mas importante sayo na mapasaya siya.
  • Nagiging sweet at corny ka at the same time. Tipong yung mga kakornihan na napapanuod mo lang sa tv noon ay nagagawa mo na. Natatawa ka na lang sa sarili mo.
  • Nagiging makulit ka. Gusto mo lang naman icheck kung ano ang ginagawa niya sa oras na hindi kayo magkasama at magkausap. Kapag kasi wala kang idea, para kang napaparanoid at kung anu-ano naiisip mo. Ang tendency nangungulit ka dahil nag-aalala ko o sa kung ano pa man.
  • Nagiging mapaghanap ka. Yung tipong gusto mo bawat araw makita mo siya gusto mo siya alagaan pasayahin at lambingin bawat oras.
  • Naibibida mo siya sa halos lahat ng kakilala mo. Kulang na lang ipagbandera mo kung gaano siya kaokay. Lagi mo naisisingit ang pangalan niya ng di mo namamalayan. Gusto mo kasi bida siya sa paningin nila.
  • Natututo kang babaan ang pride mo. Kahit siya ang may kasalanan, ikaw ang nagsosorry kahit dapat nagagalit ka. Hindi mo kasi kaya na magkatampuhan kayo.
Ilan lang yan sa mga pagbabago na nangyayari sa akin nung dumatin siya sa buhay ko.. nag bago ako hindi ko inaakala na my ganto ugali pala ako.. 

Saturday, June 25, 2011

Kailan ba nakuntento ang tao?

Kahit kailan hindi ito makukuntento, totoo yan, palaging maghahanap ng iba yan. Ang taong nasabing nakuntento na ng husto eh pwede na sigurong mamatay. Wala na siyang gusto sa buhay niya eh, kuntento na siya, maaring masama pagkakasabi ko pero may pagka methapor lang yan. Ganyan talaga ang Pinoy, demanding tayo eh.

Tignan mo ha

    Ang kulot nag papa straight ng buhok.
    Ang straight naman nagpapakulot ng buhok.
    Ang taong mapuputi gusto maging morena.
    Ang mga taong kayumanggi naman eh gusto maging maputi.
    Ang taong mahirap eh walang pinagkaiba sa taong mayaman, pareho silang nangangarap ng malalaking bagay, syempre parehas lang naman tao yun eh, yun nga lang mas nagsikap yung taong mayaman kaya ang tanging pinagkaiba nito eh yung posibilidad na pangarapin ng bawat isa.
    Yung taong maliliit minsan gusto tumangkad.
    May mga taong matatangkad naman na hiniling na sana lumiit sila ng onti.
    Dati single ka naghahanap ka ng karelasyon.
    Ngayong taken ka naiinggit ka sa mga taong single. ano ba talaga ate/kuya?

Mainam ang ikot ng mundo, sadyang magulo. Tila hindi lang climate change ang naapektuhan, pati ata mind shift ng tao eh naapektuhan na rin. Basta marami pang bagay tayong hinihiling sa tuwing nakukuha natin yung gusto natin, patuloy at patuloy na dadating ang demand mo sa sarili mo.

Maari kang mag demand sa sarili mo, gamit na gusto mo, bagay na gusto mong gawin ng tao sayo.

Minsan nga pati atensyon ng tao eh hindi rin nakukuntento, may mga taong patuloy na  nagpapansin dahil sa tingin nito na kulang pa ang atensyon na binibigay sa kanya.

Kapag nagsimula kang badtrip sa umaga, maaring hanggang katapusan ng araw mo eh badtrip ka.

Always wear that sexy smile pag gising sa umaga :) Ang panget din naman kasi nun, kagigising mo lang badtrip ka na agad? Eh wala pa nga nangyayari? Ay maari rin pala mangyari yun, meron kang panaginip na hinahantay tapos nangyari siya tapos nabitin ka no? Oo nga kawawa nga, tipong aalalahanin mo palagi bakit hindi natuloy, bakit ginising ka ng magulang mo, an sakit sa ulo dahil puyat ka, tapos binitin pa panaginip mo, tapos hindi pa masarap ulam mo mababatrip ka nga sa umaga.

