Pages

Tuesday, February 28, 2012

Take my advice. I don’t use it anyway.

Sa panahon ngayon halos lahat nag-aasam na maligo sa pera — ang yumaman. Hindi naman masamang mangarap diba? Hindi rin masamang hilingin na sana hindi ka na mamomroblema kung may sasaingin pa ba kinabukasan, sa susunod na bukas, sa susunod pa na bukas; kung may maipanglolaod pa ba sa cellphone para makapag-unlitext at unlicall; kung may ipangpupusta sa Dota; kung may ipangbabayad sa lumulobong bill ng internet.

Ikaw, gusto mo rin yumaman noh? Yung tipong mabilisan — parang instant noodles.

Tips Para Yumaman:
 

  • Pagtaya sa lotto. Kung instant lang ang pag-uusapan, isa ito sa pinaka-effective na paraan. Imagine mo, sa P20 makakabili ka na ng Cornetto maari ka nang maging milyonaryo! Yun nga lang dapat tumpak yung anim mong inaalagaang numero.
  • Pagsali sa pacontest sa telebisyon. Syempre kung sasali ka na rin lang dapat siguraduhin mong dun sa bigtime mamigay ng papremyo. Dun sa Eat Bulaga! Happy, Yipee, Yehey! Willing Willie. Dun ka sumali. Konting iyak lang at konting drama sa buhay tapos konting sayaw/kanta — may pera ka na! Tsaka i-timing mo na pagsumali ka dapat may “event”, yun bang birthday ng isang host o anniversary ng show kasi usually dyan sila namimigay talaga ng maraming pera.
  • Pagiging boksingero. Gusto mong gumaling mag-English at mag-endorse ng Vit Water kagaya ni Manny? Edi magboksingero ka na! Sa una papanget ka kasi syempre magugulpi ka’t lahat lahat pero bawing bawi naman yan pag napatumba mo yung unggoy na kalaban mo. Si Manny nga pumogi na (thank you Belo), ubod ng yaman pa!

Pero kung gusto mo namang kumita ng perang pinaghirapan talaga, ano pang inaantay mo? Mag-apply ka na dito: 


  • P5000/hr, Enchanted Kingdom → taga-tulak ng Anchor’s Away.
  • P7000/day, Palengke → taga-lista ng noisy.
  • P800/min, Star City → taga-hila ng Roller Coaster.
  • P900/min, Quezon Avenue → ikaw yung humps.
  • P5000/hr, PLDT → ikaw yung dial tone.
  • P9000/hr, Post Office → taga-dila ng mga sobre.

Kung hindi ka pa rin makapagdecide at mas pipiliin mo na lang magnegosyo, may tips pa rin ako sayo. So don’t worry. Siguradong yayaman ka sa mga negosyong ito:
 

  • Magtinda ng mainit na kape, kakanin at bibingka sa North Pole.
  • Magtinda ng whitening soap sa Africa.

Ano pang inuupo mo dyan? Tumayo ka na and take my advice, I don’t use it anyway.

Sino nga ba?

Sino nga ba ang tunay na malungkot?
  • Yung batang hindi binilhan ng Macbook?
  • Yung batang hindi binilhan ng Blackberry o iPhone?
  • Yung batang hindi binilhan ng iPad?
  • Yung batang hindi binilhan ng PS3?
  • Yung batang hindi binilhan ng Wii?
  • Yung batang hindi binilhan ng XBOX?
  • Yung batang hindi binilhan ng iPod Touch?
  • Yung batang hindi nakapasok sa pribadong paaralan?
  • O yung batang hindi man lang nakatikim ni minsan ng kuryente sa kanilang tahanan?
Sino nga ba ang tunay na masaya?
  • Yung batang kompleto sa luho pero kulang ang pamilya sa hapag-kainan?
  • Yung batang ni minsan hindi nagkakalyo ang mga kamay kasi may taga-gawa at mga utusan?
  • Yung batang nakikipagtulungan sa mga magulang para malinis ang tahanan?
  • Yung batang araw-araw nanlilibre para lang dumugin ng mga “kaibigan”?
  • Yung batang madungis na sa kakalaro kasama ang ibang bata?
  • Yung batang hatid-sundo ng driver?
  • Yung batang hatid-sundo ng tatay kahit nilalakad lang ang daan?
  • Yung batang pinagmamayabang ang mga ari-arian ng kanyang mga magulang?
  • O yung batang pinagmamalaki ng kanyang mga magulang?
Isipin mo nga ng mabuti. Sino nga ba?

Ang pagiging kontento ay hindi ibig sabihin ng pagkakaroon ng lahat ng bagay sa mundo. Ang pagiging kontento ay ang pagtanggap sa katotohanang hindi mo kayang akuin ang lahat. Maging masaya ka na lang kahit wala ka ng mga bagay na meron ang ibang tao. Tandaan mong meron ka ring mga bagay na wala sa kanila.. at hanggang pangarap lang sila dito.

Monday, February 27, 2012

While we're busy growing up, They're Growing old

It’s sad, you know. Growing up like this. I mean, as we grow up, we’ve been distracted with the petty stuff and we’ve been worrying about the wrong things around us.

We used to cry when we didn’t get the toy we wanted. Then we grew up a little.
We started to ask our parents for money to buy clothes, gadgets. Then we grew up a little.
We began to sneak out past our bedtime to attend parties. Then we grew up a little. And a little more. And a little more..

We’re now in school, stressing over exams and projects, playing with other people’s feelings, fighting over love, balancing our jobs as we prepare ourselves to become adults.

It’s sad, you know. It’s sad that we barely notice how fast we’re growing up and how fast our parents are growing old. It’s sad to see that we take pills and drink stuff to stay awake, stay focus, or even get fucked up while our parents take pills and drink stuff just to get some proper sleep or just to stay alive to keep their bodies functioning properly. It’s sad to know how selfish and self-centered we truly are as kids.. how we can be so naive and oblivious about the important things. But I guess that’s just part of growing up. We get exposed to new things, we learn, we come to a point where we know the truth about ourselves no matter how much it sucks. And the only thing we can do is to accept it.

Eventually, we’ll have kids of our own and this whole thing will happen to us with our own children. The cycle continues. Life goes on. But we still have now, so let’s appreciate our parents and never take them for granted.

Sunday, February 26, 2012

Ang Dami mo alam. Naging Ignorante ka tuloy

Ang edukasyon na meron ka ay hindi awtomatikong nagsasaad ng katalinuhan mo. Ang konsepto ng katalinuhan, para sa akin, ay hindi nasusukat sa mga bagay na alam mo, kundi sa kung paano mo ginagamit ang mga ito, lalo na sa mga oras na hindi mo alam ang gagawin mo.

Siguro nga e nag-aaral ka ngayon sa isang prestihiyosong paaralan — sikat at pangmayaman — kung saan ka tinuturuan paano mag-analisa ng mga sikat na literatura ng mga sikat na manunulat, mga komplikadong diskusyon at mga argyumento. Maari ring naipasa na sayo ng mga professor mo ang mga kaalaman nila. Tipong kaya mo na ring sumulat ng mga malalalim na opinyon tungkol sa mga bagay-bagay. Pero alam mo, hindi sapat ‘yun para magmayabang ka at magmataas sa iba. Oo, marami kang alam. Halos lahat ng tinuro sayo memoryado mo na. Pero para sa akin, isa ka lang kantang paulit-ulit na tinutugtog, isang sirang plaka.. isang konseptong hindi na orihinal at walang pinagkaiba.

Sabi ng mga scientist na sa tuwing may natututunan tayong bago, may mga bagay na naiiba sa utak natin at a cellular level kaya may mga bagay rin tayong nakakalimutan. Kaya ka siguro ganyan, marami ka nang natutunan kaya nakalimutan mo na ang iyong wastong pag-aasal. Nakalimutan mo nang magpakumbaba. Nakalimutan mo na kung paano tratuhin ang mga tao ng tama — mapa-anumang estado nila sa buhay — mayaman man o mahirap; malinis man o gusgusin; matalino man o hindi. Nakalimutan mo nang iba-iba tayo dito sa mundo. At dahil dun, mas ignorante ka pa sa mga taong tingin mo ay walang alam.

Sana alam mo na ang pagiging matalino ay hindi lang base sa mga facts at impormasyong napupulot sa mga libro at sa internet, kundi pati na rin sa kung paano mo dinadala ang sarili mo bilang TAO. Siguro habang binabasa mo ‘to marami kang nakitang grammatical error, pati na rin ang pagkaka-organisa ng mga naisip ko. Pasensya na pero wala akong pakialam. Ang gusto ko lang naman ay makuha mo ang punto ko. ‘Yun lang.

SA PAG-IBIG..


Kapag may nagkulang, sa halip na ikagalit mo, bakit hindi mo subukang punuan?

Kapag may sumobra naman, sa halip na i-take for ganted mo, bakit hindi mo subukan suklian?

Kapag sakto lang, sa halip na maging kampante ka, bakit hindi mo subukan pagtibayin ang inyong samahan?

Kapag may simingit na iba, sa halip na patulan mo, bakit hindi mo subukan layuan?

Kapag may mahal (na) siyang iba, sa halip na akitin mo, bakit hindi mo subukan maging masaya para sa kanya?

Kapag hindi mo kaya maging masaya para sa kanya, sa halip na magmukmok at malungkot ka, bakit hindi mo subukan mag-isip namaghihiwalay din sila may ibang taong nakalaan para sayo?

Kapag masyadong matagal dumating ‘yung “the one” mo, sa halip na ma-inggit ka sa mga taken, bakit hindi ka na muna magpakasaya sa pagiging single mo?

Kapag torpe siya, sa halip sa magpakipot ka, bakit hindi mo subukan na ikaw na lang ‘yung mauna?

Kapag siya naman ‘yung nauna, sa halip na magpakipot ka pa, bakit hindi mo subukan na huwag na siyang pahirapan pa?

Kapag naging kayo na, sa halip na ibuhos niyo lahat ng pagmamahal niyo para sa isa’t isa, bakit hindi niyo subukan magpasintabi ng kaunti para kung sakali man e matapos ‘yang lahat meron pang matira?

Kapag iniwan ka ng taong mahal mo, sa halip na maging brokenhearted ka, bakit hindi mo subukan tanggapin ang katotohanang wala na siya?

Kapag nahihirapan kang magmove on, sa halip na manggamit ka ng iba, bakit hindi mo subukan ilagay ang sarili mo sa posisyon nila?

Masakit hindi ba? Kaya nga mag-isip-isip ka muna bago ka pumasok sa mga sitwasyong ganyan.. mga sitwasyong hindi tiyak ang kahihinatna

Sunday, February 12, 2012

Mga Uri ng Kopyahan sa Eskwelahan.

