Pages

Tuesday, September 25, 2012

Ang dami kong tanong...

Nung umalis siya para akong napilayan
  • paano ako magsisimula ng wala siya sa tabi ko?
  • paano na ko?
  • paano ako mag'aadjust?
  • paano na kami?
  • anong gagawin ko?
Simula nung naging kami, hindi na siya umalis sa tabi ko. Lagi siyang andyan. Laging nakaalalay. Lagi akong inaalagaan. Hatid sundo. Ksma sa lahat ng oras. Tapos sa isang iglap, wala na siya...

Wala pa isang lingo na wala siya sa tabi ko. lechugas! Kung nakamatay ang iyak, matagal na ako namatay. Oo, iyak ako ng iyak, Buong araw akong umiiyak. Magdamag. Walang humpay.  Walang tigil. Laging maga mata ko. Hindi ako makatulog. Para ako bata iniwanan. Gusto gusto ko na siya pauwiin. Hirap na hirap ako. DEPRESS ako. hindi ko alam anong gagawin ko. Kase ba naman! Nasanay akong lagi siyang andyan! :/ Hays. 


Mahirap magadjust kung masyado na talaga kayong attached sa isa't isa. Idenepende ko na kse ang buhay ko sa kanya, siya nag dedesisyon para sakin. He's my everything. My bestfriend. all in one na kumbaga. Package na =]


Wala nman akong iba nilapitan nung mga panahon na nalulumbay ako, si God lang. Walang ibang makakacomfort skin, kundi si God lang. Walang ibang makakatulong sakin, Kundi si God lang, i know deep in my heart, na may purpose siya,. Hindi naman kse puro sarap at saya lang. Darating din ung panahon na ssubukin niya kami, at eto na nga yon. Matinding pagsubok para sa relasyon namin. I know after these sufferings my magandang futute na naghihintay para saming dalawa.