Pero huwag ka mandadamay ng tao kapag badtrip ka, pag mga kaibigan mo ang nabadtrip sayo baka wala kang takbuhan niyan. Minsan kasi kailangan muna natin kumalma bago tayo makisalamuha sa iba. Mahirap kasi kapag tao ang binabangga, you will never know ano ang pwedeng mangyari sa gagawin mong aksyon.

Kaya ingat sa paglabas ng nararamdaman.

Thursday, June 23, 2011

Sa ISANG minutong MALUNGKOT ka.. may naaaksayang 60 SEGUNDO na dapat MASAYA ka.

Sayang naman yun dba?.. SMILE NA LANG TAYO. :D

Wednesday, June 22, 2011

To BOYFRIEND..

You are the ONLY person to make our heart beat incredibly fast and slow at the same time.. which gives us such a rush throughout our body.
We melt at the sight of you.. that smile.. those lips.. your eyes.. from head to toe you are the most radiant thing we have seen in our lives..
You make us feel like we are floating.. you give us these butterflies that aren’t just in out tummies, but they go through out our entire body..
There is not a second when we are not missing you..
We have a connection so deep that no one in this universe could ever break it, but doesn’t stop there.. you go to the depths of our hearts.. The place that no longer feels like it is missing something.
We want to be with you for the rest of our days..
We have never doubted our love for you nor your love for us.. there isn’t a battle between our hearts and minds going on.. they are working together and they tell us.. YOU ARE THE ONE. :)
The one we are meant to be with..
With all our beings we swear to you that we will never hurt you.. We will always be truthful.. and not a tear of sadness will fall from your eyes..
You have our hearts and it is yours to keep now until forever..
WE LOVE YOU. :)
Love, Your GIRLFRIEND..

Bagong Hinahangaan. Bagong Inspirasyon. :)

Sabi nila.. nakakasira daw sa pag-aaral yung “love life” o kaya naman yung bagong hinahangaan mo. Aagawin daw kasi nila lahat ng oras sayo. Pero hindi naman siguro sa lahat ng pagkakataon. Kasi ako.. May bago akong inspirasyon. :) Simula nung nakilala ko siya lalo ako sumipag mag-aral.. pinagbubutihan ko lahat ng ginagawa ko. Kasi naiisip ko na lahat ng ginagawa ko para sa future ko din naman eh.. saka sa future nya. :)
Gusto ko ibigay sa kanya ang pinaka-magandang future na ma-iimagine mo. Yung tipong wala na syang hihiligin kasi nabigay ko na sa knya lahat. Gusto ko siya mapasaya ng sobra kasi wala din siyang ginawa kundi pasayahin ako. :)
Sabi nila “parang” nasa akin na daw lahat.. yung mga bagay na gusto makuha nung iba nasa akin na daw. Siguro madami akong nakukuha sa mga bagay na gusto ko.. pero meron pa akong isa na gusto na hindi ko makuha ehh.. Gusto ko ng mas mahabang oras na kasama siya. Kahit wala kami ginagawa.. kahit nagtititigan lang kame.. masaya na ako dun eh. Kasi kapag kasama nya ako alam ko na safe na siya.. :)

 Marinig mo lang yung boses nya hindi na maalis yung mga ngiti sa labi mo. Alam nyo yung ganung pakiramdam?