Fast Break - nagsisihaba ang leeg ng mga katabi, maaring ikaw sa iyong katabi kapag hindi mo alam ang sagot. Hanggat kaya mong ihaba ang iyong leeg eh gagawin mo ito. Kulang nalang ikaw si lastikman para todo todong itutok mo na ang mukha mo sa papel ng katabi mo. Fast break! Mabilisan, paspasan, baka ipasa na ang papel. Wala ng tanong ng tanong. Basta kopya lang ng kopya.

Lay Up - ito naman ang iaabot sayo mismo ng katabi mo ang sagot, kumbaga ka vibes mo yung katabi mo, maaring tropa o kaibigan. Ito ang masarap na experience lalo na kapag hindi nakita ng teacher.

Rebound - ito yung sasalo ng mga sagot na nakuha mo sa kabila. Kunwari tatlo kayo sa upuan. Yung pinakamatalino yung nasa pinaka gilid, tapos ikaw yung nasa gitna. Tapos may isa pang nag aabang ng sagot sa dulo. Rebound niya ang Lay up ng katabi mo.

Alley Oop - kung katabi mo ang pinakamatalino sa loob ng klase, ikaw ang kokopya at isusulat mo ang mga sagot sa isang malinis na papel. Kapag wala ang teacher o kaya naman hindi nakita ito. Ibabato mo itong papel sa likod para sa mga kaibigan mong umaasa din sa sagot ng katabi mo. Kailangan malakas ang pakiramdam mo at tama ang bigat ng papel para diretso sa likuran ito. Kung hindi, baka hanginin ng electric fan at makita ng iyong guro. Patay kayo diyan.

Substitution - ito yung limitado lang yung alam nung taong nakaka alam, so maghahanap at bubulong ito sa taong nasa harapan niya kung may sagot na ba ito at kokopyahin na lang niya ito at i share niya rin ang iba niyang sagot para magkatulungan na talaga. Tapos ikaw naman ang rerebound ng sagot nung nasa kabila at i alley oop mo ulit ito sa likod.

Time Out - tamang nakikiramdam ang lahat sa guro na nasa harapan, akala mo may coach at may mga kanya kanyang plano. May isang kakausap na estudyante sa guro para mawala ang atensyon niya sa klase at mag uumpisa na magtanungan at magbatuhan ng sagot. Hindi ganun kadali ang kopyahan na ito.

Isolation Play - ito yung pa isa isa ka magtanong, lalo na kapag hindi mo naman ka close ang katabi mo. Tamang nakiki feeling close ka, kunwari may sagot ka sa number 8 at itatanong mo yung number 7. Pero ang totoo naman talaga eh wala ka pang sagot sa lahat. Masabing may sagot ka lang at may maitanong ka lang. At kapag ipinakita niya ang papel niya. Kakabisaduhin mo lahat ng posible mong makita. Sa mga ganitong pagkakataon halos tatlo lang ang maalala mo sa tinignan mo. Dahil hindi naman astig ang utak mo para makabisa lahat ng sagot sa papel ng katabi mo.

Kung magmamahal ka ng tao.

Siguraduhin mo unang una eh handa kang masaktan. Dahil hindi puro sarap ang iyong pinuntahan. Para kang pumasok sa giyera. Na ipaglalaban mo kung ano ang nararamdaman mo. Kayo ang magkakampi dito. Minsan sa gerang ito, hindi niyo maiiwasang mag away. Dahil ang problema ang inyong kaaway. Dahil hindi kayo magkaintindihan. Kayo ay mag sisigawan. At dahil dito napagtataasan ka na niya ng boses.

Kung magmamahal ka siguraduhin mong mahal mo talaga. Yung tipong wala na talagang iba. Kung baga siya na lang at wala ng iba. Ang panget naman kung mahal mo siya tapos may iba ka. Ano yun lokohan? Ano yun? Dalawa puso mo? Bakit hindi mo i transplant o i donate yang isa. Nakatulong ka pa sa taong nangangailangan.

Handa kang magpatawad. Ito dapat ang laging iniisip ng taong nag aaway. Hindi naman wrestling ang relasyon na kailangan na lang lagi mag away. Dapat lagi kayo magkabati. Kapag may kasalanan ang iba. Eh kung hanggat maaring mapatawad mo ay gawin mo. Nag sosorry na nga e. Alam mo naman siguro kung concern na siya ngayon. Kapag hindi mo napatawad ang isang tao. Dito siya magsisimulang manglamig. At baka maghanap ng iba to.

Handa ka sa pwendeng mangyari. Hindi porket mahal niyo ang isat isa ngayon eh hindi na kayo mawawala sa bawat isa. Tandaan mong nasa relasyon palang kayo. Yung mga taong nagsumpaan nga nag kakahiwalay pa. Kayo pa kayang nasa relasyon pa lang? Maging matapang para sabihing sapat na ang ipinakita ko para mahalin ka. Para kapag iniwan ka. Hindi ikaw ang may kawalan kundi siya.

Wednesday, February 1, 2012

Mga Behind the scene ng bawat break-up lines. Part 2

Calachuchi Bahaghari went from being “In a relationship” to “Single”**. Sabay may drawing ng isang maliit na puso sa dulo. Isa sa mga post na lintik kung makatawag ng atensyon. Lalo na kung kilala mo ang taong yun at ang jowa niya. Tipong sumikat ang love team nila dahil sa maka-diabetes na ka-sweetan. Couples shirt kung saan ang nakaprint ay mukha ng bawat isa. Holding hands while kumakandirit. Magkadikit na pisngi ang profile pic nila sa FB. I love you messages sa text, sa call, sa twitter, sa status, sa email, sa YM pati na din sa telegrama

Dont get me wrong. Walang masama dun. In fact, Hanga ako sa mga taong hindi alintana ang iba sa pagpapadama ng kanilang pag-ibig. Pero paano kung biglang matapos ang dating akala mo ay walang hanggan? Paano kung naglasang hilaw na bayabas ang dating sintamis ng bukayo? Paano kung naihipan ng malakas na hangin ang apoy? Paano na kung wala na kayo?

Okey lang siguro kung mutual ang decision. Tamang “apir” lang, naka move on na kayo pareho. Parang walang nangyari

1. I HOPE WE COULD STILL BE FRIENDS – Oo naman. Buburahin nga lang kita sa Facebook, Twitter at cellphone ko. Susunugin ko din mga litrato mo para gawing bonfire. At wag na wag kanang dadaan sa bahay. Bibili ako ng bagong aso. Yung hindi ka kilala. Para lapain ka kung sakaling maligaw ka samin. Pero friends parin tayo.

2. I STILL CARE – ibig sabihin nito, wag mo daw bawiin yung mga mamahaling gamit na niregalo mo sa kanya.

3. I LOVE YOU, BUT IM NOT IN LOVE WITH YOU – Astig. Nakuha niyang durugin ang puso mo ng pinong-pino na tila pulbos ng espasol dahil lang sa salitang “IN”. Kahit sa scrabble hindi pwede yun eh.

4. I WILL TREASURE YOU FOREVER – ako din, i will treasure you forever. Pwede ko bang hingiin ang bungo mo para gawing souvenir??

5. YOU WILL REALIZE THAT IT’S FOR THE BETTER – siguro nga. Dadating ang panahon na matatangap ko din. Salamat ha. For the mean time, pwede ba kitang saksakin ng bread knife sa leeg? Pang-alis stress lang.

6. YOU’RE LIKE A BROTHER/SISTER TO ME – kung trip mo ding halikan ang kapatid mo tulad ng sa atin. Patingin ka sa psychiatrist.

7. IT’S NOT THAT THERE’S SOMEONE ELSE (FOR NOW) – wala naman daw siyang iba. as of this moment. habang kausap ka niya at mahigpit ang hawak mo sa tinidor at kutsilyo.

8. IT’S OVER, PLEASE UNDERSTAND – oo nga naman. Intindihin mo siya. Mukhang hirap na hirap si gago sa pinagdadaanan niya. Sana maintindihan ka rin niya pag sapilitan mo siyang pinainom ng insecticide.

9. MAYBE IT’S STILL US IN THE FUTURE – astig. Pansamantala muna niyang dudukutin ang puso mo at ilalaglag sa blender. Tapos ibabalik niya sayo ang baso ng dinuguan shake kalakip ang pag-asa na baka bukas o sa kabilang buhay e magiging kayo uli. Sarap no.

10. YOU’RE STILL MY BEST FRIEND – the best. Ayaw mo nun? Bestfriend ka pa rin niya? So ibig sabihin, ililibre mo parin siya at obligado kang magregalo tuwing may okasyon. Anong kapalit? Ikaw lang naman ang unang makakaalam kung sino ang bago niyang jowa. Ikaw din ang unang makakarinig ng mga “sweet moments” nila nung ipinalit sayo, habang ikaw ay busy sa paghihigpit ng tali sa iyong leeg na nakasabit sa ceiling fan.

Pagkatapos mong palitan ang pangalan niya sa phonebook bilang Lucifer, gawing scratch paper ang mga sulat niya pag math exam, idikit ang picture niya sa mga wanted posters, ituro siya bilang prime suspect sa holdapan ng mga computer shop, idelete sa mga social networking sites, ipagkalat na ipinanganak siyang may buntot na parang unggoy. Aminin mo. Ilang beses mo paring chinecheck ang profile niya sa FB gamit ang isang dummy account. Natural lang yun. Alangan namang maghanda ka pa ng pansit at biko dahil iniwan ka ng jowa mo. Di madaling lumimot. Pero lilipas din yan. Parang gutom. Mahapdi sa simula. Pero nawawala din. Dadating ang oras, matatawa ka nalang kung bakit mo pinagaksayahan ng luha ang gung-gong na yun.

Hindi lahat ng nakipaghiwalay sa kanilang mga karelasyon ay manloloko. At hindi lahat ng nanatili sa kanilang “relationship status” ay matino.

Ang nabigong pag-ibig ay parang sugat. Patakan mo ng kalamansi. Para di ka maiputan ng ibong adarna.



Friday, January 27, 2012

Mga Behind the scene ng bawat break-up lines.


1. IT’S NOT YOU, IT’S ME – Anak ng hilaw na sayote. Isa sa pinaka lumang litanya. Sa sobrang luma nito, pwede na siyang itabi sa “I shall return” ni Mcarthur. Kung may iba pang chicks noon, malamang ito ang ginamit ni Adan para makipagbreak kay Eba. Ikaw naman pala ang may problema, bakit sakin ka nakikipaghiwalay? E di dapat ang iwanan mo e yang sarili mo. Schizo kaba o naka coccaine?

2. YOU’RE TOO PERFECT FOR ME – Applicable lang ito dun sa mga jowa na halos nasa kanila na ang lahat. Gwapo/Maganda. Matalino. Mayaman. May magandang career. Magaling sa sports. May alam sa music. May sense of humor. Mabait. Samakatuwid. Noong umulan ng magagandang katangian, may dala siyang planggana. Siya lang ata ang anak ng Diyos. Hindi ito pwede sa bf/gf mong ex-con o drug pusher.

3. IT’S NOT WORKING – Isa sa pinakamalabo. Bakit “not working”?. Sira ba tayo na parang alarm clock na hindi tumutunog? O cellphone na hindi nakakareceive ng call kahit may signal? Ano? Kelangan bang palitan ang mga battery natin?

4. MAYBE WE’RE NOT MEANT TO BE – Naks. Paano mo naman nasabi yun? Dahil ba hindi tayo nagtagpo sa ilalim ng gabi na puno ng bituin? Dahil ba magkaiba ang sinagot natin sa compatibility quiz sa internet? Dahil ba vegetarian ka at nasusuka ako sa chopsuey? O dahil ayon sa horoscope e hindi tugma ang mga zodiac sign natin? Diba may bagong sign na nadagdag? Icheck mo ulit. Baka this time. Meant to be na.

5. I THINK WE WOULD BE BETTER OFF AS FRIENDS – Sabagay. Kaya nga kita hinahatid sundo araw-araw. Kaya kita dinadalaw sa bahay niyo. Kaya kita tinetext ng iloveyou bawat oras. Kaya nga kita nililibre ng sine at dinner linggo-linggo. Kaya kita nireregaluhan ng alahas at sapatos kahit wala na akong makain. Kasi alam ko, sa bandang huli, FRIENDS parin tayo. Pakyu.

6. I’M NO LONGER HAPPY – Bakit? Teka. May mga bago naman akong knock-knock. Promise, di ko na uulitin yung joke tungkol sa contest ng hapon, intsik at pilipino sa pagpapalakasan ng putok. Mag-aaral ako ng juggling. Matuto din akong mag-magic.Magpaparetoke ako para maging kamukha ni Mr. Bean.

7. I FELL OUT OF LOVE – Asan? Baka pwede pang damputin? Pag-pagan lang natin. Wala pa namang 5 minutes o dumaan na eroplano.

8. I NEED SPACE – isa pang malabo. Bakit? Buong araw ba tayong naglalakad sa isang masikip na eskenita? Pero kung gusto mo talaga ng space, halika, ilalaglag kita sa gitna ng pacific ocean.

9. MAYBE IT’S NOT THE RIGHT TIME – Parang linya lang sa kantang “somewhere down the road”. We had the right love at the wrong time. Teka. Kelan ba ang tamang panahon? Pwede bang sabihin mo para mai-ekis ko sa kalendaryo namin? Siguro naniniwala siyang magugunaw na ang mundo sa 2012.

10. I HAVE A DIFFERENT SET OF PRIORITIES – Sinabi ko bang umabsent ka sa trabaho para makapamasyal tayo sa Luneta? Binabawasan ko ba ang sahod mo na parang SSS at PAGIBIG? Kinumbinsi ba kita kahit minsan na iwanan ang pamilya mo at magpalit ng career bilang suicide bomber?

11. I DON’T SEE MY FUTURE WITH YOU – Ok lang sakin to. May lahi pala sila ng manghuhula. Itanong mo ang kombinasyon na tatama sa lotto bago ka umuwi.

12. YOU’RE NOT THE ONE – Patay tao diyan. Solid hit ito. Kumbaga, hindi ikaw ang tamang susi para sa isang kandado na tulad niya. So hindi bubukas. Hayaan mo na. Tandaan, ang mga kandado ay bagay lamang sa bilibid.

13. WE’RE TOO SIMILAR – Hala. Sobra naman daw ang compatibility niyo. Nagiging predictable at boring na ang relasyon. Hayaan mo na, tanggapin mo nalang pag sinabihan ka ng ganun. Sabay regaluhan mo ng aso. Pakasalan niya kamo. Ewan ko lang kung maging “too similar” pa. Hayop yun. Tao siya.

14. WE’RE TOO DIFFERENT – Sala sa init. Sala sa lamig. Masyado naman kayong magkaiba kaya daw hindi nagwowork. Ano bang gusto ng BF mo? Parehas kayong may bigote? Ano ba gusto ng GF mo? Pareho kayong gumagamit ng sanitary napkin?

15. YOU DESERVE SOMEONE BETTER – Bakit? Higanteng teddy bear ba ako na premyo sa Timezone at kulang ang ticket na napanalunan mo?

16. WE’VE GROWN APART – Ano tayo? Sanga ng punong acacia?

17. I DON’T SEE MYSELF IN A RELATIONSHIP RIGHT NOW – tang ina ka. Bakit ngayon mo lang sinabi??

18. WE SHOULD CONSIDER OTHER OPTIONS – aruy. Sabagay, kung sa carinderia nga, di pwedeng puro adobo nalang ang ulamin mo. Try mo din yung piniritong isda na kahapon pa naghihintay na may bumili.

19. MAYBE THERE’S SOMEONE ELSE FOR BOTH OF US – oo naman. Gusto mo ireto kita sa tropa ko? Si Jograd. Mabait yun. Kalalabas niya lang ng manila city jail. Rape with murder ang kaso. Magkakasundo kayo. Try mo lang. Ano ngayon kung puro tattoo sa braso? Art yun. And dont judge a book by its cover.

20. WE’RE NOT THE SAME PEOPLE AS WE WE’RE BEFORE – ibig sabihin di na siya tao. Bampira na siya. O werewolf na may six pack abs.

Tuesday, January 10, 2012

THIS IS FOR THE BROKEN HEARTED.

I know how you feel. Empty, betrayed, and no happiness whatsoever. You don’t want to laugh, because you know it’s not going to help, but you don’t want to cry, because it will just make you feel worse. You feel like your heart is falling apart, but not only that, but you know soon your life is going to feel like it’s falling apart too. You don’t think it will ever end, and no matter what this person has done to you, it feels impossible to stop loving them.


And everyone wonders why if they have hurt you so much, then why do you still love them. That’s the confusing part, you don’t know why, you just do, and the people who hurt you the most, and normally the ones you love the most. And then, after a few weeks, you finally feel a sense of relief, like you’re getting happy again, but you know inside that you’re just going into denial. And after a few more weeks, you’re back to where you were an empty soul and teary eyes. You thought you got over them, but really, you just stopped showing it. And you can’t help but to show it again. It leaves deep scars on your heart that are there forever.


And no one understands how you feel, and how deep you are hurt, no matter who they are, because it hasn’t happened to them And even if it has, every broken heart is different. They don’t know the true pain you feel and carry each and everyday now, so you learn that basically you are alone with all this. And the feeling starts to overwhelm you, and suddenly you just break down, right there, because you know you’ve had enough, the tears just instantly start flowing, and you’re to the point where you don’t care who see’s. Because you’ve spent so many nights lying awake in bed, and so many days being haunted by the scars and fear of rejection. And in the midst of all these tears, you know that its not helping any, and it’s not going to bring them back,


if you ever even had them in the first place. After about a million tears have been cried, you finally pull yourself back together and keep going. Your throat starts to clench and your eyes burn with the tears you are trying to hold back. Everyone says, “It will be okay…” But you know it won’t. And that’s the truth, it won’t. And you look back on all of the hurt you had from this, and you realize that people are horrible.


You’re still hurt, but you’ve learned to hide it so that everyone thinks you are okay. So now every time you see this person, you know you still love them, and you feel a slight tingle in your heart yearning for them to love you, screaming out, but for some reason they don’t hear it. And then you sit back and wonder how one person could have caused all of this…

Sunday, January 8, 2012

"PAG PARA SA’YO, PARA SA’YO."

Dadating din ‘yung pagkakataon na makilala mo ‘yung taong alam mong para sa’yo talaga. Soul mate mo sabi nga nila. Kahit na hindi ka naniniwala sa mga ganyang ka-cornyhan magugulat ka na lang dadating siya bigla sa’yo. Kahit na ano pang sabihin mong standards mo, mababaliwala lahat ng ‘yun ‘pag nakita mo na siya. ‘Pano mo nga ba malalaman na siya na ‘yun? Depende kasi ‘yan, pero para sa akin eh mararamdaman mo na lang bigla ‘yun. Alam mo ‘yung pakiramdam na hindi mo ma-explain? ‘Yung pakiramdam na hindi mo mailagay sa mga salita ‘yung nararamdaman mo? ‘Yung kakaibang saya at satisfaction? ‘Pag naramdaman mo ‘yun, masasabi kong siya na nga ‘yung taong hinahanap mo.

Pero minsan, hindi din naman maiiwasan na kahit na naramdaman mo ang mga bagay na ‘yan eh hindi pa din kayo nagkatuluyan. Kung baga, na sa inyo naman ‘yun kung kaya niyong ipaglaban ang pagmamahal niyo para sa isa’t isa. Pero hindi din naman sapat ‘yung pagmamahal lang para umabot kayo dun sa tinatawag nilang ‘forever’, kailangan andun pa din sa inyo ‘yung ‘spark’ na tinatawag. Kung nakita mo na nga ang taong para sa’yo tapos hindi pa din kayo nagkatuluyan, ibig sabihin lang nun eh nagkamali ka at akala mo siya na talaga.

Magugulat ka na lang kasi kung ano pa ‘yung hindi mo ine-expect na timing o lugar eh doon mo siya maaaring makilala. Pwede mo siyang makilala kahit ‘san, kahit maging sa internet man. Wala naman kasing pinipiling lugar, oras ang pag-ibig. Bigla mo na lang mararamdaman ‘yun at kahit na anong gawing pigil mo eh wala ka ng magagawa. Magkahiwalay man kayo sa hinaharap pero kung kayo talaga sa isa’t-isa, ‘wag niyong hayaan na tadhana lang ang gumawa ng paraan para doon. Kailangan gawin niyo pa din ang part niyo para lang matupad niyo ang pangarap niyong kayo na nga hanggang dulo.

Sobrang magical ang love. Isa ‘yan sa mga natutunan ko. Kahit na hindi ka corny, magiging corny ka. Hindi lang magical, weird din siya. Pero masasabi mong weird yet it’s amazing. ‘Pag nasabi mo na ‘yang mga ‘yan sa sarili mo, ‘yan na nga ang matagal mo ng iniintay.

Monday, January 2, 2012

Buhay, Pagbabago, atbp.

Habang tumatanda, mas humihirap ang mabuhay — both literally and figuratively speaking. At syempre mas gusto ko pagusapan yung figuratively part.