Basta ayun. Isa lang gusto ko sabihin sa kanya. Salamat kasi lagi ka nanjan para sakin. Hindi man tayo madalas magkasama pero alam ko na pag nagkita tayo ulit kakaibang ligaya na naman yung ibibigay mo sakin. Yung pakiramdam na hindi ko nararamdaman sa ibang tao bukod sa pamilya ko. Salamat ahh. Sana hindi ka magsawa sa mga kakulitan ko. Mahal na mahal kita. :D
Wag ka mag-alala kasi pagdating ng araw.. masusuklian ko sayo yung lahat ng ginagawa mo para sakin ngayon. Para sayo naman kasi tlaga kung bat ko ginagawa ang lahat ng to eh. :D


I LOVE YOU PO. :)

Paano kung mamatay yung girlfriend/boyfriend mo? Gaano ka katagal bago makahanap ng bago?

Nakita ko tong question isang blog.. mejo tinamaan ako. Kasi naisip ko na din to noon. What if nga.. may mangyari na hindi natin inaasahan? Sobrang sakit siguro nun. Kung ako yung tatanungin.. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi sa sobrang OA pero baka ikamatay ko na rin yung sobrang lungkot. Baka hindi na ako maka-move on. Hindi na ako makakahanap ng bagong mamahalin. Kasi sa puso ko.. alam ko na siya parin ang mahal ko. Kung hindi siya nawala.. kami padin dpat. WALANG CLOSURE YUNG RELATIONSHIP. Sobrang hirap nun. :\
Totoo nman dba? Ganun din ba kayo? :(

Anong maganda kapag may tunay na karelasyon?

  • Hindi ka takot na mawawalan ka ng kasama tuwing pag gising sa umaga.
  • Tutulog ka ng walang pangamba na inaalala.
  • Alam mong lagi kang secure kapag kausap/kasama mo siya.
  • Alam mong ikaw lang talaga.
  • Titigil ka sa kakahanap ng iba, dahil kuntento ka na sa kanya.
  • Hindi ka natatakot na mawala siya, dahil nagtitiwala ka sa pangako niya.
  • Hawak mo ang salitang mga binibitawan niya.
  • Nararamdaman mo ang pagmamahal ng sobra sobra.
  • Marami kang gustong malaman sa kanya, pero sa ngiti lang niya ay solve ka na.
  • Yung masarap na pakiramdam na sayo lang siya, at sa kanya ka lang.

Friday, June 17, 2011

Selosa ako.

Kahit sabihin mo pang wala lang naman yun. Walang malisya yun. Kahit na. Alam ko naman na walang malisya yun para sayo eh. Paano kung sa kanya meron na? Pero hindi mapipigilan ang selos. Basta. Hindi naman nangangahulugan na wala akong tiwala sayo. Naseselos ako dahil wala akong tiwala sa mga taong nakapaligid sayo. Wala akong tiwala dahil sa salitang “temptasyon”.

Thursday, June 16, 2011

Limang pagsubok na kailangan malampasan kapag nagmamahal

Time Test - Gaano ba katagal ang pagmamahalan niyo? Gaano ba katagal ang nararamdaman niyo sa isat-isa? Tatagal ba ito ng linggo? buwan ? taon? Hanggang kailan kayo magiging sweet sa isat-isa? Kapag nakuha mo ba ang gusto mo sa isang tao eh ganun katagal pa rin ba kahigpit ang pagmamahal na ibibigay mo sa kanya?

Distance Test - mahal mo pa rin ba siya kung sakaling malayo siya sayo? mahal mo pa rin ba kung sakaling bigla kayong magkahiwalay dahil kailangan mag ibang bansa ng isa, o kaya naman bigla kayong magkakalayo sa isat-isa dahil may mga pangyayaring hindi inaasahan sa inyong dalawa, hanggang saan at gaano kalayo ang aabutin ng inyong pagmamahalan?

Freedom Test - gaano mo siya kayang tanggapin? hindi ba dapat eh wala kang pinapakealaman sa kanya? Kung totoong may faith ka sa kanya, papatong sa isip mo ang “Kahit ano man ang gawin niya, sino man ang kasama niya, sigurado akong sa akin pa rin ang bagsak niya.”