Sa pananaw ko, parang kada pagsubok ay may katumbas na edad — at saka depende sa mga pagsubok na napagdaanan mo na, sa kapabilidad mo, sa priorities mo sa buhay… punyeta ang dami palang factors, kaya mag-stick na lang tayo sa edad.

Nung elementary ako, ang mga madalas ko lang ireklamo ay ang pagtulog sa hapon, paglalaro sa labas hanggang alas-sais ng gabi, at ang mga bully kong kaklase na ngayon ay nag-aaya ng reunion. Pagtuntong ko ng highschool at college, mga terror professors, projects, and beating the deadlines na yata ang pinakamahirap na pagsubok na naharap ko. After getting my bachelor’s degree, life became harder and harder.

Unti-unting nagsilitawan ang mga problemang hindi masosolusyunan ng kahit anong metrics tulad ng grade slip at monthly salary. Unti-unting nagsulputan ang mga pagpipilian sa buhay, that even if the better option from these choices seems to be obvious — mahirap pa rin pumili. Palibhasa, dumedepende sa desisyon mo ang magiging takbo ng buhay mo at ang magiging end result nito. At bukod pa dun, kada desisyon mo ay siguradong may consequences na katapat.

And there’s even more frustrating than having a hard time in making decisions. That is when you thought you know what you’re doing and you already made a decision which path you will take, then after a while, you will come into realization that you’re not happy for some reason. You know there’s something wrong but you cannot pinpoint where. Eto yung pakiramdam na parang bigla kang naligaw. At madalas na nagsisimula ang mga gantong realisasyon at pakiramdam sa mga tanong na “Kamusta ka na?”

Aaminin ko, maraming pagkakataon na nawawalan ako ng lakas ng loob at ng tiwala sa sarili ko. Pero sa tingin ko, normal na humihina ang loob natin on some point. Weakness na kasi ng tao yun e. But what will make it worse is when you continue being weak. Kapag kasi sinanay natin ang katawan natin sa pagiging mahina, mahihirapan na tayong baguhin ito.

Ano na nga bang plano ko? Hindi ko rin alam at hindi rin ako sigurado. All I know is that I have to keep on moving if I don’t want to get stuck in here. Hay, I wish I knew myself better para ma-determine ko nang maayos ang mga goals ko sa buhay. Tunay nga talagang ma-swerte ang mga taong natagpuan agad nila ang kanilang kaligayahan sa murang edad. Sana naman mahanap ko rin yung akin bago ako mamatay.

Sunday, January 1, 2012

Script Direct Act What?

Hindi ako naniniwalang scriptwriter tayo ng buhay natin. Hindi rin direktor. Tayo lang ang bidang artista (sino ba namang gustong maging kontrabida, ‘di ba?) Napaka-cliche na kasi ng kasabihang laging ginigiit na scriptwriter at director tayo ng buhay natin at tayo ang may hawak ng ating istorya.


Kung scriptwriter tayo e ‘di sana iniwasan na natin lahat ng eksena sa buhay na maaaring makasakit at maka-down sa pagkatao natin at ang nilagay na lang natin eh mga mild emo scenes at mga masasayang alaala na nais nating ilagay on replay. Meron na sana tayong ma-ala Disney love story o ‘di kaya pang Motion Picture. Sana lahat ng Climax eh walang panira at lahat ng ending eh masaya. Kaso hindi, ‘di ba? Hindi.


Hindi rin tayo ang direktor kasi hindi natin hawak ang sitwasyon, wala naman tayong alam sa mangyayari bukas, kahit nga si Zenaida sa Umagang Kay Ganda eh naniniwalang ang mga bituin eh gabay lamang at freewill pa rin at spontaneous moments ang iiral. Siguro ang na-didirect lang natin eh ang mga decision pero ang mismong situation hindi. Maaaring maganda ang decision mo pero palpak ang sitwasyon kaya wala rin. Hindi rin tayo ang may last say kung meron pang-Take 2 ang buhay o kung meron pa bang taping sa susunod na araw.


Tayo ang bidang artista, sumusunod sa tunay na direktor at sa nakalatag ng script sa buhay na nakasalalay sa’tin kung pa’no natin i-a-akto. Sa’tin nakasalalay kung bebenta ba ang pelikula o magiging imbakan lang ‘to ng mga alaalang puno ng basura. Tayo ang hahatak sa tao, meron kanya-kanyang love interest at antagonist na hindi mo maiiwasan. Wala tayong double. ‘Yun lang ang pinagka-iba. Kaya ‘pag nasaktan ka, walang sasalo para sa nararamdaman mo. Sa acting mo nakasalalay kung papalakpakan ka ng tao o uuwian ka lang nila ng dismaya.


Kaso may isa lang akong tanong.. Sino nga pala ang producer?

Tuesday, December 27, 2011

Minsan nang sumagi sa isip kong batuhin ng coins ‘yung mga nagmamaganda sa jeep.


Wala namang mawawala sa’yo kung iaabot mo ‘yung bayad nung nasa may bandang dulo. Ay sos mga ‘te! Tanggal-tanggal din ng arte. Isa pang kina-iirita ko eh ‘yung mga palatak ng palatak ‘pagka medyo nasisiksik sa jeep. Kung ayaw naman kasi ng masikip at kung ayaw makisuyuan eh ‘di mag-taxi sila. Kaso ‘yun na nga eh, tag-tipid din at praktikal ‘kala mo kung sino tapos ‘di pa marunong makisama. 

Ang sarap pa-bitinin dun sa string na hinahatak para tumigil ‘yung jeep! Pahabol pa nga pala ‘yung mga pa-side view umupo, sana pang-dalawang tao na lang binayad ‘di ba?

Tuesday, December 20, 2011

Simbang Check In!

Hanep ibang iba na talaga ang teknolohiya ngayon at ang mga kabataan ngayon. Dati kung ang mga simbang tab.. gabi eh talagang pure na simba lang, aba sosyal ngayon! At may mga makikita ka na sa mga Social Networking Sites na nag Check-In pa ha! Magsisimba na lang. Ang kulit lang tipong

Puyat pa ako! - At Quiapo Church

Ang tagal naman ni Loves! - At Sto. Domingo Church

Im with my barkada, after magsimba tambay starbucks later! You know, drink some coffee, read some book with my barkada. Syempre, puyat, i need to make gising na eh - At Barasoain Church.

<Insert Church Image Here> - via instagram

Pero sabi nga ng isa kong idolo rin dito eh hindi naman natin sila masisisi, kahit naman siguro ikaw mismo, gusto mong ipakita na banal ka, kahit na napipilitan ka lang minsan. Parang formality, masabi mong nagsisimba ka, kahit na nawawala na yung sakramento ng pagsisimba eh sige pa rin. At least nag effort ka, at alam mo naman sa sarili mo yung ginagawa mo eh. Kung sino ang niloloko mo.

Sino may sabing hindi natin kailangan ng Math sa Buhay?

  • Nandyan ang SLOPES ng problema sa Buhay.
  • Mga X na pilit tayong sinasaktan, at yung hindi mawala walang Y’s ng ating mga kaibigan.
  • Minsan ang tadhana natin sa kanila eh maaring mag Intersect.
  • Dapat sa pag-ibig alam mo ang distributive property. Para hindi ka nasasaktan at hindi mo nilalahat ang pag-ibig mo sa kanya.
  • Sa samahan niyong pagkakaibigan hindi mo alam kung anong degree na ba ang friendship niyo, kung ready to the next level na ba o hindi pa.
  • Minsan unfair ang love, laging may inequality.
  • Si GOD dapat ang MIDPOINT ng relasyon niyo.
  • Think POSITIVE lagi dapat, walang magagawang mabuti ang pag-iisip ng mga NEGATIVE na bagay.
  • May POWER kang natatangi sa buhay mo, may sarili kang kalakasan, gamitin mo ito para sa iyong kahinaan.
  • Lahat ng problema ay may SOLUTION.
  • Natuto tayo mag PROVE at mag ASSUME.
  • At ang lovelife, madalas ZERO.
  • Pag RATIONAL ka, reasons ang ginagamit mo at hindi senses lang.
  • Maganda ang POINT ng sinulat ko diba?

Monday, December 19, 2011

At least sila meron. Ikaw wala.

May mga pagkakataon sa buhay ng isang tao na manlalait siya ng mga relasyon, mga taong nakikita niya sa mall, sa palengke, sa village niyo o kahit saan pa man na may nakikita kang magkasintahan na naglalakad.

Hinuhusgahan mo sila ayon sa itsura. Yung mga jejemon na nakikita mo sa mall na sobra makaakbay sa mga kani kanilang shota. Mga matatanda na daig pa ang mga bata makipag PDA sa mga Mall. Pero mas tanggap naman ng lipunan ang mga matatandang sobrang sweet, dahil bihira na ang ganun ngayon.

Minsan pa nga kapag mukhang katulong yung babae, sinasabi mo dayoff. Taos huhusgahan mo din ang kasama niya na maaring security guard o construction worker naman. 

At least meron sila yung tinatawag na tunay na pagmamahal, yung tunay na pag-ibig ika nga, yung hindi nila iniinda kung ano at sino sila, yung pinapahiwatig lang nila eh yung pagmamahal. Nararamdaman nila sa isat-isa yun. Kung tutuusin wala naman talagang panget na magkarelasyon. Patuloy na ang nag-iisip lang nito eh ang mga mapagkutyang tao, mga tao na walang ginawa kundi manira maitaas lang ang sarili nila.

Kaya mga nananatiling single eh, sabagay.. Hindi nga naman natin masisisi, malay mo ilang beses ng niloko ng kasintahan, malay mo puro palpak na lang ang pinasok na relasyon dahil ang gusto ko eh yung magandang bebot o isang mala Piolo Pascual na Chikboy. Ayan kaya sa huli iniiwan, niloloko, umaasa, pinapaasa.

Di tulad ng mga nilalait mo sa mall, dinaig ka nila sa diskarte, dinaig ka ng mga jejemon na inaasar mo, Bakit? Eh malakas loob nila e. Kanya kanyang swerte ika nga. Kanya kanyang bola ng kapalaran.

Kahit anong pang lalait pa yan sa kanila, at least sila meron.. Ikaw wala :)

Sunday, December 18, 2011

If I'm not an Engineer, I would be a...

If I'm not an Engineer, I would be a Pianist ;)

ayan ung sinabi famous line ng kaibigan ko .. pero ang sagot ko sa tanong na yan..

If I'm not an Engineer, I would be a Writer ;)

Bakit gusto ko maging writer kung sakali hindi ako Engineer?.. iba ang pakiramdam pag nag susulat . lahat ng nasa utak mo ma sasabi mo.. parang eto ung naging escape ko sa realidad kapag masaya o malungkot ako.. simple lang ang gusto ko maramdaman ng bumabasa ng blog post ko. ung makita nila kung ano ang pananaw ko sa buhay. kung pano ko tignan ang bawat angulo ng problema. lagi ko sinasabi sa sarili ko.


"Masyado ma-iksi ang buhay para maging malungkot. at hindi tayo habang buhay nandito kaya gawin natin ang makakapag pasaya sa mga taong mahal natin."
Hindi mahalaga sakin kung my nag babasa or wala. at pag dumating ung panahon na wala na ako dito sa mundo at least my ma iiwan ako. na pwede nila basahin pag wala sila magawa habang nag facebook. hahaha.. biro lang
Wala ako istilo sa pag susulat basta ang gaan kasi sa pakiramdam pag nasasabi mo ung ingay sa utak mo ng wala masyado humuhusga agad. oo takot ako ma husgahan dahil takot ako ma kumpara sa iba. hindi dahil sa insecure ako.. dumadating kasi sa punto ng tao na hindi na kuntento sa mga natatamasan nila kaya, aun nag hahangad tayo ng mas mataas pa.. pero hindi ba mas masaya pag simple lang wala arte sa buhay. wala reklamo. wala ingitan. ung wala gusto malalamangan..parang coke SAKTO lang.. haha korni.

Tandaan mo iba't iba ang kakayahan ng mga tao. Ibang pananaw nila. Ibang paniniwala. na dapat natin respetuhin at intindihin kasi. Sa mundo ito kahit mag paka totoo ka. Huhusgahan ka.., At least alam mo sa sarili mo kung pano maging ikaw na walang tinatapakan ibang tao.. Diba?






To all my INAANAK

Requirements to claim your gift:
  • Original copy of your baptismal certificate.
  • Certified TRUE and ORIGINAL copy of your birth certificate. (NSO-Yellow)
  • NBI Clearance of your Parents
  • Baptismal Picture of you and me
  • Exact time, date and location of your Baptismal.
  • What was the first gift that I have given you.
  • Barangay clearance
  • A 15-minute talent presentation (preferably acrobatic stunts). Sige na nga baka sabihin nyo hindi ako considerate kahit i-CD nyo na lang (ala-Showtime)

*No Proxies when passing the requirements.
*No alalays when claiming.
*Please pass these on or before December 24, 2011

*Incomplete requirements = NO GIFT
*Late submission of requirement = NO GIFT din

Wrestling = Soap Opera for Boys.

Alam naman nating lahat na Scripted ang Wrestling, sobrang naloko ang kabataan natin dahil talagang pinaglalaban pa natin na hindi scripted ito, sobrang naapektuhan tayo dati kung sino ang mananalo, tapos sobrang natutuwa at naaastigan tayo kay Undertaker dahil nabubuhay siya pagkatapos niyang mamatay at higit sa lahat pumuputi ang mata niya.

 Nakakamiss yung mga pumanaw na, sila Eddie, Chris Benoit tska si Ultimate Warrior.

 Gusto rin natin laging nakikita si The Rock, Batista, Triple H, Stone Cold at marami pang iba. Nagagalit tayo madalas kapag may masamang Wrestler na maghahampas ng Steel Chair sa bida. Still undefeated pa rin pala si Undertaker sa Wrestlemania after niyang ma Tombstone ng isang beses ni Triple H at tatlong pedigree, siya pa rin ang nanalo. Dahil sa Submission.

Nakakatuwa na hanggang ngayon eh sinusubaybayan pa rin ito ng karamihan, alam naman kasi natin ang trip ng mga lalake, kakaiba talaga. Nakakatuwa pa rin na kahit may UFC na at MMA eh patuloy pa ring tinatangkilik ang World Wrestling Entertainment.

Saturday, December 17, 2011

Use your Words Wisely.

Lahat ng BABAE manloloko.
Lahat ng LALAKE manloloko.
Bakit hindi mo na lang gawin na lahat ng TAO manloloko?

Ganun din eh, parehas lang din may magagalit kapag nilalahat mo ito. Bakit hindi mo na lang pangalanan. Kunwari

SI Juan ay manloloko.
Si Dolor ay manloloko.
Parang ganyan, dapat safe tayo sa mga sinasabi natin, maaring sa atin yan pero dapat sensitive rin tayo kahit papano sa mga nakapaligid satin.

Katulad ng

Dapat sa BABAE minamahal.

Paano ang lalake? Dapat minamahal din dapat diba?

Dapat palitan ito ng

Dapat ang TAO minamahal.
O diba? Safe at in general ka magsalita? Sa paraang yan matutuwa palagi ang tao sayo. Tipong neutral ka sa mga bagay bagay na nakapaligid sayo. Lumalabas na nagpapaliwanag ka lang, at hindi nagpapatama kung kahit na kanino.

Kaya hindi matapos tapos ang gender war eh, dapat lahatin na lang. Ganun din naman eh, walangya. O kaya para safe ka lagyan mo ng


Yung ibang lalake.Yung ibang babae.

Kung medyo may pagka gender hater ka talaga.

Pero iba talaga kapag Tao ang nilagay mo, pwede lahat

Girl Boy Bi Tomboy.

Edi ang saya ng ating society diba?

Taong kwarto ka rin ba?

Yung ang mundo mo eh umiikot sa loob ng kwarto, lalo na kapag may laptop ka or sariling desktop sa loob ng kwarto. Para bang napakaliit ng bahay mo dahil dun ka lang nakapirmi. Ok din kasi mag-isa minsan sa kwarto eh, nandun lahat ng privacy mo, lahat ng bagay na ginagawa mo eh maluwag mong nagagawa dahil nga walang nakatingin, walang nakikinig, sarili mong mundo. Ikaw ang boss, ikaw ang masusunod. Dito rin nakakapag-aral ng maayos. Onting soundtrip galing internet, o kaya naman galing mp3 player tapos may maliit na speaker eh may mahihiling ka pa ba?

Minsan masarap makipagusap kapag nasa loob ka lang ng kwarto, maari mong lambingin yung kinakausap mo, pwede ka mag open ng kahit na ano. Basta masaya kapag may sariling kwarto.

May mga tao rin naman na ang buhay eh nasa sala. Dahil nandun ang computer, dun na umiikot ang mundo niya, doon na siya nanunuod ng TV, dahil malapit din sa mesa doon na rin siya kumukuha ng pagkain at ginagawang Dining Table ang Computer Table.

Maiisip mo na ang swerte mo no? Dahil yung ibang tao nga walang matirhan, tapos ikaw eh pa petiks petiks lang sa loob ng kwarto mo.

Friday, December 16, 2011

A sorry loss.

May syndrome talaga ‘yung Ginebra na ‘pagka lumalamang nahahabol sa iba’t-ibang dahilan. Maaring dahil kumakampante o hindi lang talaga umaayon ang tadhana. Masakit isiping lamang at ang ganda ng laro sa loob ng tatlo’t kalahating quarters pero pagdating sa final push eh nawawala ang composure.

Halos mapatid ang litid ko sa kakatili nung napasok ni W. Wilson ‘yung Tsamba kuha sabay na-shoot shot pero ganun talaga. Bilog ang bola. It was a nice game for the Elasto Painters. I’m feeling na magba-bounce back ng matindi ang Ginebra.

May injury si Intal, Wala si Tubid, Palpak ang FTs ni Villanueva, Poor choice of shots, Nawalan ng ball movement, Defense Collapsed. Masakit man, kailangan tanggapin. NEVER SAY DIE. Ginebra pa rin.

Sulat ng taong In-love at baliw na baliw na.

Kamusta aking Irog?

Ay naku!! Gigil na gigil ako sayo! Gusto kong kurutin ang pisngi mo dahil sobrang cute mo, tapos nakakatuwa ang iyong tinig, para bang isang anghel na kumakanta mula sa langit. Para bang isang rosas na hindi malanta lanta dahil punong puno ng buhay. Isang emoticon na kulay dilaw na may kasamang pula na may hawak-hawak at tinitibok na puso. Isang emoticon na sobrang saya.

Nakakabaliw ka! Nakakamiss ka kahit araw-araw kitang nakakausap at nakakasama sa twina. Sana palagi ka lang nandiyan para sa akin, ganito pala ang inlove talaga, ganito pala! Giliw na giliw ako sayo aking sinta! Sana ay mapansin na ang mga twina, hindi na kailangan kunin ang buwan at bituin, ang mahalaga ikaw ay malapit sa akin. Daig ang ningning ni Sharon Cuneta, All time season kitang mamahalin tulad ni Tita Vilma!

Isang matinding pusong sobrang naguumapaw, isang pusong masaya, isang pusong nabuhayan!! Kagigil! Hayyy!! Gusto kita kausapin parati! Huwag kang magsasawa, huwag kang maiinis! Dahil damdamin ay hindi mabatak pabalik, nangunguna, malakas ang tibok! Hindi maipaliwanag! Isa na ata akong superhero sa nararamdaman kong ito!

Tatapusin ang sulat na ito ng nakangiti, dadalhin ang ningning sa iyong mga labi, pakiramdam ko ako ay lumilipad, ayaw ko ng bumaba, ako ay tunaw sa tingin ng iyong mga mata, nauutal sa ngiti mong makulit!

Ayyy!! Yiieeee!! Kagigil!

Thursday, December 15, 2011

nawalan ka. isipin mo nakatulong ka

My day Start with a little off.. i was engage with the fact i was going with emotional distress.. i was forced to summoned to be happy and smile for once in a while to start a day..

my office hours went smooth just like normal office girl. never the less that i wont deny that my heart is seeking for calmness.

i just want to rescue from my burden. i want to felt to be secured. for once in a while i just want to feel being cared to i want to ease the agony from my personal hell ..

teka teka! anu ba sinasabi ko.. nanaginip ata ako. akala ko ako isa ako author ng sikat na novel. na my nag eemo na babae at nag hihintay sa price charming niya vampira..

pero seryoso.. kanina sa sobrang puyat ko.. or pagod siguro.. nakatulog ako sa van.. tapos pag gising ko wala na ung wallet ko.. syempre nag lumo ako.. mga katas ng pinag hirapan ko.. hindi ko nman pansin dahil van un. mas safe kesa sa pampasaherong bus. pero hindi.. akala ko lang un..

PANU KUNG:

PANU KUNG!

nag liwaliw muna ako sa greenbelt

nag shopping sa landmark,,

kumain muna sa glorietta

at hindi umuwi ng ma aga kasi wala ako aantayin para kasabay umuwi,,

edi sana hindi ako nakuhaan..

pero destiny na siguro ito.. iniisip ko na lang.. talaga na ngaylangan ung kumuha.. malay natin sa maganda nman mapunta.. oh diba.. nakatulong pa...


sa buhay ngaun.. depende. kung panu natin gagawin maganda ang outcome ng isang negatibong pang-yayari.. kung pano tayo makakabangon sa bawat pag subok..