Growth Test - dito naman ang respeto sa isat-isa na binibigay para maging mas mature ang isang tao, ito ang pagsubok na binibigay para maging open sa bagay bagay at maging mas mature ang isip ng dalawang magkasintahan, kung parehas kayong parang bata sa relasyon niyo, walang mangyayari sa inyo. Bakit hindi ka kumuha ng baby sitter kung kayong dalawa eh bata bata pa. Dapat laging may mature at sigurado akong madadala mo ang partner mo dahil sa pinapakita mong ugali mo. Kailangan ng isang tao na didisiplina sa isang taong nangangailangan ng disipilina. Kailangan ng sapat na oras dito para malamapasan.

Sacrifice Test - handa mo bang ibigay ang sarili mo sa taong mahal mo? handa ka bang ialay ang buhay mo sa kanya bilang isang kasintahan o kaya naman asawa? Kaya mo bang bitawan ang mga bagay na importante sayo pero kailangan mong bitawan para maituloy ang pagmamahalan? May mga tao ka bang handang iwan para sa taong mahal mo? Hanggang saan ang kaya mong ialay? Gaano kahaba ang pasensyang ibibigay? Masasabi mo bang martyr ka kung ikaw lang ang nagmamahal at nagbibigay ng sakripisyo? Hindi natin alam.. Ibat-iba kasi tayo ng estilo ng pagmamahal at pagbibigay ng sakripisyo, ibat-iba ang mundong ating ginagalawan, ang mga taong nakakapaligid satin, mga taong nakakaimpluwensya sa atin.

Thursday, June 9, 2011

“Never give up” - Dallas Mavericks

Isa sa mga tumatak na linya sakin nung pinanuod ko ang mini movie ng Game 2 sa nba.com. Kung nanuod ka kasi, isang matinding comeback naman talaga ang nangyari at masasabi natin isa sa mga nakakapanindig  balahibo na laro sa history ng NBA Finals.Isa ako sa mga taong sobrang hook sa larong NBA, at gustong gusto ko talagang mag champion ang Dallas

Mavericks. Bakit kamo?

  •     Matagal na kasing naglalaro si Dirk Nowitzki at si Jason Kidd kaya masasabi nating kapag hindi pa  nanalo ang Dallas Mavericks eh magreretiro ang mga players dito na walang champion ring.
  •     Kaya ng Miami Heat mag Champion next Finals.
  •     Kaya ako Dallas Mavericks dahil idol naman talaga si Dirk Nowitzki biruin mo 7 footer sharpshooter from 3pt line and midrange at sure freethrow shooter pa.
  •     Kawawa naman si Jason Kidd kung mag reretire siyang hindi nag chachampion eh isa siya sa mga players na pure effort kahit matanda na, at isa siya sa mga future hall of famers.

Bakit ayaw ko sa Miami Heat (sa ngayon).

  •     Dahil gusto ko nga mag Champion ang Dallas Mavericks.
  •     Idol ko si Lebron James, pero bumaba ang tingin ko sa kanya simula nung kumampi siya kay Wade. Si wade ay sa Heat lang.. Wala ng iba.Dati kasi kapag sinabi mong Miami Heat, Wade agad ang maiisip mo. Parang Lakers, Bryant agad ang  maiisip mo. Pero ngayon humalo pa si Lebron eh masyado kasing atat sa championship ring.
  •     Masyado kasing atat si Lebron, hindi siya yung tulad ng ibang superstar na naghihintay talaga magkaroon ng magagandang kakampi at tska dalhin ang kanyang team. Nagawa niya nga sa Cleveland eh, sana naghintay na lang siya.

Maaring bias ang blog na ito sa isang team, dahil obvious na Dallas Mavericks fan ako sa (ngayon dahil Boston Celtics ang paborito ko team).kaya Itanong mo na lang kay Chris Boshtrich ang feeling ng matalo ng 2 points lang ang lamang.