Wala sa Gulay ang Buhay.

Hindi talaga natin alam kung kelan tayo kukunin, maaring bukas, maaring mamaya ( wag naman sana ), sa isang araw o sa mga susunod na taon. Sabi nga “Wala sa Gulay ang Buhay” tama nga naman.Tulad nung nananahimik ka lang sa bahay niyo tapos bigla kang bagsakan ng eroplano at dun mag aircrash sa bubungan niyo, sa tingin mo ba may kawala ka? Yun nga na nananahimik lang eh namatay yun pa kayang mahilig kang umalis ng bahay o kaya isa ka sa mga taong mabisyo?

Sabi sakin na yun na yun eh, wala ka ng magagawa, kapag nangyari na eh nangyari na, yun ang paraan paano ka niya kukunin, yun ang nakasulat at yun ang tinatawag mong destiny sa buhay eh.

Kung malakas ang faith mo, maniniwala kang pinahiram lang sa atin ito. Malay mo sa oras na kunin ka eh may bagong paghihiraman naman ito. Ganyan eh, ganyan talaga. Wala sa Gulay ang Buhay.

Kaya dapat mag enjoy sa buhay, hindi dapat basta basta nalulungkot na lang. Sobrang ikli ng buhay para sa atin. Dapat i cherish at enjoyin talaga dapat. Napakalaki ng potential sa mundong ito.

Simbang Gabi

Di ko alam kung dapat bang bumilib ako sa mga bagets na alam kong hindi naman talaga simba ang binabalak kundi ang pumorma at makipag date sa loob ng simbahan. Pero masisisi mo ba talaga sila kasi kahit papano eh gumising sila ng umaga para lang makasama ang mahal nila sa buhay?

Depende yan eh,


May mga simbang tabi, magpapaalam na magsisimba yun pala diretso mall na.

Maraming motibo, hindi mo alam kung balak talaga nilang kumpletuhin ang simba o para lang ito sa mga kasama nilang magsisimba.

May mga taong bilib rin ako, yung mag-isa silang pumupunta ng simbahan, para magsimba lang, para kumpletuhin ang simbang gabi at umaasang matupad ang kanilang mga hiling.

Kanya kanyang trip, kanya kanyang motibo. Basta ang mahalaga hindi mawawala ang espiritu ng simba sa atin at lalo na ang pasko.

Wednesday, December 14, 2011

Iba ang simple

Mababaw lang naman ako at hindi talaga inclined sa pagiging fashionista. Syempre, mahalaga maging presentable pero hindi naman kailangang lagi kang bihis na bihis na akala mo may gala o photoshoot kang pupuntahan. Simpleng t-shirt na masarap sa balat ang tela at presko, hindi lukot at trip ko talaga ang disenyo tas ternuhan mo pa ng maong na swabe at bestfriend ng paa ng rubber shoes/tsinelas na matatag eh solve na ‘yun pang-mall o pang-gala kung saan.

Ayoko nung marami pang abubot na ikakabit sa katawan at aabutin ka ng dalawang oras sa kakapamili ng match na outfit eh d’yan ka lang sa palengke o sa pinakamalapit na mall pupunta. Dyahe kasi ‘yung ganung tipo. Ubos oras. Hindi lang naman ikaw ang titignan sa mall.

Parang algebra lang yan. iba at angat ang itsura kapag nasa simplest possible form.. 

Pampalubag Loob.

  • No offense - pero naka offend na ng sobra. Nilait ka na, sinabi na ng husto ang reaksyon niya.
  • Hindi naman sa nangengealam - pero sobra sobra na ang pangingi-alam. Halos lahat na eh pinansin sayo.
  • Hindi naman sa nagmamayabang - iniyabang na ang lahat lahat. Kulang na lang eh magkaroon ng bagyo sa sobrang kahanginan niya.
  • Hindi naman sa pagkukumpara ha? - pero ang dami na niyang sinabi na kung ano anong pinagka iba sa inyong dalawa.
  • Mawalang galang na po - pero babastusin ka na ng tuluyan

Monday, December 12, 2011

Iba talaga kapag artista

Iba eh, dapat talented ka. Yung ibang pinaparating na pagka talented yung tipong hindi naman marunong kumanta eh pinapakanta. Iba talaga eh sobrang entertainer ng dating nila. Dalawa lang naman ito, ma entertain mo sila kung maganda ang boses mo o kaya naman ma entertain mo sila dahil panget ang boses mo. Ang mahalaga artista ka, audience sila at may ratings. Solb na!

Tulad rin sa pag arte may mga taong may itsura lang pero hindi naman magaling umarte. Akala mo kasali sa video ni Lady Gaga na poker face kung mga umarte. Mga walang emosyon, halatang hindi pa sanay. Halatang basta binunot lang sa mga talent search o kaya naman may itsura lang kaya ang inisip ng management eh ” Ayos na yan, ratings din yan “.

Iba talaga kapag artistahin ang mukha, tipong kahit hindi magaling eh laging napapansin, maraming tumatangkilik. Kahit na ramdam mo na walang kwenta, basta may itsura eh sige lang, anong magagawa mo? May manager ka eh, may fans, palagi silang na kyukyutan, naastigan sa itsura pero hindi nagagalingan. Ganun naman madalas ang industriya. Kung ano ang sabihin nito sayo eh dapat mong gawin. Kakanta ka ng LIVE sa audience pero lipsync lang pala ito? Ano yun? Naging komedyante ka na lang sana dahil ang galing mong mag joke.


Saturday, December 10, 2011

TULOY TULOY LANG ! hala BASA !

eto na po yung kasunod !

“FLOWER SHOP”

flowers has plenty of emotions to symbolize
beautiful things that you can easily recognize
from love to sadness and everything in between
you might ask such beauty, “where have you been?”

a red rose has been considered to show love
and some girls find it, a very passionate gift to have
because for them that’d be very romantic
and they’d find you very attractive

a flower can sometimes express sadness
especially those compassionate white roses
these roses are considered to signify sympathy
to show respect to the dead to at least make them happy

there you see, some of the emotions a flower can express
there’s plenty more, and you might know the rest
so if you love someone give them red roses today
cos it’ll be sad to give them white roses someday

hahha may title yan ahahha… kaya yun napili ko title dahil this poem was inspired by the flower shops that i saw while im on my way to manila… hahha sanay nagustuhan nyo !

Monday, December 5, 2011

Ako pauwi na, yung mga bata namamalimos pa sa daan.

Nakakalungkot tignan ang mga batang ito, sino pa ba? Edi yung mga pulubi sa daan, mga batang kalye, mga batang nakatambay sa overpass kahit na medyo masama ang ugali nila sa paghingi ng pera sayo, wala eh, wala kang magagawa kundi intindihin ang mga ito. Una mo kasing tatangungin dapat sa sarili mo, nag-aaral ba sila? May gabay ba sila ng magulang nila sa edad nila na iyon? Saan ba sila lumaki? Sa kalsada na diba? Kaya di mo masisi bakit ganun ang ugali nila.

Nakakalungkot lang na dis oras na ng gabi eh nasa daan pa rin sila. Namamalimos, naghahanap ng makakain, halatang walang magawa, kaya naglalaro na lang sila sa lansangan, overpass, pati na rin kung saan dumadaan ang mga sasakyan.

Minsan labag pa sa kalooban mo na abutan sila ng pera, hindi mo naman kasi alam kung ano ang bibilhin nila doon. Baka Rugby? O maaring ibigay rin sa magulang nila, para saan? Pang bili ng pagkain? O baka naman pang tong-its ni Nanay o kaya naman pambili ng Alak ni Tatay.

Di tulad nung ibang kabataan na may pera ang magulang, nakakapag-aral din naman pero bakit ganun ugali nila? Ugaling kalye. 
 
Basta, nakakalulungkot, dapat nagpapasalamat ka hindi ka ganun. Wala ka sa daan ngayon, may maayos kang damit, nakakapag-aral ka at kung ano ano pang biyaya ang meron ka ngayon. Nakakalungkot lang talaga ang kanilang sinapit, minsan na nga lang mabubuhay sa mundo ganung buhay pa ang naranasan nila

Sunday, December 4, 2011

kung wala kayo masyado magawa. bisitahin niyo sila.. :)

kung wala kayo masyado magawa. bisitahin niyo sila.. :)

Cuteberl’s World: Panibagong Simula
Debris of My Past
My little web playground
Opinions by Flow Galindez 
Staedler
The Googly Gooeys
The Musings of a Hopeful Pecunious Wordsmith – SittieCates
Yoshke.com – Blogging at the Speed of Life

At syempre ung winner nasi The Culture Shack: "2011 Philippine Blog Awards Best Personal Blog and Readers' Choice Award"

The Culture Shack: The Culture Shack is the 2011 Philippine Blog Awar...: We've seen rock stars do it in concerts. As a song progresses to its resplendent chorus, someone high-voltage like Mick Jagger or Chester ...

Yey! salamat sa mga organizer ng Philippine Blog Awards sa oportunidad..

You want something. Go get it. Period.


Napanuod mo siguro itong movie na  "The Pursuit of Happiness" Isa sa mga magagandang inspirational movie na napanuod ko base sa real life story ni Sir Chris Garner na ginampanan ng respetado actor na si Will Smith..

tama dahil dito sa mundo natin ng mapanghusga na dinidikta ng  mga mata. Para sa kanila hindi sapat ang simple bagay lang. my punto na minsan ma-ihahalintulad ka sa ibang tao at pag un nangyari itatak mo ito sa puso mo ang bawat linya na ito. "Don't let somebody tell you cant do something, you got a dream you have to protect it"

sa bawat pag subok sa buhay tandaan lagi mag dasal lugi ka kung mag titiwala ka sa sarili mo. mag tiwala sa Panginoon dahil Alam mo kung gaano kalakas si Lord? Sa dinami-dami ng problema sa mundo, kinaya Niya lahat kahit hindi ka tumulong. Wala pa sa usapan kung pano ka Niya binubuhat papalayo sa kasamaan.

Friday, December 2, 2011

Finalists for Personal/Diary Category – Luzon Level

"Finalists for Personal/Diary Category – Luzon Level"

ang sarap basahin.. pero masaya na ako kasi pakiramdam ko na nalo na ako. ung makabilang sa hanay ng mga respetado bloggers dito sa bansa natin, aun eh malaki karangalan para sakin. ngaun pa lang parang nanalo na ako! salamat! salamat sa walang humpay na suporta sa mga nag babasa ng ingay ng utak ko.. hindi ko matatamo ito kung hindi dahil sa inyo.. mas lalo ako na inspire mag sulat!



Saturday, November 26, 2011

Para sa kanya..

Ano kaya ang mangyayari sa akin sa mga susunod na taon? Kailangan ko lang namang maging Engineer. After non? Gusto ko muna mag work sa isang company or firm tapos mag masters din ako. Gusto ko din pag sabayin ang pagtuturo at pagtatrabaho (weh? gusto ko lang try mag turo) hahaha.. Ang dami ko kasing balak na mangyari sa buhay ko. Gusto ko pumunta sa iba’t ibang lugar. Gusto ko libutin at magbakasyon kasama si Phiwee.

Sabi ko pa sa kanya, aanhin mo lahat ng magiging success sa buhay kung wala naman ako sayo para uwian mo? Isa din ‘yun sa mga na realize ko nung nag aaral ako. ‘Wag na ‘wag ko daw isasara ang puso ko sa pagma-mahal kahit nagaaral pa lang ako. Madalas kasi sabihin ng mga matatanda sa atin na unahin muna ang pag-aaral bago ang pag ibig. Tama nga naman sila doon pero wala naman akong nakikitang masama kung pagsasabayin mo ‘yung dalawa, siyempre dapat marunong ka mag balanse. Meron kasing mga tao na career first before anything.

‘Yung mga tipong ayaw ma in love hanggat di pa sila nagiging successful. ‘Di naman sa hinuhusgahan ko ‘yung desisyon nila. Buhay nila ‘yun at wala ako sa lugar para sabihin ko sa kanila kung ano ang dapat nilang gawin o hindi. Pero na realize ko lang na aanhin ko nga ang success kung wala naman akong taong pagaalayan ng lahat ng ‘to? Sige, given na para nga sa pamilya natin ang lahat ng ginagawa natin pero naisip mo ba na kailangan ding dumating sa point na may sarili ka ng pamilyang uuwian?

Siyempre ‘yung iba sasabihin “MAY TAMANG ORAS PARA DIYAN”. Oo meron nga, pero paano kung nasanay ka na mag isa? Ang lungkot lang noon. Sabi ko nga sa sarili ko, kahit ma delay pa ‘yung success ko sa buhay basta kasama ko si Phiwee. ‘Di ko kailangan ng sobrang achievement sa buhay. Baliwala din naman kasi lahat ng ‘yun kung hindi ko kasama ang taong mahal ko. Gusto ko kasi si Phiwee na talaga, ayoko na sa iba. Hindi ko na nga nakikita ‘yung sarili ko na magkakaroon pa ako ng ibang karelasyon. Okay na ako. Kuntento na ako sa kanya, wala na din naman akong hahanapin pa.

Sana lang talaga matupad ko lahat ng pangarap ko hindi lang para sa sarili at pamilya ko kung hindi para na din sa amin ni Phiwee. Kahit ano mang mangyari sa akin sa mga susunod na taon; mahirap man o masaya, basta alam kong kasama ko si Phiwee at nandun pa din ‘yung pagmamahal namin sa isa’t isa, hindi ako susuko.

Thursday, November 24, 2011

Maraming tanong na hindi malaman laman ang sagot.

  • Eh yung salitang AALIS na AKO. Kelan ka aalis? Kapag late ka na? Kapag andun na mga kasama mo? Gusto mo ba yung hinihintay ka nila? Tapos pinag uusapan ka nila na pa importante ka? Huwag ganun.
  • Eh yung salitang PATAWAD? Hanggang kailan ka maniniwala? Eh kung paulit ulit naman niyang ginagawa? Kapag sobrang naging tanga ka na sa kanya? Tska mo malalaman na pinagtritripan at niloloko ka na pala.
  • Eh ano ibig sabihin ng HINDI NA UULITIN tapos INULIT ULI? Hindi ba paulit-ulit ka lang na ginagago ng taong mahal mo? Kelan ka matututo? Kelan mo aalisin ang pagka martyr? Hirap sayo, sinaktan ka na eh sige ka pa.
  • Eh yung salitang Mahal kita? Kelan mo masasabi sa taong gusto mo yun? Kapag meron na bagong nanliligaw sa kanya? Sa tagal mong binakuran yan eh hahayaan mo lang mapikot ng iba?
  • Yung salitang move on kaya? Hanggang kelan? Saan ka titigil? Kapag masaya ka na? O kapag nagkaroon na siya ng iba? O kapag natanggap mo na wala na kayo talaga?
  • Eh yung salitang BALANG ARAW? Kailan kaya yung araw na yun kapag sinabi yun? Bukas? Sa isang buwan? Taon? Dekada? Susunod na pagkabuhay kung kelan naging ipis ka na? Maraming pwedeng paglagyan ng salitang balang araw.
  • Eh yung salitang Bahala na? Sino na naman ang gagawa niyan? Si Batman na lang na laging tinatapunan ng bahala? Siguro nagtatampo ngayon si Batman, dahil sa hindi man lang naipaglaban ng tao yung ipinaglalaban niya at iniwan na lang ang problema na ito sa kanya.

Saturday, November 19, 2011

Kasintahan

Ang pag tingin ko sa iyo'y wagas
Kahit saan ika'y ililigtas
Aplas sa'kin ng 'yong mga kamay
Kasing lambot ng ulap na kumakaway
Nagkakawat sa aking isipan
Busilak na iyong katauhan
Hindi ko maiwasang tumingin
Sa'yong matang may tulis ng bituin

Hinihiling ko sa may kapal
Na ika'y maging kasintahan
Kahit saan ika'y aking papakasalan

Sa'yo lang ako, saksi ang mundo
Sana'y mabatid na ito'y totoo
Huwag kang mangamba aking sinta
Lahat nang ito'y para sating dalawa

Sa t'wing naka ngiti ang 'yong labi
Damdamin ko'y nawawala ang hapdi
Ang kutis mong liwanag sa gabi
Animo'y perlas ng bahag-hari

Sa'yo lang ako, saksi ang mundo
Sana'y mabatid na ito'y totoo
Huwag kang mangamba aking sinta
Lahat nang ito'y para sating dalawa

Wednesday, November 16, 2011

Panlabas na anyo lang 'yan

Para sa akin hindi importrante kung hindi ganong kagandahan o kagwapuhan ang isang tao. Kung baga sabi nga nila aanhin mo naman ‘yun kung wala kang magandang ugali di ba? Aanhin mo ang magandang hitsura kung wala ka namang pinagaralan umasta o sabihin nanating low-IQ. 

Useless lahat ng ‘yan, kung baga eh pang front ka lang hanggang pa pogi o nag mamaganda lang. Napansin ko lang kasi sa ibang tao na hindi sila satisfied sa mga hitsura nila. Lagi nilang sinasabi na sana maganda / gwapo din ako, para naman may magkagusto sa akin o kaya naman para hindi ako nahihiyang humarap sa tao. Ang baba ng tingin nila sa sarili nila. Eh ano naman kung di ka nga kagandahan o kagwapuhan? Kung meron ka namang magandang puso, at matalino ka, sapat na ‘yun para maging proud ka sa sarili mo.

Isa pa, basta ba magaling ka manamit or kahit di ka ganong kagaling at least malinis ka manamit, mabango ka at kaaya-aya sa paningin. Presentable ka, at sa kahit na sinong tao ka ipakilala, taas noo kang haharap sa kanila. 

Hindi naman kasi importante na dapat maputi ka maganda ka o gwapo ka, basta kaya mong iharap ang sarili mo sa ibang tao sapat na ‘yun. Kaya wag kang mahihiya, ipagmalaki mo kung sino ka, dahil wala kang katulad. Hanggat wala kang ginagawang masama o natatapakang ibang tao, wala ka dapat ikahiya maging ano man ang hitsura mo

Sunday, November 13, 2011

Buhay na puno ng Eksperimento

Ang buhay ay maaring madaan sa isang simpleng eksplanasyon na hindi na kailangan pang pahabain upang lubos na maintindihan. Isang simpleng parirala o pangungusap na madaling maintindihan. Para sa akin, ang buhay ay isang eksperimento. Saan? Sa ating sariling pagkatao. Eksperimento upang maunawaan natin kung ano ang mga bagay na kailangan nating pahalagahan at kung ano ang kailangang bitiwan gamit ang ating sariling utak at desisyon. Sa mundong ito, masasabi natin na lahat ay mahalaga. Pero, ano nga ba talaga ang buhay ng isang tao, ordinaryo man o hindi, mayaman man o mahirap.

Sa buhay ng tao, marami ang nararanasang problema, mga unos na dapat nating paglabanan. Ang mga pagsubok na ibinigay sa atin ng Diyos, na kailangan nating lampasan, na siya din namang nagpapalakas sa katatagan at pagkatao ng isang nilalang.

Marami nang kakaiba sa mundo ngayon. Maraming wirdo. Maraming mahirap intindihin. maraming mga taliwas sa nakikita at sa hindi. Maraming mga bagay na iba-iba ngunit kapag ating sinuri ay pareho lamang pala. Maraming akala mo ay totoo. Maraming totoo na mukha namang hindi. Marami kang makikitang hindi kapanipaniwala.

Oo, ang mundo, kung ating titingnan ay magulo, pero kung nanamnamin natin, tatanggapin, masaya naman talaga. Marami ang nagpapasaya sa iyo. Marami kang nakikitang nagugustuhan mo. Hindi man natin maintindihan ang ibang bagay alam mong ang mundo’y sadyang puno ng kulay.

Tulad ko, na minsan nang dumaan sa panahong gulong-gulo. Ayoko na, pero ginagawa ko. Masaya pero lumuluha. Nasasaktan pero laging nariyan. Matamlay pero laging nakaagapay. Ayaw maniwala pero sumusuporta. Malungkot pero nakangiti. Kontento pero kulang. Buhay pero tila walang bukas.

Natural siguro sa isang tao na dumaan sa buhay na naguguluhan ka sa katotohanan. Pagdaraanan at pagdaraanan ang kakaibang hanap sa tunay na pagkatao. Totoo ngang mahirap ang mga oras na ganito ngunit ang mahalaga matatag ang iyong paniniwala at alam mo ang lugar mo sa mundo. Hindi ka man maintindihan ng nakakarami ngunit alam mong may isang hindi ka iiwan, malimutan mo man minsan ang iyong sarili, babalik ka rin sa iyong pinanggalingan. Bagay na minsan ay labag sa iyong kalooban ngunit yan ang katotohanang na dapat isa loob mo dahil minsan bukod kay Bro, sarili mo lang ang tanging magiging kakampi at tagapagtanggol mo. At iyan ang buhay na puno ng eksperimento

Saturday, November 12, 2011

How to have a Relationship that Lasts:

wala sa mga ididiscuss ko ang mga tips, do’s and dont’s na gagawin ng mag nobyo’t mag nobya dahil kung irerely mo ang strength mo through human nature, trust me it’s never gonna work out.