Mga makikita at maririnig mo sa Local Internet Shop.

Local internet shop, ibig sabihin nito yung pang masa na computer shop, hindi mineski, hindi netopia tipong pang masa. Maaring makikita mo sa palengke, sa labas ng paaralan o kaya naman sa mga kanto kanto diyan. Ito ang ilan sa mga mapapansin mo sa mga Internet Shop na maraming tumatambay.

Comsat - ito yung mga taong walang pambayad o kaya naman eh hanggang nuod lang sa mga fellow players o kaya naman nakikinuod lang, maari nating sabihin na mga tambay lang o kaya naman nakiki aircon kaya nag aamoy datu puti suka ang loob ng internet shop, .

Fliptop - ito yung mga taong trashtalkers na maririnig mo kung may naglalaro ng CounterStrike, Special Force at walang kamatayang DOTA. Ito yung maiingay na tao na halos idamay na ang buong pamilya parang ganito ang mga trashtalkers na players na maririnig mo sa isang computer shop.
  • Ang hina mo 6@g0!!
  • Yung nanay mo weak!
  • Yung lola mo japayuki!
Hindi ko pwedeng brutalan ang mga trashtalkers, baka maging Rated 18 ang blog ko. Kaya ok na siguro ang discreet lang magpaliwanag.

Skype Addict - ito naman eh yung mga nag internet shop makapag skype lang, may mga taong naniningil ng utang, nag papadala ng pera dahil wala na daw pambayad sa renta ng bahay, mga nagsusumbong at naputulan na daw sila ng kuryente at mga taong nanlalambing sa skype, dahil siguro LDR sila o kaya nasa abroad ang asawa nila.

Facebook Addict - ito naman yung mga taong naririnig mo ang ungol ng baka, ang tilaok ng manok, ang tunog ng hukay ng lupa, ang kalaykay, at ang tanim ng mga buto sa mga taong ito. Dahil nag evolve na ang mga laro sa facebook naging CityVille na ito, patuloy na napeperwisyo ang mga tao sa application na ito, lalo naman kung hindi ka naglalaro. Kung tunay lang naman kasi ang mga bahay na ibinibigay sayo doon. Siguradong mayaman na tayo lahat, at sigurado akong mas mayaman yung taong nagbibigay sayo ng libreng bahay.

Offline Games Addict - ito yung mga taong mahilig sa LAN Games, maaring isama ang DOTA, yung mga larong GTA Vice City, GTA San Andreas, NBA 2k11 at marami pang iba basta yung mga larong hindi na kailangan ng internet, kanya kanyang trip yan e. Bakit ba? May sariling mundo sila eh.

Youtube Addict - ito yung mga taong mahilig mag videoke sa youtube, tipong < insert song here with lyrics here> tapos ayos na! kakanta na! Minsan naman eh nanunuod ng mga walang kamatayang KPOP Songs mga kanta na puro SORRY ang sinasabi. Juskoday, kung mga Pinoy Pop Bands na lang ang pinapakinggan nila edi sana gumanda pa ang industriya natin ng Musika sa Pilipinas.

Abangis - ito yung mga taong naghihintay nang magtitime dahil puno na ang internet shop, ito yung mga taong kating kati na ang mga daliri sa kamay na maglaro, mag blog, makipagchat. In short, mga taong sabik sa computer.

Chaperon - ito yung mag lalaro lang eh may kasama pa, ito yung mga taong nagiging COMSAT o moral support sa taong maglalaro o makikipag chat, maaring makikipagchat lang sa crush nilang dalawa at sabay silang kikiligin.

Tumblr Addict - mawawala ba naman ito? Hindi sosyal ang isang computer shop kung walang nag tutumblr dito, aba sosyal lahat ng tao dito no! Itaas ang bandila ng Pinoy Tumblr Community, kung palaliman lang din ng tao eh panalo ang mga naipon na tao dito, kanya kanya din ang buhay dito, pero maraming pwedeng maging kaibigan. Ito yung mga taong biglang ngingiti na lang sa harap ng computer nila dahil siguro natawa sa isang post na nabasa nila. ” Ito hirap sa tumblr, paminsan minsan tumatawa ka mag-isa”.