First and the most important key that i wanna mention here is, building a relationship that is Godly centered. it might sound boring but really it doesn’t take 2 for a relationship to last it takes three. and thats between you, your partner and God.

I’ts important to trust one another it’s the greatest proof of love. hindi mo pwedeng sabihing may tiwala ka sa tao pero you would bombard his/her emails, text messages, facebook etc. cause really kung mahal ka ng partner mo he/she wouldn’t do bad things on you that’s why it’s important to be a God fearing person cause he/she will be mature enough to deal with things. and yes, privacy is important.

Healthy relationships have miscommunications, of course! package yun kumabaga you can’t love with happiness alone kasama dyan ang trials and problems but it all depends kung paano nyo ito idedeal.

how? in Bibles James 1:19 says Everyone should be quick to listen, slow to speak and slow to become angry. exactly, when arguments came, yung moment na talagang gusto mo ng sumigaw at pagbuhatan ng kamay yung partner mo come to think of this verse, calm down.

Ayan! na share ko na ang insight ko, i think this is the mature way to have a relationship that lasts at hindi yung mga nangaling lang sa knowledge ng mga tao. again, we should always put God in it.

Salamat,

Amanda

Friday, November 11, 2011

Takot mag Pasko mag-isa.

Maraming tao na naman ang namromroblema dahil darating na naman daw ang pasko na malamig sa kanila, pagkatapos nilang tirikan ng kandila noong nobyembre a uno eh ito namang pasko eh gusto atang tarakan ng Christmas lights ang kanilang mga puso para naman daw magka-ilaw ito.

Bakit nga kaya naging tradisyon ng ibang tao ang maghabol ng relasyon kapag mga ganitong araw? Dahil ba ito eh pagbibigay ng pagmamahalan? O kaya naman gustong i celebrate ang pasko na mas special? O mang huthot ng regalo sa nobyo? Pwede pwede diba?

Syempre mag babagong taon, bagong taon ng bagong buhay, bagong taon ng bagong ligaya, bagong taon na puno ng pangako, tapos darating ang araw na manlalamig na ulit sa isat-isa tapos mawawalan ulit ng nobyo tapos maaring magkabalikan ulit sa araw ng mga puso.

Ganyan yan eh, ganun kalupet, ganun katindi ang mga kabataan ngayon. Ano nga ba naman magagawa mo? Kesa iputok mo ng butsi yung kakulitan na ginagawa nila, eh bakit hindi ka nga rin naman maghanap tulad nila diba? At least sila na eenjoy ang buhay na maraming minamahal, kung kaya naman nilang sumaya ulit pagkatapos ng matinding problema, anong masama dun hindi ba?

Wednesday, November 9, 2011

This is an entry about love and I wrote it all by myself.

Commercial muna (wala ma isap na pamagat, dahil pinapa tulog na ako ng mahal ko inay,my pasok pa daw ako)
tara game simulan na natin!

Bakit maraming hindi naayos na on-the-rocks na relasyon? ‘Yung tipong natutuluyan nang matapos.

Dahil ‘yan sa kakulangan niyo ng lakas umamin sa isa’t-isa. Kagaya na lang ng mga babaeng ang hilig gawing puzzled ang mga lalaki at mga lalaking ayaw ma-puzzle at nasasaktan din kaya hindi nagagawang ma-trace ang nais ipahiwatig na paglalambing ng mga babae.

Bukod sa gasgas na pagbibitiw ng desisyon sa isang temporary na damdamin eh isa pa sigurong dahilan ang masyadong pag-hangad ng idealistic na relasyon. Kung gusto mo ng ganun, isipin mo ng maiigi.. ni hindi mo nga alam kung anong nangyayari sa mga Happily ever after mong fancy, ‘di ba? Kung mga artista ngang akala mo perfect for each other na naghihiwalay pa eh.

Kung gusto mong magtagal, ipaglaban mo. Kung ayaw na nung isa, bitawan mo pansamantala. Kung napagtanto mong walang patutunguhan, pansamatagalan mong bitawan. If there’s a will, there’s a way!

Ang mga noypi pagdating sa concerts

Basta kung ano lang ang sikat na kanta, 'yun ang siguradong kayang sabayan ng mga Pinoy pagdating sa concerts. Kung ano 'yung pumasok sa charts, kung ano 'yung napatugtog sa radyo at napalabas sa Myx, kung ano 'yung nauso at naging hit. Hindi tayo kagaya ng ibang lahi na pagka may nag-concert na foreign o mapa-lokal man, kabisado talaga nila MOST of the songs at hindi 'yung na-mainstream at over-played lang. Napapansin ko lang din kasi sa mga DVD ng concert ng ganto-ganyang banda na nag-to-tour around the world eh kabisado talaga ng mga audience 'yung kanta nung pinuntahan nilang artist. Nakakatuwa.

Hindi ko naman nilalahat ang mga Pinoy, alam kong meron pa ring faithful sa pagbili ng mga album/pag-download ng mga kanta at nagkakaron ng time para pakinggan ang bawat kanta nito, i-kritiko o i-appreciate at hindi basta i-skip lang ng i-skip kasi hindi nila alam at hindi sila interesado kasi hindi ito famous.

Ang isa pang nakakalungkot eh nakakabisado lang ng mga tao ang mga kanta pagka disbanded na o wala na o retired na ang mga artist/s. Ano pa kayang silbi nun? Well, siguro dun papasok 'yung better late than never. Kaya siguro pumupunta na lang dito karamihan ng mga musicians kapag marami na silang baong hits o kundiman pagka may mga edad na sila. Ang awkward lang din naman kasi, isa lang 'yung hit mo pagtapos 'yun lang din ang alam sabayan ng audience race mo. Mas nakakatuwang bumalik kung talagang inembrace nila ang music mo 'di ba? 'Yan ang hirap 'pagka nagsesettle na lang tayo sa medisina ng mainstream

Jokebox songs.

Temang baduy, makaluma, napaglipasan at masyadong madrama. Maraming negatibong impresyon ang kabataan sa mga kanta nina Claire Dela Fuente, Imelda Papin, Freddie Aguilar, ‘Yung kumanta ng “Napakasakit Kuya Eddie” tapos ‘yung “Bawal na gamot” at marami pang iba. Madalas ipang-joke time ‘tong mga ‘to at palit-palitan ang lyrics.

Siguro ‘yung tono o music lang ‘yung palya. Nag-iiba rin naman kasi ang taste ng bawat tao as time goes by, as it flies by. Kung dati, uso ‘yung mga ganun.. ngayon uso na ‘yung tsug-tsuku-pak na R&B tapos mga love songs na ni-revive lang naman nila nung 80’s at 90’s sa kapwa-OPM artist o sa forenjer na icon.

Actually, ‘yung lyrics nung mga kanta ng jukebox songs eh makatotohanan. In a sense na nagaganap talaga ‘yun sa totoong buhay, madaling makita lalo na sa henerasyon natin. Kagaya na lang nung Isang Linggong Pag-ibig na uso sa mga teenager na mapusok ngayon. ‘Yung bawal na gamot na halata mo namang pwedeng theme song ng mga Shabu addict, Chongke at Rugby Boys. ‘Yung kwento nung OFW sa napakasakit kuya Eddie.. ang daming ganun ngayon, mas dumami na rin kasi ang nagbabakasakali ng buhay sa ibang bansa pero ‘yung mga naiwan nila dito eh napapariwara. Ang pinaka-hindi nawala sa uso eh ‘yung Tukso dahil napakaraming nagkalat na polygamous ngayon.

Playlist ata ng kapit-bahay namin ‘tong mga nakasaad na kanta dito. Jukebox-an na!

Date a guy who.. Love a girl who.. Doctor who..

Sorry pero hindi ko talaga gaanong trip ‘yung mga ganyan. Feeling ko kasi dinidiktahan ako kahit hindi naman. Para bang saleslady na ino-offer ang isang magandang heels pero ang gusto ko talaga ay rubber shoes. Siguro ‘yung iba nakaka-relate dahil sila ay “A guy who../A girl who..” pero parang ang labo lang naman kasi noon.

Kahit pa anong biling ng utak mo, pag tinamaan ka ng magaling, hindi ka na titingin if “A guy..” or “A girl..” ‘Pag mahal mo, mahal mo. ‘Pagka gusto mong i-date, ide-date mo. Kahit pa si Piolo Pascual ‘yan kung ang trip mo naman eh ang mga gaya ni Ely Buendia hindi ka pa rin mabebentahan ng ideya.

Bawat tao ay may kanya-kanyang magugustuhan at mamahalin. Hindi dapat lagyan ng kategorya. Meron na ngang gwapo, maganda, matso, seksi, matalino, bobo, tanga, inutil dadagdagan niyo pa. Para lang ‘yang TUNAY NA LALAKE AT TUNAY NA BABAE. Lahat may say.

Sunday, November 6, 2011

Pwede mo akong palitan pero siguraduhin mong mas mahal mo siya sakin. Pwede mo akong iwan pero siguraduhin mong kaya mo. Kasi pag ako sobrang nasaktan, wala ka nang babalikan.
-MandaPanda 

Saturday, November 5, 2011

Umiiyak ang isang tao dahil

  • Kailangan niya ito - ang tinutukoy ko dito ay ang mga artista, umiiyak sila para kumita ng pera, kailangan nila umiyak para umarte at magustuhan ng tao sa mga telebisyon. 
  • Napamahal ang tao sa kanya - ito yung mga taong nagmahal at nasaktan, ito yung mga taong iniwan, pwede rin namang nangiwan. Basta kapag may taong nawala sa buhay nila. Namatayan, nawalan, at kahit ano pang dahilan ng pagkawala. 
  • Nasugatan ito - sa mga bata, kailangan ng pag-aaruga, kailangan ng kalinga, kaya nga kapag nadadapa ang bata tumatayo agad ito at tska lang iiyak hindi ba? Parang ganun din ang mga taong nasa edad natin ngayon, mga 16 to 20+ nagiging bata sila kapag nagmamahal, nasusugatan sila, hindi man ang kanilang tuhod,kamay,siko kundi ang puso nilang sinugatan. 
  • Takot - takot na mawala ang isang tao, takot baka bumagsak ang grade, takot dahil may kasalanan, takot dahil nagsinungaling. Kapag naghalo-halo ang problema biglang babagsak ang mga luha. 
  • Masaya - hindi porket umiyak ang isang tao eh malungkot na ito, minsan sa sobrang saya nito o kaya naman sa sobrang natanggap na sorpresa eh hindi sapat ang mga ngiti kaya napaiyak ang mga ito. Tears of Joy Ika nga, minsan lang mangyari sa buhay ng tao ito. Kaya ito yung mga luha na hindi makakalimutan.