Saturday, June 4, 2011

This time I’ll be bulletproof.

Sometimes fate is like a small sandstorm that keeps changing directions. You change direction but the sandstorm chases you. You turn again, but the storm adjusts. Over and over you play this out, like some ominous dance with death just before dawn. Why? Because this storm isn’t something that blew in from far away, something that has nothing to do with you. This storm is you. Something inside of you. So all you can do is give in to it, step right inside the storm, closing your eyes and plugging up your ears so the sand doesn’t get in, and walk through it, step by step. There’s no sun there, no moon, no direction, no sense of time. Just fine white sand swirling up into the sky like pulverized bones. That’s the kind of sandstorm you need to imagine.


Like a wave, this will always roll over exactly how it’s meant to. Even if the initial reaction pulls you under. Even if you don’t understand reasons why. Sometimes you get in too deep, dragged under, spun around, and end up dumped on the shore. That’s life. Get yourself back up, learn a lesson, and do it again a different way.

In life, we do things. Some we wish we had never done and some we wish we could replay a million times. But they all make us who we are and in the end they shape and detail us. If we were to reverse them, we wouldn’t be the person we are today. So just live, make mistakes and have wonderful memories. But never second guess who you are, where you’ve been and most importantly, where you’re going

You can’t always control how you feel, but you can control what you say and do. Don’t take the easy way out, cause the easy way and the right way are rarely the same.

Unconditional love. 20ml concentrated

Within our relationship, we need to understand that it’s not all about fun and games. Sometimes we will go through tough times. Times that will deliberately push us to the limit of our breaking point. It’s not that we don’t want it to happen, it just does. All we can ever do is fight for what we have. Don’t let is slip away this easy because you never know that what you have right now may be the best you’ll ever see. Show them how much worth they have to you, show them you’re not ready to let go, show them you’re not going to let go.

Though you may be going through this downhill stage in your relationship, always remember to fight. It’s the effort that counts. Remind them why you love them, remember the times where you were at your happiest. Bring back those memories to where you made them last. The butterflies, the smiles, the love. All you can ever do is prove to them how much you love them. Don’t let go so easily, bring back that joy into your relationship. I know how much you really do love to see them smile. Don’t you miss the way they smiled at you? If so, please don’t let go. This relationship of yours is worth too much to throw away. Make it last. And always remember that you’ll do anything just for a shot of their love.
Wag mo isuko ang mga bagay na kaya mo pang ipaglaban… Tandaan mo, mahirap maghintay pero mas mahirap magsisi.

I love you and I appreciate you better than my life

pangarap ko i-donate ang mga cornea ko. para matanaw mo kung paano ko tinignan ang mundo na my puno ng kasiyahan at ng my ngiti sa mata. pangalawa gusto ko i donate ang puso ko "Heart transplant".. para maramdaman mo pano ako minahal ng mga taong mahal ko,, at higit sa lahat mag mahal ng wala limitasyon at lagi mo tatandaan kung gano ka kabilis saktan ng mga taong mahal mo. dapat ganon mo din sila kabilis patawadin.

sadya man o hindi ka nila sinaktan at the end of the day sila pa din ang makakasama mo habang na sa mundo ka. at Kapag dumating ka na sa puntong gusto mo ng bumitaw, isipin mo ang dahilan kung bakit ka kumapit ng ganyan katagal.. bakit dahil masyado maganda ang buhay para malungkot. madaming dahilan para maging masaya. Ang sarap mabuhay kahit my problema dahil isipin mo kung wala pagsubok na binigay ang Diyos saten malamang hindi ka ganyan katibay ngau